Madalas kong iwasan nuon ang mga lalaking madalas ngumiti at may mapupungay na mata, dahil sila yung mga tipong lalaki na papakiligin ka lang pero hindi ka kayang mahalin. Pagkatapos ka nilang paibigin ay bigla ka na lang din nilang iiwanan na para bang walang nangyari. At ang tipong iyon ay nakikita ko sa kaniyang mga mata.
Alam ko na ginagamit lang din niya ako at may malalim siyang dahilan kaya hindi dapat akong magpalinlang sa mga malalagkit niyang titig sa mata at mapang-akit niyang ngiti sa kaniyang labi."Listen carefully, everyone. Jen has a temporary amnesia, kaya wala siyang naaalala tungkol sa pagkatao niya at maging ako ay nabura rin sa alaala niya. Alam kong nakakalungkot isipin at napakasakit na tanggapin, lalo na't hindi niya magawang maibigkas ang pangalan ko. Gayunpaman, sana matulungan niyo ako na maibalik muli ang mga nawala niyang alaala. Mahirap man pero kakayanin. Magiging abala na ako sa mga susunod na araw at hindi ko alam kung maaasikas"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Paul sa kaniya."May gustong sumira sa mga pinaplano natin. Kailangan mahanap natin siya kaagad bago pa man lumala ang sitwasyon." "Sandali, ibig sabihin ibang tao pala yung nagpadala sa akin ng mensahe? ibig sabihin, alam din niya ang tungkol sa mga pinaplano natin?" ani ni Paul at tumango naman sa ulo si Jake, bilang pag-sang ayon sa kaniya."Basta gawin mo lang yung pinapagawa ko sa iyo. Bantayan mo lang silang dalawa at ako na ang bahala sa kaniya, kung sino man siya. Sa ngayon, huwag mo muna akong kokontakin sa number kong ito dahil baka gamitin na naman niya itong cellphone ko at kung ano pa ang ipagawa niya sa'yo. Basta kokontakin na lang kita kapag may iba pa akong ipapagawa sa'yo." Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay bumalik na sa loob ng bahay si Jake at tumungo ulit sa kusina upang balikan si Shaina, ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay nakaramdam na siya ng pagvibrate mula sa loob ng bulsa niya.
"Ba... bakit? may problema ba?" nauutal na turan ni Shaian kay Jake, nang hawakan siya nito ng mahigpit sa pulsuhan niya at titigan siya ng matalim sa mata.Napalunok naman ng malalim si Jake nang mapatitig siya sa mga mata ng dalaga. Pinagmasdan niya ang buong mukha nito, kung saan ginagamit ng dalaga ang mukha ng matalik niyang kaibigan na si Jen. Tila napaatras siya at kaagad niya itong binitawan sa kamay. Tumalikod na lamang siya at tumungo sa opisina niya na walang salitang ibinibigkas sa kaniyang bibig.Pagkapasok niya sa loob ng opisina ay napasandal siya saglit sa may pintuan at hinawakan ang kabilang dibdib niya kung nasaan ang puso.Bigla kasi siyang nakaramdam ng pagkirot mula sa kaniyang puso, lalo na nung matitigan niya sa mata ang dalaga at nang makita niya ng malapitan ang mukha nito na halos kahawig na kahawig ni Jen.Bigla tuloy sumagi sa isipan niya ang mga alaala ng namayapang kaibigan, kung saan masaya silang magkasama at naghahabu
Makalipas ang tatlong araw ay muling nagkamalay si Karlos, mula sa pagkakaaksidente niya at pagkakaligtas sa asawa niyang si Alona."Karlos, anak!" apurahan siyang nilapitan ng kaniyang ina nang mapansin nito ang pagkamulat ng kaniyang mga mata.Lumapit din naman ang kaniyang ama na si Henry at maigi siyang pinagmamasdan sa mukha. Habang nasa bandang likuran naman ng ginoo ang asawa nitong si Alona, na alalang-alala sa kalagayan niya."Anak, naririnig mo ba ako ha? nakikita mo ba ako? sandali lang at tatawag ako ng doktor," tipong aalis na sana ang ginang nang bigla siyang pigilan ng binata at hinawakan sa pulsuhan niya, kaya natigilan ito at napalingon sa kaniya."Na... nasaan ako?" ang unang salitang bumigkas sa kaniyang bibig.Napatingin naman ang ginang sa asawa niya na katabi lang niya at may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha."Nasa hospital ka, hijo." Ang mahinang tugon ng ginang sa kaniya."Hospital? pero bakit, anong ginaga
Bago pa man magkamalay si Karlos ay nauna nang nagising sa kaniya si Ivan, ang personal bodyguard ni Alona.Apurahan namang tumungo ang dalaga sa kinalalagyang silid nito at pagkabukas pa lamang niya ng pintuan ay halos bumuhos ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Nadatnan niyang nakaupo ito sa higaan niya at nakasandal ang likuran sa pader.Nakasunod lang ng tingin si Ivan sa kaniya, habang lumalakad siya papasok ng silid at kumakapa sa kung saan gamit ang tungkod niya.Gustuhin man niyang tumayo at lapitan ang dalaga, ngunit medyo naninibago pa ang kaniyang katawan gayong ilang buwan din siyang nakahiga lang sa kama.Kaya yung babaeng nurse na lamang ang lumapit sa kaniya at inalalayan siyang makalapit sa binata."Ivan, naririnig mo ba ako? nakikita mo ba ako, huh?" usisa niya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha.Napansin naman ni Ivan na lumuluha ang mga mata nito, kaya dahan-dahan niyang inangat ang isang
Pagkatapos maihatid sa huling hantungan ang mga magulang ni Alona ay saka naman ako nagpaalam sa kaniya na may importante akong aasikasuhin at hindi ako sigurado kung kailan ako makakabalik o kung gaano katagal ang aabutin ko. Mabigat man sa kalooban ko ang iwanan siya ng ganoon at mag-isa, pero pinapangako ko sa aking sarili na hindi masasayang ang pag-alis kong iyon.Pumunta ako sa presinto upang hingin ang kanilang tulong sa paglutas ng kaso na nangyari sa pamilyang Desepeda, ngunit dinidedma lamang nila ako dahil isa lang daw akong hamak na bodyguard nila at tangging ang kamag-anak lang daw ang may karapatang magreklamo o ipagpatuloy ang pagsaliksik sa kasong iyon.Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang. May punto rin naman sila pero hindi ako makakapayag na mauwi lang ang lahat sa wala.Kaya sinubukan kong tuklasin ang krimeng iyon na mag-isa lamang.Hindi naging madali ang tinahak kong kapalaran dahil sariling buhay ko ang nakasalal
"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung hinahawakan ako," mahina ngunit mariin kong sambit sa kaniya.Tila nabigla naman siya sa sinabi kong 'yon kaya natahimik siya at may bakas ng takot sa kaniyang mga mata. Marahan ko siyang binitawan sa kamay at saka naman siya napatayo na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.Hindi ko na lang siya gaanong pinansin at uminom na lang ako sa alak na nasa harapan ko ngayon.Umalis ito at palingon-lingon pa sa kinaroroonan ko pero binabalewala ko lang 'yon, nang may muling lumapit sa akin na babae at nakatayo sa aking harapan.Binaba ko saglit ang hawak kong bote ng alak at siyaka siya inangat ng tingin.Laking gulat ko na lamang nang mapagtanto ko na si Shaina pala yung babaeng nasa harapan ko ngayon.Siya 'yon. Ang babaeng sumagasa kay Alona. Bulong ko sa aking isipan.Gusto ko sanang alamin mula sa kaniya kung bakit niya iyon ginawa sa kaniya? Kung dala lang din naman ng selos o emosyon, h
"What the hell is that?" saad ko sa aking sarili na may bakas ng pagtataka sa aking mukha.Apurahan akong lumabas ng bahay at tumungo sa bakuran upang suriin ng mas malapitan ang nakakapangilabot na nakita ko kanina mula sa bintana.Limang hakbang na lang sana at malalapitan ko na ito nang bigla akong matigilan at mahinto sa paglalakad. Lumubog kasi yung isang paa ko sa lupa at laking pagtataka ko na lamang kung bakit parang may nakabaon sa lupang kinatatayuan ko ngayon. Umatras ako saglit at maigi itong pinagmasdan. Nilibot ko ng tingin ang buo kong paligid at nakahanap ako ng isang pala na gagamitin kong panghukay sa lupang iyon.Kinuha ko ito kaagad at walang pag-aalinlanganang hinukay ito.Wala pa sa kalagitnaan yung nahuhukay ko pero bumungad na kaagad sa aking paningin ang isang bagay na hindi ko inaasahang makita, isang pugot na ulo. Halos napahiyaw ako ng malakas at napaupo na lang bigla sa lupa.Ano bang klaseng halimaw ang pam
Sa tulong ni Vyn ay kaagad ding naimbestigahan ang lokasyon na dating tinitirahan ng mga Andrada. Kasalukuyan akong nasa loob ng aking sasakyan at palihim na nakamasid sa isinasagawang imbestigasyon. Wala akong balak na makialam sa kanila o magpakita man lang dahil alam kong kukwestyunin nila ako kung bakit ako nandito o kung ano ang ginagawa ko sa nasabing crime scene.Mula sa hindi kalayuan ay napansin ko si Vyn na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Pasimple muna niyang nilibot ng tingin ang buong paligid, bago siya pumasok sa loob ng aking sasakyan."Anong balita?" bungad kong tanong sa kaniya nang makasakay na siya sa loob."Nahanap namin si Nash," aniya na ikinagulat ko naman."Huh? ano ang ibig mong sabihin?" usisa ko na may bakas ng pagtataka sa aking mukha."Natrace ang katawan niya na nakabaon sa lupa. At hindi lang 'yon," huminto siya saglit sa pagsasalita at may inabot siya sa aking cellphone.Makikita sa