Share

Kabanata 77

"Ba... bakit? may problema ba?" nauutal na turan ni Shaian kay Jake, nang hawakan siya nito ng mahigpit sa pulsuhan niya at titigan siya ng matalim sa mata.

Napalunok naman ng malalim si Jake nang mapatitig siya sa mga mata ng dalaga. Pinagmasdan niya ang buong mukha nito, kung saan ginagamit ng dalaga ang mukha ng matalik niyang kaibigan na si Jen. Tila napaatras siya at kaagad niya itong binitawan sa kamay. Tumalikod na lamang siya at tumungo sa opisina niya na walang salitang ibinibigkas sa kaniyang bibig.

Pagkapasok niya sa loob ng opisina ay napasandal siya saglit sa may pintuan at hinawakan ang kabilang dibdib niya kung nasaan ang puso.

Bigla kasi siyang nakaramdam ng pagkirot mula sa kaniyang puso, lalo na nung matitigan niya sa mata ang dalaga at nang makita niya ng malapitan ang mukha nito na halos kahawig na kahawig ni Jen.

Bigla tuloy sumagi sa isipan niya ang mga alaala ng namayapang kaibigan, kung saan masaya silang magkasama at naghahabu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status