Share

Kabanata 78

Makalipas ang tatlong araw ay muling nagkamalay si Karlos, mula sa pagkakaaksidente niya at pagkakaligtas sa asawa niyang si Alona.

"Karlos, anak!" apurahan siyang nilapitan ng kaniyang ina nang mapansin nito ang pagkamulat ng kaniyang mga mata.

Lumapit din naman ang kaniyang ama na si Henry at maigi siyang pinagmamasdan sa mukha. Habang nasa bandang likuran naman ng ginoo ang asawa nitong si Alona, na alalang-alala sa kalagayan niya.

"Anak, naririnig mo ba ako ha? nakikita mo ba ako? sandali lang at tatawag ako ng doktor," tipong aalis na sana ang ginang nang bigla siyang pigilan ng binata at hinawakan sa pulsuhan niya, kaya natigilan ito at napalingon sa kaniya.

"Na... nasaan ako?" ang unang salitang bumigkas sa kaniyang bibig.

Napatingin naman ang ginang sa asawa niya na katabi lang niya at may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Nasa hospital ka, hijo." Ang mahinang tugon ng ginang sa kaniya.

"Hospital? pero bakit, anong ginaga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status