PUMUNTA kami ni Night sa paborito naming gotohan. Inorderan niya ako ng special goto na gustong gusto ko. Bigla akong natakam, matagal tagal na rin ng huli kong kain nito. Habang kumakain bigla akong napatigil. “Why? Masakit ba ang gilid ng labi mo?” Biglang tanong ni Night ng makitang tumigil na ako sa pagkain. Tipid akong ngumiti sa kanya saka umiling. “Okay lang ako, bigla lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina. Siguradong masama ang loob sa akin ni Boss, Narinig pa ng iba natin kasamahan ang mga binitawang kong salita..” “Ano ka ba, hindi ka naman matitiis ni boss. Saka ‘wag mong isipin sila Sapphire. Sanay na sila sa ‘yo.” Bumuga ako ng hangin saka uminom ng coke. “..Konting tiis na lang, Red. Konting tiis na lang sa mission mong ito at balik ka rin sa dati mong mga gawain. Nandito naman ako para tulungan ka. Sa ngayon pag tiyagaan mo na lang muna si Lucien Saavedra.” Napabusangot naman ako ng marinig ang pangalan ni Lucien, muling bumalik
SCARLETT KINABUKASAN NAGISING ako dahil sa kirot ng katawan at sugat na natamo kagabi. Dahan-dahan akong bumangon saka nag kusot ng mga mata. Chineck ko ang oras sa wall clock at 7:10 pa lang ng umaga. Argh, daig ko pa ang sumabak sa literal na mission. Grabe ang sakit ng katawan ko, grabe ginawa sa akin ng Ex-fling ni Lucien. Bigla naman akong napatigil ng maalala ang lalaki. Wala sa sarili na pinag-masdan ko ang brasong ginamot ni Lucien. Hindi ko akalain na may ganon na side ang lalaki. Sana araw-araw siyang mabait para hayahay ang trabaho ko. Baka sakaling magkasundo pa kaming dalawa. Nasa ganoon akong tagpo ng mag-ring ang aking cellphone. Napakunot noo ako ng lingunin ko iyon sa bedside table, ang aga pa. Sino ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Hindi naman pumasok si Lucien. Inabot ko ang cellphone, napalunok ako ng makitang si Boss ang tumatawag. Jeez! I forgot to text him! Dali-dali kong sinagot ang tawag. “H-hello? G-goodmorni
LUCIEN PAGSAPIT NG HAPON napag-pasyahan kong itigil muna ang pagbabasa ng emails. Bibisitahin ko muna sa kanyang kwarto si Hermosa. Kanina matapos ang almusal namin ay umakyat na agad ako sa aking kwarto dahil marami akong trabaho na kailangan gawin. Napag isipan kong hindi na muna pumasok ngayon sa opisina dahil panigurado magmamatigas na sumama sa akin si Hermosa. Knowing that stubborn woman hindi marunong makinig sa akin. Kahit na may sugat siya at masakit ang katawan mag-tatrabaho pa rin. Napapailing na inayos ko muna ang table saka sinarado ang laptop. Tapos sumandal saglit. Sa totoo lang simula ng mapanood ko sa cctv footage ang nangyari kagabi kay Hermosa, nakaramdam ako ng guilt dahil sa akin kaya niya naranasan ‘yon. Isa pa naawa ako sa sinapit niya. Hindi niya deserved na masaktan, in the first place wala naman siyang kasalanan. Dapat nga magalit siya sa akin pero wala akong narinig sa kanya. Hindi ko din inaasahan na ang katulad niyang amazona ay hi
SCARLETT “Why are you here, Crystal? I already told you not to come back here, right?” Malamig na turan ni Lucien. I secretly grinned, good. Kailangan ipamukha niya sa babaeng ‘yan na wala na siyang karapatan na pumunta dito. Ipakita niyang wala na siyang interes pa sa babae. Ipaalam niya kung saan ito lulugar. At dapat lang na tumupad siya sa usapan namin. Prove that he really has changed. “Easy, I didn't come here to cause trouble. I'm here because my Dad sent me as the representative of our company. You know, we have a new project. So, whether you like it or not, you can't do anything about it, you will see me here.” I furrowed my brow before looking up at the woman. Wow, is she really going out of her way to see Lucien? I'm sure she did this on purpose to come here. What a desperate move, tsk. For sure kinausap niya ang tatay niya. Sakit din talaga sa ulo ang ex na ‘to ni Lucien. Lumingon naman siya sa akin tapos bumaba ang tingin sa ginagawa ko saka ngumisi
SCARLETT “Are you sure you're okay here, Louise? You can come inside and eat at another table if you want.” Ngumiti naman ako kay Claire, kanina pa talaga niya ako kinukumbinsi na sumama sa kanila ni Lucien sa loob ng restaurant. Pero katulad ng sinabi ko kanina, ok na ako sa sasakyan para mabantayan sila ng maayos. “Ok lang ako, Claire. Sa kotse na lang ako maghihintay. Wag mo ako intindihin, enjoy lang kayo ni Sir sa date niyo.” Lumapit naman siya sa akin saka hinawakan ang isang kamay ko. “Sure ka? Baka iniisip mo lang magagalit si Lu? Don't worry akong bahala sa kanya. If you want ako na manlilibre sa‘yo. Ayoko lang na nandito ka sa labas habang kami nag eenjoy sa loob.” Parang batang sambit niya. Tinapik tapik ko naman ang kanyang kamay saka siya tinitigan. “Claire, ok lang talaga ako. Salamat sa offer pero mas gusto kong mag stay dito. Basta mag-enjoy lang kayo ni Sir sa date niyo. Masaya na rin ako. Saka nagsabi naman si Sir na ipag-take out niya ako ng pagkai
SCARLETT I peeked again at the two other remaining opponents. I am thinking of how to take them down without being noticed by other people. It's a good thing that there are only a few people on this side. At sa kabilang kalsada naman ay may iilan ilan din dahil sa mga store na nakatayo. Kung gagawa man kami ng ingay at gulo. Hindi agad-agad mapapansin. After a while, a cellphone rang, and I saw the driver patting his pocket and taking out his phone. “Sino tumatawag, pre?” Tanong ng kasama nito. “Si Jano, tsk. Mukhang manghihingi ‘ito ng update. Sasagutin ko lang. Maiwan ka muna dyan at magbantay maigi.” Aniya ng driver saka medyo lumayo at sinagot ang tawag. Hindi na ako nag abala na pakinggan ang sasabihin nito dahil naka focus ako sa lalaking naiwan. “Hoy, bungo! Ano ang tagal mo namang umihi? Isang balde ba ‘yan?!” Sigaw ng lalaking naiwan. “Bungo?!” Muling tawag nito ng walang makuhang sagot saka sumilip. “Bungo?” Tawag nito ulit saka naglakad na papal
SCARLETT I rested for a while and leaned back. Hay, buti na lang nasa loob ng restaurant sila Lucien ng dumating ang mga kalaban kaya nagawa ko agad silang naligpit, kung nagkataon baka na-ambush na kaming tatlo. A few minutes later, I saw the couples coming out of the restaurant. It was evident that they were happy, but my gaze fell on the paper bag that Lucien was holding. I smiled because I knew that they would take out food for me. I straightened up and waited for them to reach the car. I peeked at the flowers and chocolates in the back seat. Sigurado akong matutuwa si Claire sa surprise ng boyfriend niya. I pressed the button to open the back seat door and saw that Lucien had stopped in side of the car. Napangiti ako ng buksan na ni Lucien ang pinto at bumungad kay Claire ang surprise sa kanya. “Oh my gosh, Love!” Hindi makapaniwalang turan ni Claire. Napahawak pa siya ng bibig saka tumingin sa nobyo. Yumuko naman si Lucien para kunin ang pumpon
Ma-ingat niyang binaba ang braso ko saka umatras ng isang hakbang. “Take it off your jacket, now.” Matigas na utos niya. Napalunok naman ako ng laway dahil ngayon ko lang nakitang ganito ka-seryoso si Lucien. “Sir, ako ng bahala dito. Wag ka—” “I said take it off your jacket! How many times do I have to repeat myself? Goddamn it! Take it off now!” Napaigtad naman ako sa gulat dahil sa galit niyang sigaw. Namumula ang mukha nito at kita ang ugat sa noo saka leeg. Napabuntong hininga ako, saka sinunod ang gusto niya. Pahamak na sugat ‘to. Gagawa na lang ako ng alibi. Maingat kong hinubad ang jacket at ang natira na lang ang suot kong manipis na tshirt. Nang tignan ko ang sugat ay dumudugo ito ulit dahil nagalaw at naalis ang jacket. Dumikit kasi ang jacket sa balat ko at natuyo kaya ng alisin ay dumugo ulit. Nagulat naman ako ng hilahin ako ni Lucien sa kusina at nagmamadaling nagtungo sa sink at hinugasan ang sugat ko. “Sir, ako na ho. Kaya ko nama