Share

Kabanata 79

Bago pa man magkamalay si Karlos ay nauna nang nagising sa kaniya si Ivan, ang personal bodyguard ni Alona.

Apurahan namang tumungo ang dalaga sa kinalalagyang silid nito at pagkabukas pa lamang niya ng pintuan ay halos bumuhos ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata.

Nadatnan niyang nakaupo ito sa higaan niya at nakasandal ang likuran sa pader.

Nakasunod lang ng tingin si Ivan sa kaniya, habang lumalakad siya papasok ng silid at kumakapa sa kung saan gamit ang tungkod niya.

Gustuhin man niyang tumayo at lapitan ang dalaga, ngunit medyo naninibago pa ang kaniyang katawan gayong ilang buwan din siyang nakahiga lang sa kama.

Kaya yung babaeng nurse na lamang ang lumapit sa kaniya at inalalayan siyang makalapit sa binata.

"Ivan, naririnig mo ba ako? nakikita mo ba ako, huh?" usisa niya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha.

Napansin naman ni Ivan na lumuluha ang mga mata nito, kaya dahan-dahan niyang inangat ang isang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status