"Ano!???" Napaawang ako sa narinig, kinakabahan sa pagbabanta nito na posible nga naman niyang gawin. "Are you deaf? O nagbibingi bingihan?" Anitong nakaangat ang isang sulok ng labi. "Pa---- papano naman napunta sa Visayas si Ma'am Ara? Eh taga dito lang iyon eh. Minsan pa nga akong nanatili sa resthouse niya para sa pagtra- training noon ng caregiver, yon nga lang hindi ko rin matandaan kung saan iyon banda. Basta bumiyahe kami ng ilang oras nun patungo sa mansyon ng mga Villaroman." Naguguluhang bulalas ng aking isipan na hindi ko naman magawang isatinig kaagad dahil sa kalituhan. "Vi--- Visayas? Bakit ang layo? Paano napadpad doon si Ma'am Ara?" Sunod sunod na tanong ko kalaunan sa kanya na puno ng pagtataka. "Maraming nagngangalang Ara Sanchez ang taga roon at kamukha pa sa binigay mong deskripsyon. Besides, talagang malaki ang possiblity dahil walang kriminal ang nagtatago sa malapitan. Buti sana kung maituturo mo ang eksaktong tirahan nung kasabwat mo eh wala ka naman
Kahit maraming bumabagabag sa aking isipan ay di ko mapigilan ang nararamdamang galak nang tuluyan kaming makasakay ng eroplano, kahit pa man parang hinahalukay ang tiyan ko nang tuluyan itong lumipad sa himpapawid. Sino ba namang hindi magagalak gayung buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakasakay ng ganito na dati rati ay pangarap ko lang. Yun nga lang sa ganitong paraan pa. At sobra ring nalulungkot ang kabilang parte ng puso ko dahil kasama ko sa pangarap na iyon ang Lola Cita ko. Yung kaming dalawa ang makasakay. Bigla na lamang bumuhos ang emosyon ko at di na napigilan pa ang pagpatak ng mga butil sa aking mga mata nang maalala ang lola ko. Malabo ng matupad pa iyon dahil wala na siya. Hindi na siya kailanman babalik dahil pinatay na siya ng walang pusong halimaw na kasama ko ngayon. Ni hindi ko nga siya nabigyan ng maayos na libing kahit pa man alam kong napasama sa sunog ang katawan niya. Lihim kong naikuyom ang kamao dahil sa biglaang pagbigat ng dibdib. Hindi ko kayang
Lutang na lutang akong sumunod sa kanya hanggang sa makalabas kami sa isang mataas at magandang building na sa tingin ko'y isang hotel. Agad kaming pumasok sa isang magarang sasakyan at binuhay rin agad ng driver ang makina. Halatang nagmamadali ang halimaw at parang naghahabol talaga ng oras. Kahit sa bagong view ng kapaligiran ay wala akong ganang magmasid dahil bukod sa masamang pakiramdam ay nakatuon yung isipan ko kay Ma'am Ara. At sa possibleng pagkikita namin ngayon kung isa nga siya sa mga nadukot. "Dumaan muna tayo sa isang fastfood. We'll take out foods." Kahit sa simpleng pag utos ng halimaw sa kausap na driver ay matigas pa rin ito magsalita. Naging tahimik lang ako sa buong biyahe namin hanggang sa sumaglit nga kami sa isang mamahaling fastfood para magpatake out ng pagkain. At ang hindi ko inaasahan ay nang abutan ako nito ng isang malaking burger, french fries at softdrinks. "Eat it! At baka magdrama ka na naman na nahimatay kung kailan nasa mahalagang lakad
( Maximus POV ) "Speak up!" Matigas na wika ko sa ginang na nagpakilalang Ara Sanchez. Pagdating pa lang namin ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko para ipaalam na sa lahat lahat ng mga babaeng naririto ngayon ay may isang lakas loob na umamin na siya ang Ara Sanchez na kasabwat ng babaeng kriminal na Thalia Alvarez na ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon habang naglalaro na sa isipan ko ang pag amin nito. Nasa tuktok na ng katotohanan ang lahat at imbes na maging masaya sa tuluyang pagkamit ng hustisya ay parang sinilaban ang dibdib ko sa pag iinit nito. Sobra akong dismayado sa maaaring malaman at hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Nagngingitngit ako habang naghihintay sa rebelasyon nito. "Ma------ Ma'am Ara? Hindi ako maaaring magkamali. Ikaw nga po iyan!" Rinig kong sambit ng babaeng kriminal. Puno ng kalituhan at halata ang kaba sa boses nito. Ni hindi ko ito magawang sulyapan dahil sa pagwawala ng dibdib ko ngayon
"It's been a week already, wala ka pa bang balik umuwi ng San Fernando?" Bradley asked matapos ako nitong tabihan sa bar counter. As usual, we're on our favorite bar. Yeah, it's been a week na dito na ako nagstay sa Manila magmula ng umuwi kami galing Visayas matapos ang rebelasyon ng Ara Sanchez na iyon. And I stayed alone. Na maski isang bodyguard ay hindi ako nagsama dahil gusto kong mapag isa. And just a day after that incident, binalita rin sa akin ng mga tauhan ko na nagsasabi ng totoo ang ginang dahil pinuntahan nila ang naturang ospital at kinumpirma iyon ng nurses at doktor na naghandle sa operasyon ni Cita Alvarez, lola ng kriminal na Thalia Alvarez na yon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago walang ganang sumagot. "I don't know yet." "Paano ang bihag mo? Anong balak mo dun sa babaeng suspek sa pagkamatay ng lolo mo?" Seryosong tanong nito kaya nakuyom ko ang kamao ko bago tinungga ang hawak na bote ng alak. If only I could kill her matagal ko n
[ NOTE: SPG ALERT! THIS CHAPTER CONTAINS SEXUAL AND EXPLICIT CONTENT NOT INTENDED FOR YOUNG AND SENSITIVE READERS. ] ( Thalia's POV ) "Pasensiya kana at kailangan ko ng lumabas Thalia. Isang minuto lang kasi ang binigay sa akin na oras ng pagpasok ko rito. Magpakabusog ka ha? Sa susunod na araw ulit." Malungkot na paalam ni Manang Sonya na ikinangiti ko ng mapait. Oo, tatlong araw lang sa isang linggo ang pagkain ko dahil iyon raw ang mariing utos ng halimaw. Bakit ba hindi niya nalang ako patayin sa gutom? O di kaya'y patayin nalang niya agad, barilin niya o di kaya'y sakalin. Papahirapan pa niya yung sarili niya. Nagsasayang lang siya ng pera at panahon gayung iyon din naman ang kahihinatnan ko. Matapos kong makapagpasalamat ay lumabas na rin kaagad si Manang Sonya kaya naiwanan na naman akong mag isa dito sa loob ng basement. Buti na nga lang at hindi na ito kasingdilim kagaya ng dati dahil may isang lampshade na nagbibigay liwanag sa akin. Malungkot kong isinubo ang pagkaing
Matapos ang gabing iyon ay hindi na kami muling nagkita o nagkaharap pa ng halimaw. Napag alaman ko nalang mula kay Manang Sonya nung minsan siyang naghatid ng pagkain na lumipad na raw patungong US at wala pang petsa kung kailan babalik. Pero kahit na ganoon ay hindi ko naman magawang matuwa dahil sobrang higpit ng mga bantay sa 'kin. Pinalagyan din ng CCTV footage itong loob ng basement kaya wala talaga akong kawala o di talaga makakagawa ng di kanais nais. Hanggang sa ang isang araw ay naging ilang linggo. At wala rin namang ipinagbago ang lahat maliban sa hindi ko na nasisilayan ang mukha ng halimaw. Pero alam ko sa puso ko na may mga panahong nakakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan. At ayaw kong isipin na dahil iyon sa halimaw. Gusto ko ng iwaksi sa utak ko na hindi pwedeng isipin ko siya. Gusto kong sirain lalo ang imahe niya sa isip ko para mamuhi ako lalo sa kanya. Baka nga pag uwi nun ay saka pa lamang ako sisingilin sa mga kasinungaling isiniwalat ni Ma'am
Teka! A---- ano raw? Papanagutan!??Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Hindi lang pala ako kundi maging si Manang Sonya at ang mga tauhan ng halimaw na nandirito ngayon."Hoy! Bingi ka ba ha?" Irritableng sambit pa nito kay Manang Sonya kaya napakurap ang matanda saka ito napatakip ng bibig."Susmaryosep! A--- anong sabi mo ha Krista? Pakiklaro nga!" Ulit ni Manang para makumpirma ang unang sinabi ng walang galang at malditang babae."My goodness! You're really a deaf huh Manang. Sabi ko gusto kong makausap si Max! Papasukin niyo nga muna ako sa loob. Nakakairita kayong lahat." Inis na wika pa nito saka tuloy tuloy na nagmartsa papasok sa loob ng mansyon."Ma'am, teka lang po! Pinagbawalan na po kayo ni bossing...."Mabilis naman itong hinabol ng mga tauhan para pagilan kaso mas lalo lang itong napasigaw sa galit."Don't you dare put your dirty hands on me! Subukan niyo lang akong saktan o kaladkarin kundi sisiguraduhin kong malilintikan kayo ni Maximus kapag may n