Share

Chapter 51

MAS LALONG NALITO si Reese sa naging usapan nila ni Pearl. Isa lang ang malinaw sa kanya. Okay lang dito na hiwalayan ito ni Hycent pero bakit? Akala niya mahal nito si Hycent. Ang daming tanong na hindi naman niya alam kung may kasagutan ba.

Nang magising siya at ipinaliwanag ng kuya Rohan niya kung sino talaga siya ay hindi niya 'yun agad natanggap. Kasi ang isip at puso niya ay naniwala na siya si Pearl Bustamante. Dna test ang ipinakita ng kuya niya sa kanya na dahilan upang paniwalaan niya ito. Hanggang sa lumipas ang araw buwan habang pinagbubuntis si Hira ay unti-unti niya naaalala ang lahat. Ang kanyang tunay na pagkatao.

Napag-alaman niya din na ang gamot na binibigay ni Abygail ay iba sa gamot na nasa bote. Pinapalitan. Kaya pala walang epekto dahil pampalimot lalo ito.

Gusto niya lusubin si Pearl nun pero pinigilan siya ng kuya niya. Tama naman ito delikado pa at ano ang katunayan sa mga sasabihin niya? Ang anak niya? Hinding-hindi niya itataya ang kaligtasan ng anak sa pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status