Share

Chapter 3 - Walang atrasan

“Anak, kinabahan ako. Paano kung tuluyan na akong mabulag?”

“Mama naman. ‘Wag po kayong mag-isip ng ganiyan. Think positive lang dapat palagi,” pang-aalo ni Cielo sa ina. 

Bumukas naman ang pinto at iniluwa na ang doctor na nag-opera sa kaniyang ina at isang nurse. 

“Okay. Good morning po, ma’am. Kumusta po ang pakiramdam nin’yo? Excited na ho ba kayong tanggalin iyang benta sa mga mata mo?” Nakangiting bati ng doctor. 

“Good morning po, Doc. Ako po ‘y kinakabahan. Paano kung hindi na talaga ako makakita? Magpapa-opera ba ako ulit?” hindi mapigilang magtanong ng ina ni Cielo. 

“In that case, should we take another test, kung bakit? Pero parang wala naman ho kayong bilib sa akin niyan, eh,” kunwaring nagtatampo ang doctor. 

“Ay, hindi po. Paumanhin sa aking nasabi, hindi naman po sa gano'n,” hinging paumanhin ng ina ni Cielo. Natawa naman ito dahil nagbibiro lamang naman siya. 

“Mama, magaling po si Doctor Chavez. Sigurado makakakita ka na.” 

“Hmmn… Siya, sige. Shall we start?” Tumango naman si Cielo.

“Relax mama, okay?” 

“Oo anak.”

Dahan-dahang timanggal ng nurse ang benda sa mga mata ng ina ni Cielo hanggang sa matapos. Kabado si Cielo sa mga oras na iyon kaya halos ang paghinga niya ay sumasabay sa pag-iikot ng benta na inaalis sa mata ng ina. 

“Ma’am. Dahan-dahan mo pong imulat ang in’yong mga mata.” Sumunod naman Carmela ang sa sinabi ng doctor. Unti-unti siyang nagmulat subalit halos wala siya ibang magkita kung ‘di puro puti at sobrang silaw sa kaniyang paningin. 

“Go on, sige pa. Imulat mo pa, po,” ani ni Doc Chavez. 

Hanggang sa ang mga puti ay nakaaninag na siya ng kung anu-anong kulay at mga bagay. Nang tuluyan na siyang nakamulat ay lumingon ito kung nasaan si Cielo na nakatayo. 

“Cielo, anak,” tanging nasambit ni Carmela. 

“Mama. Nakikita mo na po ako? Kaming lahat?” Sunod-sunod namang tumango si Carmela kung Kaya ‘t tinakbo ni Cielo ang pagitan nila ng ina upang yakapin sa sobrang saya. 

“Salamat sa Dios,” ani pa ni Carmela habang yakap si Cielo. Lumingon ito kay Doctor Chavez na nakangiti at nag-thumbs up naman sa kan'ya. 

“Doc. Maraming salamat po!” Lumapit si Cielo kay Doc Chavez ay sobrang pasasalamat nito ay hindi niya mapigilang mayakap ito. 

“No worries. It's my job, and masaya po ako para sa in'yo, ma’am. Mga ilang araw na lamang ay puwede na po kayong ma-discharge after some test to make sure na hundred percent okay na iyang mga po nin’yo,” saad ni Doc Chavez bago magpaalam. 

Tinawagan naman agad ni Cielo ang ama niya upang ibalita. Saglit lang nag-ring ang cellphone nito na agad namang sumagot.

“Hello? May problema ba anak?” Nang makitang si Cielo ang tumatawag ay agad naman iitong sinagot ni Rafael. 

“Wala naman po, ‘Pa. Gusto ko lang pong sabihin na okay na si Mama. Na-agapan mo ang kaniyang pagkabulag. Maraming salamat po, Papa.” 

Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Rafael dahil sa magandang balita. “Mabuti naman kung gano'n, anak. Masaya ako para sa iyong ina.” 

“Opo, Papa. Wala na po kayong dapat na ipag-alala. Magiging maayos po kami,” ani naman ni Cielo. 

“Patawarin nin'yo ako anak. Pakisabing mag-iingat siya palagi,” bakas ang lungkot at panghihinayang kay Rafae ngunit ang mahala ay magiging maayos na sina Cielo at Carmela. 

“Ikaw rin po. Mag-iingat rin po kayo palagi, Papa. Okay na sa amin na malamang okay rin ho kayo.” Habang nag-uusap sina Cielo at ama nito ay nasa tabi lamang si Carmela na tahimik lamang na umiiyak. 

Nais man niyang kausapin si Rafael ngunit matinding pagpipigil ang ginawa niya. Sandaling natahimik sila gayun din si Rafael, gusto man niyang magsalita ay tulad ni Carmela ay nagpipigil lamang din ito. 

“Ahmm… Sige na po, ‘Pa. Tatawag na lang po ako 

ulit.”

Ramdam ni Cielo ang bigat sa pagitan ng mga magulang kung kaya ‘t nagpaalam na ito sa kaniyang ama.

Tuluyan silang nakauwi. Ngayong maayos na ang ina ni Cielo ay tutupad na siya sa pango. Magpapakasal siya sa boyfriend ni Solenn. Balak niya na ring sabihin iyon sa kaniyang ina dahil kahapon pa ito nagtatanong kung paano siya 

nakahiram ng perang pangpa-opera.

“Ma, may gusto po akong sabihin,” panimula niya.

“Ano iyon anak?” Kasalukuyang kumakain sila ng gabihang mag-ina.

“Tungkol po sa perang nahiram ko. Ang totoo ay lumapit po ako kila Madam Lucille–”

“Ano kamo? Kay Lucille?! Hindi makapaniwala si Carmela sa nalaman. Alam na kasi nito ang ugali ng Lucille na iyon. 

“Ano? Sinaktan ka ba niya? Pinagsabihan ng kung ano-ano? Hayaan mo. Babayaran natin sila! Magta-trabaho ako mabalik lang ang pera nila. Kung alam ko lang ay hindi na ako nagpa-opera,” may bahid ng galit sa boses ni Carmela. Alam niyang isusumbat iyon ni Lucille sa kanilang mag-ina. 

“May kasunduan po kami ni Solenn kaya gano’n.” Lalong nangunot ang noo ni Carmela. Hindi makapaniwala sa nangyayari. 

“Anong kasunduan?”

“Pumayag po sila na bigyan ako ng pera basta pong kailangan kong magpakasal sa boyfriend ni Solenn.” Natutop ni Carmela ang bibig sa pagkabigla. May gano'ng kasunduan na naganap?

“Cielo, bakit ka pumayag, anak? Bakit mo iyon ginawa?” Nasasaktan si Carmela para sa anak. Puro na lamang problema ang naibigay niya rito.

“Mama, ayos lang! Dalawang taon lang naman po at kailangan naman po naming maghiwalay. Iyon po ang kasunduan namin ni Solenn at may tiwala naman po ako,” paliwanag ni Cielo sa ina. 

Hindi na alam pa ni Carmela ang sasabihin sa anak. Nakadama siya ng awa para kay Cielo. Kung may kaya lang sana itong gawin para lang mabayaran agad ang utang na iyon ay gagawin niya upang hindi na mapasubo pa ang anak.

Pinaalam na ni Cielo kay Solenn na nakauwi na sila ng kaniyang ina at maayos na ang kundisyon nito. Usapan nilang pagkatapos ni Cielo asikasuhin ang ina ay kailangan na siyang ipakilala ni Solenn ky Warren at maikasal sila sa lalong madaling panahon. 

Kinagabihan bago matulog si Cielo ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Solenn. Iyon na ang araw na makikilala niya si Warren. 

“Hi Cielo! See you tomorrow at 2 pm. Ipapasundo kita bukas 9 am. Ako nang bahala sa lahat, okay? Night….” 

‘Wala nang atrasan, Cielo!’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status