The touch of hand will heal Victor.
SA OSPITAL na nakatulog si Nadja. Hindi na siya nakauwi sa sobrang pag-aaalala. Mahimbing siyang nakatulog kahit nakasubsob sa kutson ng hospital bed. Hindi siya maistorbo ni Nessa dahil sinenyasan din siya ni Victor. Tinanghali na ng gising ang babae. Napabalikwas ito sa pagkakatulog. Cellphone kaagad ang tiningnan kung anong oras na. “OMG! My goodness! Bakit hindi mo ako ginising, Nessa?” Napatutop siya ng bibig at nagsalita ng walang boses. Inis na inis siya at gusto niyang sabunutan ang kasambahay. Marami nang miss call siyang natanggap. Itinali niyang mabuti ang kanyang red satin robe at wala siyang pakialam na lumabas ng kuwartong iyon kahit naka-bedroom slipper lang din pala siya. Halos iumpog ni Nadja ang ulo sa manibela. Mabilis siyang nakauwi sa bahay. Nagmamadali itong nag-shower at nagbihis. May schedule ng araw na iyon si Rosanna sa Channel 5-TV. “Hey, DJ Ana. Anong oras na? Daig mo pa ang talent, may attitude ka kaagad? Hoy, ghost singer ka lang ha!” Dumiretso kaagad
NAPAKUNOT ang noo ni Nadja. Hindi siya kaagad makapagsalita. Mahuhuli siyang nagsisinungaling kapag biglang gumaralgal ang boses niya. Binago niya ang usapan. “Yes Nessa? May kailangan ka?” Umiling ito at walang sabi-sabing umalis. “Nadja…” “Uhm, bakit?” Umiwas ito ng tingin. “Why?" Muli nitong tanong. Hinawi ni Victor ang buhok ng babae. Bahagya itong napaiwas ng isuksok nito ang kanyang mga daliri sa buhok ng babae. Hindi kasi nito nakasanayang makitang inilulugay ng babae ang kanyang mahabang buhok. Sa madalas na pagkakapusod eh mas naging kaakit-akit ang babae dahil sa alunan niyang buhok. Amuy na amoy niya ang bango ng shampoo nito. “Pasensiya na. I didn’t mean to ask.” Dinig niya ang bunting-hininga ng babae. “Why don’t you sleep early?” Kinumutan niya ang lalaki at umupo siya sa stool. Nag-hum siya ng kanta. “You loved to sing like your children, do you?” “Yeah! Siguro?” “Siguradong magaling kang kumanta.” “I won’t deny it.” “I often see you and your twins, how about
Simple lang ang bahay ni Nadja. Cute ang kanyang maliit na bakuran. Halatang – halata ang kanyang pagiging deboto ni Mama Mary. Mayroon siyang grotto tulad ng makikita sa mansion ng mga Peralta. May pagka-minimalistic ang iba niyang gamit. Spacious sa loob ng kanyang kabahayan. Maganda ang kanyang kusina at dining area. Lahat ay mabilis na nasuyod ni Victor at masasabi niyang napaka-ideal ng buong lugar para sa kanilang mag-anak. “Tito Inigo, we have a pool. Do you know how to swim?” “Yeah, I know.” Ngunit malaking problema ang kanyang mga paa. “Mackie, stop asking Tito Inigo to join you for swimming.” “Yes, Mom.” Malungkot na yumuko ang bata. “Why don’t you…” Hindi masabi ni Holly ang gusto niyang sabihin. “Mommy, what does Tito Inigo need to do so that he can walk again?” “Ah, he needs therapy.” “What will they do?” “There will be a lot of practice for him to walk again.” “Wow, just like a baby?” “Just like a baby.” Hindi pala nagustuhan ni Inigo ang kanyang mga narinig.
Pagod na si Nadja para makipagdiskusyon. Ayaw niya ng debate. Hindi niya pinapatulan noon si Abby. Siya ang madalas tumalikod at magkulong sa kanyang kuwarto. Hindi siya confrontational na tao. Walang imikang kumain ang dalawa sa loob ng kuwarto ni Inigo. Inalalayan niya ito. Pinainom ng gamot pagkatapos kumain. Nakaupo si Inigo sa kanyang kama at hindi pa umalis si Nadja. Nakaupo ito sa single sofa chair habang hawak ang kanyang cellphone. Pinaalalahanan na siya ng doktor na mag-a-undergo ng denial process ang lalaki. Hindi niya ipapakita at hindi nito aaminin na kailangan niya ng therapy. “I see that your husband has a strong personality.” “Excuse, Doc. Hindi ko po siya asawa.” Iba naman ang sinabi ni Inigo sa doktor. Sugar mommy daw niya si Nadja kaya lahat ay gastos nito. “Anong plano mo? Gusto mo bang habambuhay ay naka-wheel chair na lang? Gusto mo bang makapag-asawa at magkaroon ng mga anak balang-araw?” “Huwag mo akong gawing inutil na parang hindi ko kaya ang sarili ko.
Pinili niya ang kulay puti kapareho ng kanyang cellphone ngunit pagdating sa bahay ay nagdalawang – isip siya kung ibibigay ba niya ito kaagad. Napapadalas ang pagkakamali ni Nadja simula ng dumating sa bahay si Inigo. Madalas siya uminom at iyon ang napansin ni Nessa. “Ma’am, bawal po ang alak sa inyo. Bakit po kayo umiinom?” “Got a big problem.” “Namumrublema po ba kayo kay Sir Inigo?” “Hindi ko alam kung kailan niya gustong magpa-therapy? Paano siya makakauwi sa pamilya niya? Kung ayaw pa rin niya, I’ll ask him to contact his family. Ipapasundo ko na siya sa asawa niya.” “Ma’am…” “Bakit?” Napailing ang babae at pinigilan ang sariling tanungin ito. Dalawang beses niyang nahuling pumasok ang amo sa loob ng kuwarto ng kanilang pasyente at muntik niya itong makasalubong ng madaling araw ng lumabas ito sa kuwarto ng lalaki. “Ano sa palagay mo?”tanong niya sa kapatid na lalaki. “May milagro bang nangyayari sa kanilang dalawa?” “Alam mo, huwag na lang natin siyang pakialaman. Amo
“Her voice is very familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang narinig.” “Yeah, I think I heard her voice somewhere.” Hindi nila namalayang lumabas si Nadja. Nagpasalamat siya at kumaway sa kanila. Nagdalawang-isip pa siya pagpasok sa loob ng kotse. Naglabas ng sama ng loob si Nadja kay Rosanna. Naka-out of town ang talent kasama ang manager nito kaya wala silang schedule. Nasa terrace siya noon at lihim na umiinom na naman. Naririnig ni Victor ang mga himutok nito ngunit nananatili ang pang-unawa ng babae sa sitwasyon. Napailing si Victor. Sa pagkakataong iyon, masasabi niyang si Nadja ang tipo niyang babae. Hindi siya ang klase ng tao na mag-gi-give up na lang nang basta. Hindi niya kinimkim ang sama ng loob dahil sa tatlong beses na pagsampal sa kanya. Kung siya pa rin ang dating Victor, tiyak na mapaparusahan niya ang babae. Nasisiguro niyang makakaganti siya. Sa ilang beses na pagkakamali ni Nadja ng pasukin siya sa loob ng kuwarto nito, ramdam niya ang boltahe
ENRIQUEZ HOSPITAL THERAPY SECTION ROOM 1009 “Mag-iingat kayong dalawa dahil seloso akong tao. Huwag kayong nagpapa-cute sa asawa ko dahil humanda kayo. Hindi ko papalampasin ang ginagawa ninyo.” “Uy, Inigo. Anong ibinubulung-bulong mo sa mga therapists?” “Wala, Honey. Sabi ko ay ingatan ako. I trust them. Alam kong gagaling ako sa tulong nila, ‘di ba, guys?” Tinapik niya ang mga balikat ng mga ito. Sabay-kindat ni Inigo. “We’ll do our best po, Ma’am Nadja.” Napakamot ang mga binata. “Sisikapin mo namin na gumaling na si Sir.” Napailing pa ang ulo ng isa. Hindi maipinta ang mukha ng kambal. Delikado sila kapag hindi nila inayos ang kanilang trabaho. Napasubo siya at hindi na rin makatanggi. Inayos ni Nadja ang dala nilang kumot para takpan ang hita at binti ng lalaki. Nakatingin lang si Victor sa ginagawang pag-aasikaso sa kanya ng babae. Ngumiti siya. “Let’s go.” Tahimik na itinulak ni Nadja ang wheel chair ni Inigo papalabas ng Therapy Department. Mabilis ang mga mata ng bin
“HAPPY BIRTHDAY, Victor! Happy Birthday, Victoria!” Tumulo ang luha ni Sharon. Tuluyan siyang napahagulgol. Hindi niya maiiwan ang asawa para lang hanapin ang anak. Nagpabili siya ng paborito nitong yema cake at doon nagtirik ng kandila. Matapos kumanta at umusal ng dasal ay saka niya ito hinipan para sa mga anak. Iyon ang unang pagkakataong wala si Victor sa kanyang kaarawan. Hindi rin niya matatawagan si Victoria. Konting tiis pa. Kailangan niyang simulan ang therapy sa lalong madaling panahon. Tiyak niyang nag-aalala na ang ina dahil wala itong balita kung anong nangyari sa kanya. Lalong titindi ang pag-aaalala nito kung malalaman niya ang kanyang kalagayan. Nilingon ni Victor si Nadja. Mahimbing itong nakatulog sa kanang bahagi ng malaking kama na iyon. Nakikita niya ang isang payapang nilalang na sa kabila ng pagod ay maganda pa rin. Napakagat labi si Victor. Bigla niyang nakalimutan ang babaeng nakaniig niya, ilang taon na rin ang nakaraan. He had the best night with her. A