Share

Chapter 53

TAWAG nang tawag si Monica kay Federico at kabado na dahil hindi pa bumabalik ang mga guwardiya. Alas-sais na ng hapon. Nakaapat na dial na siya bago sumagot si Federico.

“Hay, salamat!” aniya. Napaluklok siya sa sofa at naibsan ang kan’yang kaba.

“Monica, stay inside your house. Hindi ko muna pinabalik diyan ang guwardiya m dahil nagsu-survey ang mga pulis. Hinahanap nila ang mga sindikatong nanghuli ng residente riyan. Baka mapagdudahan ang tauhan ko dahil umaaligid sa baranggay n’yo,” ani Federico.

“Eh, paano ‘yan? Susunduin mo ba kami ni Kenji ngayon?”

“Yes, pero baka ma-late ako. May pinipirmahan pa akong papeles. Basta huwag kayong lalabas ng bahay.”

“Oo. Dito lang kami sa loob maghihintay. Pero ano ba ang modos ng mga sindikato?”

“I don’t have an idea. Puwedeng may kinalaman sa ilegal na droga ang ginagawa nilang pagdakip sa mga tao.”

“Hindi kaya tauhan din ni Wilfredo ang mga sindikato at gusto lang bulabugin ang mga pulis? Kasi ang weird bakit dito pa sa baranggay nami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status