Share

Chapter 54

SINABI ni Monica kay Federico ang mga sumbong ng kan’yang tiya. Kaagad tumawag ang binata sa isang agent nito at pinamanmanan din ang bahay nila. Ayon sa agent, positibong bahay nga nila ang target ng kahina-hinalang van.

“Paano ‘yan? Baka akala ng sindikato ay naroon ako sa bahay namin. Hindi kaya may kinalaman dito si Fernand?” nababahalang wika niya.

Tapos na silang mag-almusal at tinutulungan siya ni Federico sa pagsasampay ng mga nalabhang damit sa labas.

Balisa rin ang binata. “Walang paramdam si Fernand. Pero maayos na ang usapan namin tungkol sa mana. Imposibleng manggugulo pa siya, unless ipipilit niya na kunin si Kenji.”

“Baka ‘yon ang plano niya. Pero ano pa ba ang gusto niya? Mana lang ang kailangan niya ‘di ba?”

“I’m not sure. He keeps on insisting on his rights for Kenji, meaning, interesado talaga siya kay Kenji. And I think there’s is another reason.”

“Anong reason?”

“Sa pamilya ng mga Sartorre, mahalaga ang may anak. Mas maraming anak, mas malaki ang chance na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status