hello po! hope u enjoy the update. you can leave reviews po. makaktulong po iyon sa story. salamat hihi
Mukhang simula pa lang ito ng umaatikabong pangungulit ko kay Maximo. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mas harsh na version niya. Malay ko ba kung nabagok ang ulo niya at mas ten times masungit siya ngayon kumpara noon?Nang iwan na ako ni grandma doon ay nilibot ko ang sarili ko sa buong bahay. Na-miss ko ang bahay na ‘to sa apat na taon. Kahit apat na taon na ang lumipas ay tila sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat nang nangyari. Our memories still remained at the four corners of this house.“Na-miss ko ang bahay.” Bulalas ko without knowing na nasa likoran ko lang pala si Maximo.“What are you saying? Are you crazy? This isn’t even your house.”Napakamot ako ng ulo. “Kayo naman, Sir. Kunwari lang naman, e. You know?”Wala akong maisip na gawin kaya kukulitin ko na lang siya nang kukulitin.“Anyway, ano pong gusto niyong kainin?”Sinamaan ako nito ng tingin. Hmp! Kung alam mo lang at kung naaalala mo lang kung gaano ka ka-sweet sa ‘kin noon, Maximo!“I don’t eat foods bei
Iyak ako nang iyak nang gumising ako. Parang bata na iniwan ng magulang at hindi na binalikan. Akala ko ba matapang na ako? Kinaya ko nga ng apat na taon na wala siya, ni hindi ko siya nakikita, ngayon pa kaya na nakikita ko na siya at halos abot kamay ko na rin? Ngayon pa ba ako susuko kung saan hindi na ako mag-iisip kung kumusta siya, o kung buhay pa ba siya dahil magkasama na ulit kami sa iisang bahay? Pero hindi kasi ganon kasimple. Ang sakit lang sa pakiramdam na, oo, magkasama kami, pero iba na ang hinahanap at pinupuntahan niya. Hindi na ako. Hindi na tulad ng dati. “Umiiyak ka ba?” Agad kong pinunasan ang luha ko nang makita ko si Maximo, standing right in front of me. Hindi ko ba nasaraduhan ang pinto? Malas naman. Tinalikuran ko siya habang pinupunasan ko ang luha ko. “Si Sir talaga. H-Hindi ano.” Pagsisinungaling ko pa kahit na rinig na rinig naman ang bawat pagsinok ko. “Tsk. Stop denying it. I am not that fool.” I sniffed. “E, ano naman ngayon sa ‘yo, Sir? Patatahani
“Phew! Thank you, Enrico. You saved me there.” Humahangos na sabi ko. “Mukha kasing iiyak ka na don, e. Naawa naman ako sa ‘yo.” Pang-aasar pa nito. Marahan ko syang hinampas sa balikat. “You’re so mean, you know? Pero thank you. Totoo, mukhang iiyak na talaga ako sa totoo lang.” Dumiretso na muna kami sa cafeteria para kumain saglit. Ke aga aga ay walang laman ang tiyan ko. Kundi sama ng loob. Enrico ordered a drink for the two of us saka breakfast meal na rin. “Thank you.” I thanked him. Nagsimula na kamig kumain nang magtanong si Enrico. “I guess the rumor is true.” Panimula niya. “Rumor?” “Yup. The rumor na nagsasabing nawala ang alaala ni Mr. Walton.” Mapait akong napangiti. “Oo. Totoo ‘yon.” “How are you? Okay ka lang ba?” I faked laugh. “Ano ba namang tanong ‘yan, Enrico? Obvious naman na hindi, e. maniniwala ka ba kapag sinabi kong oo?” He tapped my shoulders. “Everything will be alright. Hindi naman permanent ang amnesia. Babalik rin ang lahat sa dati, Eloisa.” “I
Medyo matagal ang byahe. Hindi man lang ako pinagbihis ng disente ni Maximo. I look like an office girl samantalang siya, guwapong guwapo sa suot niyang suit. Halata talaga na sekretarya lang ako ngayon. Nakakainis.“Matagal pa ba?” tanong ko habang palinga-linga ako sa paligid. Napansin ko kasi na medyo pamilyar sa akin ang lugar. Para bang nakadaan na ako rito dati. Hindi ko lang maalala ng klaro sa isipan ko but malakas ang kutob ko.“Can’t you wait?”Napahawak ako sa tiyan kong kumukulo. “E, gutom na kasi ako ano? Saka, kakain lang naman kayo. Bakit kailangan sa pagkalayo-layo pa?” Reklamo ko pa.“Bakit ba napakareklamador mo?”Napapigil ako ng tawa. Aww, he’s saying the same thing as he said to me before. Gusto kong tumawa pero baka magbago na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Mamaya imbes na makakain ako itapon ako nito palabas ng kotse e.“Bakit ba kasi dinala-dala mo pa ako dito, e.”“Gusto mong bumaba?” Pagbabanta niya.Nanlaki naman ang mga mata ko at agad akong kinabahan.
“Ang ganda dito, ano?” sabi ko pa sa kanya when we sat down at the garden seat.“Yes. I guess grandma wanted me to see the beauty of this place.”“Ganon talaga si grandma. She always want the best for you,” sagot ko habang nakatanaw sa malayo.Malayo ang tingin ko dahil ayaw ko na ibaling sa kanya ang mga mata ko. Nalulungkot ako because whenever I look into his eyes, I can’t see the old Maximo anymore. His eyes doesn’t burn for me anymore. ‘yung tipong malamig na ito kapag tinitignan. Wala na ang init na pumapaso sa akin sagad hanggang puso.“You know my grandma that much?” he asked.Tumango ako. “Oo naman. Lahat naman siguro nang nasa kumpanya, kilala si Grandma.” Pagrarason ko pa.“No. You seem to have a deeper connections with her.”I laughed. “Sir, ganon naman talaga dapat. Hindi ba’t siya ang mas boss sa inyo? Dapat lang na pakitunguhan ko siya ten times better than I do to you.”Hindi na siya sumagot pa. He just stared at my face the whole time at kahit na hindi ako nakatingin
Kaiiyak ko ay nakatulog na lang ako sa sofa. Nakatalukbong ng puting kumot. Nung magising ako, akala ko umaga na pero nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto. I took a glance on my watch. Alas sais pa lang pala ng gabi. Bakit pakiramdam ko napakahaba na ng tulog ko? Normal lang ba ‘yon?“Is Eloisa here?” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses na ‘yon. Si Maximo! Anong ginagawa niya rito?!Narinig ko naman ang pagsagot ni Kai. “Sabi ko naman sa ‘yo, Mr. Walton. Wala siya rito. Hindi ba at nasa inyo siya? Bakit hindi mo alam? Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Didn’t you take care of her?”Napasinghap ako. Hindi alam ni Kai na nandito ako sa loob ng bahay niya. Of course I have her spare key. Siguro ay nagpang-abot sila ni Maximo. Pero halos mataranta ako agad nang maalala ko si Maxinielle. Hindi ba siya kasama ni Kai? Bakit parang hindi ko naririnig ang boses niya?“J-Just let me in. S-Sige na. O-Or give this to her, a-at least.”Hindi ko alam kung anong ibig sabihin
She sobbed like a cry baby. Nagulat na lang ako nang nilakasan niya pa iyon enough to get everyone’s attention. Napa-smirk ako. What an attention seeker! Ganito ka ba talaga kadumi maglaro Abigail?Ilang saglit pa ay biglang dumating si Maximo at nagmamadaling mag-push ng cart. Naabutan niya pa ang pag-iyak ni Abigail na sa tingin ko ay sinadya ng babaeng ito.“Eloisa, what did you do to her?!” He exclaimed right in front of my face. Kulang na lang ay lumabas ang tutuli ko don.“Bakit hindi mo tanungin ang girlfriend mo kung anong kasalanan ang ginawa niya to deserve my hand, Sir? Siya ang makakasagot niyan. Sooner or later, when you learn to slowly remember everything, malalaman mo rin kung ano ang totoo.”Iyon na lamang ang sinabi ko saka ako nagsimulang maglakad na sana paalis but Maximo held my hand. It was so tight na pakiramdam ko ay namula iyon agad sa sobrang higpit.“A-Aray! Nasasaktan ako!”Nanggagalaiti itong binantaan ako. “H’wag si Abigail, Eloisa. Touch anything else, b
PAGDATING sa mansiyon, inilabas ko na lang ang sama ng loob ko sa pagluluto. I cooked for myself and that ass*ole, Maximo. Ang lakas naman ng loob niya na ganon ganonin lang ako? Por que wala siyang alaala? Kahit labag sa loob ko na ipagluto siya ay wala akong magawa. This is one of the ways I could do para ilabas tong bigat sa dibdib na nararamdaman ko. I cooked adobo with pineapple. I like it sweet and a little bit sour kaya nilagyan ko ng pineapple. Gusto ko kasi na as much as possible, gawin ang best ko sa pagluluto just like what I always do for Maximo. Kahit na hindi na niya iyon ma-appreciate ngayon dahil sa Abigail na ‘yon. I scooped a teaspoon of sauce when the door slammed open. Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko na pinansandok ko ng sabaw ng adobo. Natapon iyon lahat, e. napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Napakunot noo ako nang dali daling nagtungo si Maximo sa kusina to see me. Galit na galit. “Eloisa, what did you do?!” Iyon agad ang bungad niya sa akin. Ako