Share

Chapter 5 - Know Your Place

“Wow! You look stunning! Hindi ko alam na may tinatago kang ganda, ah!” nakaramdam naman ng hiya si Cielo dahil pakiramdam niya ay namaliit siya ni Solenn. Tipid na lamang siyang ngumiti bilang tugon.

“Hon, she's my step sister. Cielo Vallejo,” pakilala ni Solenn sa kan’ya. “,and he's my boyfriend, Warren Sandoval.”

“Nice to meet you, Cielo,” naunang bumati si Warren kay Cielo. Naglahad ito ng kamay upang makipagkamay sa kan’ya kaya nahihiya niya naman itong tinanggap.

“H-hello, nice meeting you too,” nahihiyang tugon naman ni Cielo.

“Guys… Don't be shy with each other, okay? Soon, you too are getting married.”

Nakaramdam ng inis si Warren dahil pakiramdam nito ay pinagdudul-dulan siya nito talaga! He's thinking if Solenn is really into him?

Pagkatapos nilang kumain ay napag-usapan na nila ang magiging set up nina Cielo and Warren. Nag-set na rin ito ng date kung kailan siya ipapakilala ni Warren sa family nito lalong-lalo sa lolo nito. Nakinig lamang si Cielo at puro tango lamang ito kay Solenn. Wala naman umano siyang karapatang tumanggi.

Dumating na ang raw na ipakikilala na ni Warren si Cielo sa family niya at sa kaniyang lolo.

Magkasama silang dalawa ni Cielo ngayon lulan ng sasakyan patungong mansion nina Warren. Naramdaman ni Warren na kinakabahan si Cielo kung kaya’t kinuha nito ang isang kamay ni Cielo na ikinagulat naman ng dalaga.

“Don't be nervous. I'm here,” mahinang sambit nito at pinisil ang palad niya. Napalunok na lamang si Cielo dahil tila napapaso siya habang magkahawak kamay.

Hanggang sa makababa ay hindi na binitawan pa ni Warren ang kamay ni Cielo. Isip niya siguro ay kailangan nga talaga ito sa palabas nila upang hindi makahalata ang pamilya ni Warren.

Sinalubong sila ng mga katulong at nagsiyuko ito nang dumaan sila.

“Narito na po sila!” sabi naman ng babaeng may edad na nagpatiuna na sa kanilang dalawa.

“Hello, everyone! Lolo. Let me introduce to you my girlfriend or should I say my fiancee. Cielo Vallejo,” agad na pakilala ni Warren sa kan’ya.

Isang lalaki at babae na halos kaedaran lang niya at hindi naman nalalayo ang edad sa kanila ni Warren. Sa kabilang side naman ay hula niya ay mag-asawa at kamuha ni Warren ang isa maharil ay ito ang ama nito. Na sa pinakasentro naman ay ang nakaupong matanda na nasisiguro ni Cielo na ito nga ang lolo ni Warren.

“Maupo ka, Ija,” aya naman ng lolo ni Warren kay Cielo. Nagulat pa siya nang magsalita ito sa kan'ya at ngumiti. Ipinaghila naman si Warren si Cielo ng mauupuan at magkatabi sila.

“Hi, I'm Wendy. Kuya Warren's sister. Nice to meet you, Cielo,” bati nito sa kan'ya.

“Welcome to the family, Cielo. I'm Wallace. His brother.”

“Mamaya na muna ka mag-kumustahan. Let Cielo eat first. ‘Wag kang mahiya, Ija. Enjoy the food and pinahanda ko iyan para sa mapapangasawa ng apo ako,” ani ng matanda. Tila nabawasan naman ang kabang naramdaman ni Cielo dahil sa pagtanggap sa kan'ya ng mga kapatid at lolo ni Warren.

Samantalang tahimik lamang ang parents ni Warren ngunit kapag napapatingin si Cielo sa Gawi ng mga ito ay ngumiti naman at daddy ni Warren at inaalok pa siyang kumain pa.

Ang akala ni Cielo ay maha-hotsit siya sa lolo ni Warren ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi man lang siya nito tinanong tungkol sa backgrounds niya kung saan ba siya nakatira or kung ano nga ba ang tinapos niya. Iyon kasi ang alam niyang ganap sa mga napapanood na drama sa Tv.

Pinansin naman siya ng mommy ni Warren ngunit hindi tipid lamang ang pakikipag-usap nito sa kan'ya. Nagpaalam na rin ang mga ito dahil masama umano ang pakiramdam at sinamahan naman ito ng daddy ni Warren.

Naiwan ang mga kapatid ni Warren at ang lolo nito. Natagpuan na lamang ni Cielo ang sarili na napapalagay na siya sa mga ito lalo na sa lolo ni Warren. Palabiho kasi ito at kapag si Cielo naman ay nagbiro ay nagtatawanan ang mga ito.

Napapangiti naman si Warren dahil mukhang nawala na ang kaba ni Cielo na kanina ay sobrang lamig ng mga palad nito. Nakakahawa ang mga tawa att ngiti nito at natutuwa siyang napapangiti nito ang lolo niya. Mukhang sumigla rin ito kaya masasabi niyang nagustuhan nito si Cielo.

Iniwan saglit ni Warren si Cielo at kumuha ng alak sa bar counter nang masalubong nito ang kapatid na si Wallace.

“I think, grandpa likes her for you, dude! She's nice and I like her,” kumento nito kay Cielo. Pati pala ito ay nakita rin iyon.

“She's Solenn's step sister.”

“Really? But to be honest, I haven't seen Solenn as a wife material. I know your plan, the set up and everything. So, good luck! If you don't change your mind, akin lang si Cielo,” pang-aasar pa nito kay Warren na may halong katotohanan.

“Wendy, saan dito ang Cr nin'yo?” pabulong na tanong ni Cielo dahil nakaramdam siya ng pagkaihi.

“Oh, samahan na kita, Ate,” ngunit agad nang tumangi si Cielo dahil maiiwang mag-isa ang matanda. Hindi pa kasi bumabalik si Warren at hindi niya alam kung saan ito nagpunta.

“Ako na lang, kaya ko na ‘to! ‘Wag mo nang iwan si Lolo rito saglit lang naman ako.”

“Sige, dumirecho ka lang diyan tapos kaliwa ka. Nariyan na iyon, Ate.”

“Salamat.”

Agad namang nahanap ni Cielo ang cr kung kaya't guminhawa na ang pakiramdam niya. Agad na siyang lumabas upang makabalik ngunit pagliko niya ay muntik pa siyang mapasigaw sa gulat dahil naroon ang mommy Warren.

“Kayo po, pala. Ahm…nakigamit lang po ako ng Cr,” aniya.

“Gusto talaga kitang makausap,” sambit ng ina ni Warren. Talagang inabangan niya si Cielo para makausap at paalalahanan.

“S-sige po, ano po iyon?”

“I know a lot about you and your mother. Lucille told me and explained to me everything kaya hindi mo kailangan magpanggap kapag tayong dalawa lang!”

Napayuko naman si Cielo at naikuyum ang kamao. Akala niya pa naman ay matatapos na kalbaryo niya sa mga taong hinuhusgahan silang mag-ina. Mas lalo lamang pala itong nadagdagan.

“Ipapaalala ko lang iyo na may usapan kayo ni Solenn at baka nakalimutan mo! Siya lang ang gusto kong maging daughter in law!” Napayuko na lamang si Cielo. Nangilid ang kaniyang mga luha dahil sa masasakit na salita galing sa mommy ni Warren. Wala naman siyang balak sumira sa kasunduan nila ni Solenn.

“‘Wag po kayong mag-alala. Tutupad po, ako.”

Subalit bago pa siya iwan ng mommy ni Warren ay muli itong pumalatak ng salita.

“Good. At least! You know your place!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status