[ NOTE: SPG ALERT! PLEASE BE AWARE THAT THIS BOOK IS A DARK ROMANCE WHICH CONTAINS VIOLENCE, SEXUAL AND ABUSIVE CONTENTS NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. THIS IS ONLY FICTIONAL PERO KUNG EMOSYONAL KA MASYADO , JUST SKIP! DAHIL HINDI PO PARA SAYO ANG BOOK NA ITO! ]
"Ikulong ninyo ang babaeng yan at siguraduhin niyong hindi makakatakas! Gusto kong ako mismo ang kikitil sa buhay ng hayop na iyan!"Gigil na utos niya sa mga tauhan na nasa kabilang linya. Labas na ang ugat sa leeg ni Maximus dahil sa masamang balitang natanggap niya. Ang abuelong nagpalaki at nag aruga sa kanya ay wala ng buhay nang matagpuan ito sa sariling kwarto.At ang suspek ay walang iba kundi ang mismong caregiver nito na napag alaman niyang nagpanggap lang at peneke ang mga dokumento upang makapasok sa kanilang mansyon.Nung mismong araw ng pagkawala ng kanyang abuelong si Don Vivencio ay agaran din siyang nagpaimbestiga, kasama na roon ang lahat ng tauhan ng kanilang hacienda maging ang mga kasambahay ng kanilang mansyon.At ngayong araw lang lumabas ang resulta na sa lahat ng mga taong nakapaligid sa mansyon, ang tanging caregiver ng Don na si Thalia Alvarez ang napag alaman niyang peke ang dokumento maging ang totoong pagkatao. Hindi totoong rehistradong caregiver ang babae at wala din iyong anumang records sa paaralang tinutukoy nun sa biodata. Kaya alam niyang sinadya niyong magpanggap upang maisagawa ang masamang balak sa butihing Don.Sadyang tatanga tanga lang ang kung sinumang naghire nun dahil di man lang pinabackground check ang babae.O baka talaga, sadyang magaling at sanay iyong manloko kaya walang kahirap hirap iyong nakapasok sa mansyon.At ang isang patunay at malakas na ebidensya na magdidiin ay ang mga natagpuan sa nakatagong bag ng babae, ang milyon milyong halaga ng pera, mga alahas ng kanyang namayapang abuela at maging ang mga dokumento ng kanilang malawak na lupain.Putang ina lang ang walang ganti! Kay buti ng lolo niya na kung tutuusin ay napakalayo sa ugali niyang walang awa at walang sinasanto pero nagawan pa ito ng masama ng mga taong halang ang kaluluwa sa salapi at kayamanan.Sunod niyang tinawagan ang kaibigang si Bradly para ipahanda ang kanyang private jet. Uuwi siya ng Pilipinas ngayon din at sisiguraduhin niyang magbabayad ang suspek. Na kahit pa man babae ay pipilipitin niya ang leeg o papahirapan gamit ang latigo hanggang sa umamin ito at ilantad ang mga taong kasabwat.At siya na ang magpapataw ng parusang hindi niyon kailanman malilimutan hanggang sa mawalan ng hininga.Nagkamali ang mga hayop na yun ng binangga.He is not the well known dark and ruthless billionaire Maximus Villaroman for nothing.(Thalia's POV)"Saan niyo ako dadalhin? Parang awa niyo na po! Bitawan po ninyo ako!"Panay ang pagpupumiglas ko habang buong pusong nagmamakaawa sa tatlong malalaking lalaki na kumaladkad sa akin. Sa laking bulas ng mga ito ay halos mabali na ang mga buto ko sa higpit ng pagkakahawak ng mga ito sa braso ko."Ang ingay tang ina! Patahimik nalang kaya natin 'to pre?" Mas lalo akong nahintakutan sa pahayag ng isa sa mga ito. Sa histura nito ay parang nauubusan na ng pasensiya. Labas pa ang dila habang nakatingin sa akin na puno ng gigil."Gago! Baka gusto mong ikaw ang patahimikin ni boss habang buhay?" Saway naman ng isa na bahagya pang binatukan sa ulo ang una kaya tumahimik ito."Magandang dalaga pa naman sana ito. Sayang lang. Kung pwede nga lang idiritso ka nalang namin sa quarters para makatikim ka naman ng langit bago mo maranasan ang impyerno!" Umiiling at dismayadong sabat naman ng isa na ikinatawa ng mga kasamahan niya kaya mas lalong nanginig ang buong kalamnan ko sa takot.K
"Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin ng lola mo sa ospital, sa operasyon niya hanggang sa ilang buwang maintenance ng gamot."Parang hulog ng langit ang babae nang alukin ako nito ng tulong. Nasa chapel ako ng ospital, umiiyak habang taimtim na nagdarasal nang makita ako nito, nilapitan at nagpakilala sa isa't isa kaya nang magtanong ito kung bakit akong umiiyak ay kinuwento ko sa kanya ang malaking problemang kinakaharap namin ng lola ko.Pinunasan ko ang luhaang mga mata at sumilay ang liwanag ng pag asa sa aking mukha."Talaga po ma'am? Sigurado po kayo?" Di makapaniwalang tanong ko dahil ngayon lang kami nagkakilala pero walang pagdadalawang isip siyang nag alok ng tulong na hindi basta basta.Marahang ngumiti ang babae bago tumango. Sopistikada ang hitsura nito na halata namang nakakaangat sa buhay kaya di ko talaga inaasahan na lalapitan ako nito at tutulungan."Minsan din akong nakaranas ng hirap kagaya mo kaya alam na alam ko ang pakiramdam. Taos puso ang tulong na ibibigay
Bitbit ang lumang bag ay emosyonal akong naglakad patungo sa isang pick up kung saan naghihintay si Ma'am Ara sa akin.Sinalubong ako nito ng isang matamis na ngiti."Magandang umaga po ma'am." Magalang na bati ko sa ginang."Come in Thalia." Alok nito, nakaturo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya kaya inalalayan akong pumasok ng isang bodyguard nito."Bueno, bago tayo umalis, you need to sign this documents. Requirements ito para makapasok ka sa mansyon." Anito sabay lahad ng ballpen at folder na hawak niya. Walang pagdadalawang isip ko naman itong kinuha. Ganoon naman talaga kapag nag aapply ng trabaho, may mga papeles na kakailanganin. Pasalamat nga ako at si Ma'am Ara na ang nag asikaso ng lahat at tanging pirma ko nalang ang hinihingi nito."Here and there and there." Turo nito sa mga blangko na kailangan kong pirmahan. Dahil naman english ang nakasulat ay di na ako nag abala pang basahin lalo pa't di ko rin naman ito mauunawaan."Tapos na po ma'am." Masayang ani ko at ibinalik
Yakap-yakap ko ang dalawang tuhod habang sinasariwa ko ang lahat ng alaala sa kung paano ako napadpad sa mansyon na ito. Di ko mapigilan ang sarili sa paghikbi dahil parang bulang naglaho ang pag asa kong makaahon kami sa kahirapan at mapatuloy ang gamutan ni Lola Cita hanggang sa gumaling siya.Magda-dalawang buwan pa lang ako sa pamamasukan dito ngunit heto ako, nasisidlak sa nakakapanghilakbot na sitwasyong ito. Sa sitwasyong wala akong ideya kung bakit nangyayari at kung paano ako makakatakas para muling makapiling ang Lola Cita ko.Hanggang ngayon blangko pa rin ako sa lahat dahil naging maayos naman ang pamamasukan ko. Na kahit nagpanggap ako bilang isang lehitimong caregiver ay naalagaan ko namang maayos ang butihing Don at nagampanan kong mabuti ang aking trabaho. Sadyang di ko lang alam at wala akong ideya kung bakit biglaan iyong inatake dahilan ng pagkasawi niyon.At lahat ng tao sa mansyon ay alam kung gaano ko inalagaang mabuti si Don Vivencio. Na maski isa sa kanila ay
( Maximus POV )I put my shades on at inayos ko rin ang suot na coat pagkalapag ng eroplano. Nauna na ang mga tauhan ko bitbit ang maletang may lamang mahahalagang gamit.And as I step outside the plane, naramdaman ko kaagad ang malamig na hanging dumadampi sa pisngi ko. Kasabay nito ang init na nagmumula sa papalubog na araw. It's the same scenario six months ago, the last time na umuwi ako matapos mamalagi ng ilang taon sa States."Max! Dude!"Bradley uttered sabay hagis ng susi ng sasakyan ko, it's a new model of Roll's Royce na bilyon ang halaga. Nasalo ko naman ito kaagad kaya natatawang napailing ang loko."Matinik ka pa rin talaga! Welcome back Maximus Villaroman!" He welcomed me with wide arms open nang tuluyan akong makababa pero tinulak ko lang ang noo nito."Kailan ka pa naging bakla?" Turan ko sa seryosong boses pero mas lalo lang itong natawa."Actually, ngayon lang! After I saw you! Tang ina, mas lalo kang pumogi!" Sakay naman nito sa biro ko kaya napailing nalang ako. W
( Thalia's POV )Sa labis na pag iyak at kapaguran ay nakatulugan ko na ang paghihintay kay Manang Sonya. Nakasandal lang ako sa may pader dahil hindi naman ako puwedeng humiga at matulog sa malamig na sementadong sahig.Buti nalang at may pagkain na hinatid ang isang lalaki kanina kaya kahit papaano'y nagamot ang sikmura kong kumakalam sa gutom.Naalimpungatan lang ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Di ko agad pinailaw ang flashlight sa takot na baka isa na naman ito sa mga lalaking nagkulong sa 'kin dito."Thalia... iha..."Agad akong napatayo nang marinig ang mahinang pagtawag ni Manang Sonya. "Manang!" Pinailaw ko kaagad ang hawak na flashlight at ganoon rin ito sa dala niya."Pasensiya na, hindi ako nakabalik kaagad. Hinintay ko pang makatulog ang mga bantay mo. Eto, may dala akong pagkain mo." Anito sabay abot ng dala niyang basket na may lamang mga prutas, tinapay at bottled water."Narinig ko kanina na dinalhan ka ng pagkain dito kaya yan nalang ang binigay ko para hind
Hindi ako nakakain dahil sa pag iisip. Sobra akong kinakabahan at di mapalagay dahil sa sinabi ng lalaki kanina. At kahit anong pilit ko sa sarili na maging matapang, nilalamon pa rin ng takot at pangamba ang emosyon ko.Yung gustong gusto kong maging matapang sa harapan ng walanghiyang may pakana nito sa 'kin, pero sa tuwing naiisip ko na baka hindi lang iyon baliw kundi isang halimaw ay pinapangunahan agad ako ng kaduwagan.Napasabunot ako sa buhok ko. Para na 'kong mababaliw sa pag iisip.Hanggang sa hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil sa matinding pag iisip. Nang muling bumukas ang pintuan ay saka pa lamang nabaling ang atensyon ko.At mas sumibol ang bolta boltaheng kaba nang masilayan ko na dalawang lalaki ang pumasok ngayon. "Ano miss beautiful, nagdasal ka na ba?" Biglang bulalas ng isang lalaki habang naglalakad ito papalapit sa 'kin kaya napayakap ako sa sarili ko habang napapaatras."A--- ano ang gagawin niyo sa 'kin?" Pinatatag ko ang boses kahit pa man nanganga
Para akong tinakasan ng kaluluwa ko sa magkahalong gulat at takot."Si-- sino ka? A---- anong ibig mong sabihin? Anong kasabwat?" Puno ng kaguluhang tanong ko. Nanginginig pa ang labi ko dahil alam kong isang kalabit lang nito sa baril ay matatapos ang buhay ko sa isang iglap lang."Don't fucking ask me questions wicked woman! Ikaw ang putang inang sino at sinong nag utos sayo para patayin si Don Vivencio?" Matigas at puno ng galit ang boses nito na umalingawngaw sa buong paligid. Napaawang ako sa labis na pagkagulat at pagtataka sa paratang nito."Anong pinagsasabi mo!? Anong pinatay? Wala akong alam sa paratang mo kaya wag mo po sana akong pagbintangan! Caregiver ako ng Don at inalagaan ko siya ng maayos." Pasigaw na paliwanag ko.Gulong gulo ako. Bakit ako inaakusahan ng lalaking ito? Ibig bang sabihin nito, pinagbibintangan ako sa pagkawala ng butihing Don kaya ako ikinulong na parang mas masahol pa sa isang kriminal? Kaya ba nila ako iginapos?"Damn you liar!"At bigla akong napa