Thank you everyone! Keep commenting para sa inyong saloobin. Lovelots!
[ NOTE: SPG ALERT! THIS CHAPTER CONTAINS SEXUAL AND EXPLICIT CONTENT NOT INTENDED FOR YOUNG AND SENSITIVE READERS. ] ( Thalia's POV ) "Pasensiya kana at kailangan ko ng lumabas Thalia. Isang minuto lang kasi ang binigay sa akin na oras ng pagpasok ko rito. Magpakabusog ka ha? Sa susunod na araw ulit." Malungkot na paalam ni Manang Sonya na ikinangiti ko ng mapait. Oo, tatlong araw lang sa isang linggo ang pagkain ko dahil iyon raw ang mariing utos ng halimaw. Bakit ba hindi niya nalang ako patayin sa gutom? O di kaya'y patayin nalang niya agad, barilin niya o di kaya'y sakalin. Papahirapan pa niya yung sarili niya. Nagsasayang lang siya ng pera at panahon gayung iyon din naman ang kahihinatnan ko. Matapos kong makapagpasalamat ay lumabas na rin kaagad si Manang Sonya kaya naiwanan na naman akong mag isa dito sa loob ng basement. Buti na nga lang at hindi na ito kasingdilim kagaya ng dati dahil may isang lampshade na nagbibigay liwanag sa akin. Malungkot kong isinubo ang pagkaing
Matapos ang gabing iyon ay hindi na kami muling nagkita o nagkaharap pa ng halimaw. Napag alaman ko nalang mula kay Manang Sonya nung minsan siyang naghatid ng pagkain na lumipad na raw patungong US at wala pang petsa kung kailan babalik. Pero kahit na ganoon ay hindi ko naman magawang matuwa dahil sobrang higpit ng mga bantay sa 'kin. Pinalagyan din ng CCTV footage itong loob ng basement kaya wala talaga akong kawala o di talaga makakagawa ng di kanais nais. Hanggang sa ang isang araw ay naging ilang linggo. At wala rin namang ipinagbago ang lahat maliban sa hindi ko na nasisilayan ang mukha ng halimaw. Pero alam ko sa puso ko na may mga panahong nakakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan. At ayaw kong isipin na dahil iyon sa halimaw. Gusto ko ng iwaksi sa utak ko na hindi pwedeng isipin ko siya. Gusto kong sirain lalo ang imahe niya sa isip ko para mamuhi ako lalo sa kanya. Baka nga pag uwi nun ay saka pa lamang ako sisingilin sa mga kasinungaling isiniwalat ni Ma'am
Teka! A---- ano raw? Papanagutan!??Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Hindi lang pala ako kundi maging si Manang Sonya at ang mga tauhan ng halimaw na nandirito ngayon."Hoy! Bingi ka ba ha?" Irritableng sambit pa nito kay Manang Sonya kaya napakurap ang matanda saka ito napatakip ng bibig."Susmaryosep! A--- anong sabi mo ha Krista? Pakiklaro nga!" Ulit ni Manang para makumpirma ang unang sinabi ng walang galang at malditang babae."My goodness! You're really a deaf huh Manang. Sabi ko gusto kong makausap si Max! Papasukin niyo nga muna ako sa loob. Nakakairita kayong lahat." Inis na wika pa nito saka tuloy tuloy na nagmartsa papasok sa loob ng mansyon."Ma'am, teka lang po! Pinagbawalan na po kayo ni bossing...."Mabilis naman itong hinabol ng mga tauhan para pagilan kaso mas lalo lang itong napasigaw sa galit."Don't you dare put your dirty hands on me! Subukan niyo lang akong saktan o kaladkarin kundi sisiguraduhin kong malilintikan kayo ni Maximus kapag may n
Kinabukasan ay lumipas ang isang araw na nanatili lang akong mag isa sa basement. Wala pa akong naging balita sa kung anong nangyayari sa mansyon dahil bukas pa maghahatid ng pagkain si Manang Sonya. Pero yung isip ko naman doon lumilipad sa kung nalaman na ba ng halimaw at kung ano ang naging reaksyon niya sa pagdadalang tao ng Krista na yon. Emosyonal nalang akong humiga pagkatapos kumain ng biskwit at prutas na binigay pa ni Manang kahapon. Hindi man ako nabusog, pasalamat nalang ako at nagkalaman ang sikmura ko. Ewan ko ba, may mga pagkain kasi na gustong gusto kong kainin kaya mas lalo akong naging matamlay. Ngayon pa talaga umatake yung cravings cravings na ito na dati rati ay kontento lang naman ako kahit tuyo o di kaya'y asin. Kaya naman hirap akong matulog kinagabihan. Ramdam kong malalim na ang gabi ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. At sa pilit at unti unti kong pagpikit ay naaninagan ko ang marahang pagbukas ng pintuan kaya muli akong napadilat. "Manang Sonya..
Nang umalis na si doktora kasama ang nurse ay mas lalong bumuhos ang emosyon ko at tuluyan na akong napahagulhol ng iyak.At hindi na ito luha ng sakit at pighati kagaya ng kadalasang nangyayari sa 'kin, luha na ito ng kagalakan at kasiyahan."Anak...."Emosyonal na sambit ko kasabay ng marahang paghaplos sa aking maliit na sinapupunan. May pamilya pa pala ako. Akala ko mag isa nalang akong mawawala sa mundo ngunit mali pala ako. Ngayo'y nabuhay ang lahat ng nawalang pag asa at kabiguan sa akin.Mabuti nalang hindi natuloy ang balak kong pagbibigti. Mabuti nalang hindi ako tuluyang nalason. Kaya siguro hindi pa ako pwedeng mawala dahil may sanggol sa aking sinapupunan ang umaasa sa akin. Ang sanggol na kinailangan kong bigyan ng buhay.Lahat ng negatibong kaisipan ko at maging ang pagsuko sa buhay ay naglahong parang bula sa isang iglap lang. Ngayo'y may dahilan na akong magpatuloy sa buhay at lumaban para sa magiging anak ko."Patawarin mo si mama anak kung sumuko ako noon na muntik
[ NOTE: SPG ALERT! PLEASE BE AWARE THAT THIS BOOK IS A DARK ROMANCE WHICH CONTAINS VIOLENCE, SEXUAL AND ABUSIVE CONTENTS NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. THIS IS ONLY FICTIONAL PERO KUNG EMOSYONAL KA MASYADO , JUST SKIP! DAHIL HINDI PO PARA SAYO ANG BOOK NA ITO! ]"Ikulong ninyo ang babaeng yan at siguraduhin niyong hindi makakatakas! Gusto kong ako mismo ang kikitil sa buhay ng hayop na iyan!"Gigil na utos niya sa mga tauhan na nasa kabilang linya. Labas na ang ugat sa leeg ni Maximus dahil sa masamang balitang natanggap niya. Ang abuelong nagpalaki at nag aruga sa kanya ay wala ng buhay nang matagpuan ito sa sariling kwarto. At ang suspek ay walang iba kundi ang mismong caregiver nito na napag alaman niyang nagpanggap lang at peneke ang mga dokumento upang makapasok sa kanilang mansyon. Nung mismong araw ng pagkawala ng kanyang abuelong si Don Vivencio ay agaran din siyang nagpaimbestiga, kasama na roon ang lahat ng tauhan ng kanilang hacienda maging ang mga k
(Thalia's POV)"Saan niyo ako dadalhin? Parang awa niyo na po! Bitawan po ninyo ako!"Panay ang pagpupumiglas ko habang buong pusong nagmamakaawa sa tatlong malalaking lalaki na kumaladkad sa akin. Sa laking bulas ng mga ito ay halos mabali na ang mga buto ko sa higpit ng pagkakahawak ng mga ito sa braso ko."Ang ingay tang ina! Patahimik nalang kaya natin 'to pre?" Mas lalo akong nahintakutan sa pahayag ng isa sa mga ito. Sa histura nito ay parang nauubusan na ng pasensiya. Labas pa ang dila habang nakatingin sa akin na puno ng gigil."Gago! Baka gusto mong ikaw ang patahimikin ni boss habang buhay?" Saway naman ng isa na bahagya pang binatukan sa ulo ang una kaya tumahimik ito."Magandang dalaga pa naman sana ito. Sayang lang. Kung pwede nga lang idiritso ka nalang namin sa quarters para makatikim ka naman ng langit bago mo maranasan ang impyerno!" Umiiling at dismayadong sabat naman ng isa na ikinatawa ng mga kasamahan niya kaya mas lalong nanginig ang buong kalamnan ko sa takot.K
"Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin ng lola mo sa ospital, sa operasyon niya hanggang sa ilang buwang maintenance ng gamot."Parang hulog ng langit ang babae nang alukin ako nito ng tulong. Nasa chapel ako ng ospital, umiiyak habang taimtim na nagdarasal nang makita ako nito, nilapitan at nagpakilala sa isa't isa kaya nang magtanong ito kung bakit akong umiiyak ay kinuwento ko sa kanya ang malaking problemang kinakaharap namin ng lola ko.Pinunasan ko ang luhaang mga mata at sumilay ang liwanag ng pag asa sa aking mukha."Talaga po ma'am? Sigurado po kayo?" Di makapaniwalang tanong ko dahil ngayon lang kami nagkakilala pero walang pagdadalawang isip siyang nag alok ng tulong na hindi basta basta.Marahang ngumiti ang babae bago tumango. Sopistikada ang hitsura nito na halata namang nakakaangat sa buhay kaya di ko talaga inaasahan na lalapitan ako nito at tutulungan."Minsan din akong nakaranas ng hirap kagaya mo kaya alam na alam ko ang pakiramdam. Taos puso ang tulong na ibibigay