Share

Chapter 39: Sweetness Overload

"Matatapos na ang bakasyon ninyo, baka naman gusto mo munang gumala besh." Ani Odette habang magkausap sila sa labas ng bahay. Pinanonood niya kasi si Pauline at Roxanne na nagdidilig ng halaman. Si Elisha naman ay naglalaro kasama ang ilang bata, siyempre nakabantay ang yaya nito. At ang asawa naman ay nasa sala at seryosong nakaharap sa laptop nito. 

"Naiisip ko rin iyan besh. Saan ba pwede?" tanong niya rito.

"Lalayo pa ba tayo? Eh di siyempre sa majestic Lulugayan Falls ng ating mahal na bayan!" Pumitik pa ang mga daliri nito. 

Sumang-ayon siya sa sinabi nito ngunit nag-alangan ng maalala ang matarik na kalsada papunta roon, at heto't buntis siya. Sinabi niya iyon sa kanyang kaibigan.

"Ano ka ba besh, hindi ka ba updated? Maganda na ang kalsada papunta roon. Thanks sa build, build, build project ng gobyerno." Maarteng wika nito na may pahampas pa sa hangin ang mga kamay. 

"Eh, mabuti kung ganoon. I'll tell George about this..."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status