Share

Kabanata 76

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Paul sa kaniya.

"May gustong sumira sa mga pinaplano natin. Kailangan mahanap natin siya kaagad bago pa man lumala ang sitwasyon."

"Sandali, ibig sabihin ibang tao pala yung nagpadala sa akin ng mensahe? ibig sabihin, alam din niya ang tungkol sa mga pinaplano natin?" ani ni Paul at tumango naman sa ulo si Jake, bilang pag-sang ayon sa kaniya.

"Basta gawin mo lang yung pinapagawa ko sa iyo. Bantayan mo lang silang dalawa at ako na ang bahala sa kaniya, kung sino man siya. Sa ngayon, huwag mo muna akong kokontakin sa number kong ito dahil baka gamitin na naman niya itong cellphone ko at kung ano pa ang ipagawa niya sa'yo. Basta kokontakin na lang kita kapag may iba pa akong ipapagawa sa'yo." Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay bumalik na sa loob ng bahay si Jake at tumungo ulit sa kusina upang balikan si Shaina, ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay nakaramdam na siya ng pagvibrate mula sa loob ng bulsa niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status