Ngumiti si Lina at nagtanong, “Kaya mo bang bilangin ang mga poste sa model na'to?”Nabigla si Linda, pero nagpasya siyang seryosohin ito at nagsimulang magbilang. Gayunpaman, sa liit ng mga poste sa model ay nahirapan siyang bilangin ito nang maayos. "55, 56, 57..."Sa wakas, pagkatapos ng ilang sandali, nagpakita ng kalmadong ngiti si Linda at kampanteng nagsabi, “May 82 poste rito, tama?”“Tama! Pero isang parte lang yan ng palasyo. Ang tunay na palasyo ay may mas madaming poste,” sabi ni Lina at tinikom niya ang mga labi niya. Pagkatapos ay nagtanong siya, “Ngayon, kaya mo bang bilangin kung gaano karami ang bintana rito?”Mukhang namroblema si Lina dahil matagal na siyang kinakabahan pagdating sa mga numero. Sinubukan niyang makiusap sa anak niya, “Pwede bang… wag na tayong magbilang? Sasakit ang ulo ko kapag nagpatuloy tayo!”Ngumiti si Lina at sumagot, “Hindi pwede. Pero ang galing mo kanina, kaya ibibigay ko sa'yo ang pinangako kong reward!”Nabigla si Linda nang nakita
Mabilis na napagtanto ni Linda na mayroon sigurong nagbigay sa anak niya ng ganito kagandang pag-aalaga at suspetsa niya ay iyon ay ang nanay na umampon sa kanya. Bumaha ang nagtatalong emosyon sa loob ni Linda. Magkahalo itong pasasalamat at lihim na pag-asang sana naging masama ang pamilya kay Lina. Gusto ni Linda na bumalik sa kanya ang anak niya nang walang pag-aalinlangan, na tawagin siyang “mom” nang walang pag-aalangan.Huminga nang malalim si Linda na nanginig sa takot sa sarili niyang masamang kaisipan. Nahirapan siyang magsalita at nanginig ang boses niya. “Pammy… Pwede ka nang umalis… Kailangan kong magpahinga.”Natigilan sandali si Lina, pagkatapos ay maingat na tinulungan si Linda sa kama, minumurang siya, at pinalitan ang tsinelas niya ng mga komportableng tsinelas gawa sa satin. Ngumiti siya nang may luhaang mga mata at marahan siyang pinaalalahanan, “Babalik ako pag oras na ng pag-inom mo ng gamot! At bibigyan kita ng espesyal na reward kapag nabilang mo ng tama ang
Sa takipsilim, naglakad sina Zuko at Lina nang magkahawak-kamay sa beach at nasinagan ng gintong liwanag ng paglubog ng araw. Lumipad ang mga seagull sa langit at isang banayad na hangin ang dumaan na nakagawa ng mamasa-masa ngunit preskong ere. Nag-iwan ang mga hakbang nila ng dalawang hilera ng mga bakas sa mabuhanging pampang. Paminsan-minsang lumingon si Zuko nang may ngiti sa mukha niya. Naalala niya ang mga panahong hawak niya ang kamay ni Pammy habang naglaro sila sa dagat sa kabataan nila. Gumigiwang ang mga bakas ng paa ni Pammy noon dahil kamakailan lang siya natutong maglakad.“Madalas akong pumunta sa beach na'to noong nawawala ka,” sabi niya. Malalim ang boses niya nang may bakas ng kalungkutan. “Sabi nila namatay ka sa aksidente sa dagat, pero hindi ako naniwala. Ang akala ko… naging isa kang mermaid princess.”Nabigla si Lina sabay lumingon siya sa kanya. Kahit na nakangiti siya, may bakas ng kalungkutang nanatili sa mga mata niya. Sa bawat isang beses na niyakap n
“Wag kang mag-alala. Sakto lang ang swerte mo,” pinagaan ni Zuko ang loob ni Lina habang yakap niya siya. “Hindi ka lang may dalawang pares ng magulang na nagmamahal sa'yo, magkakaroon ka pa ng isa na magmamahal din sa'yo.”“Huh?” Nagtaka si Lina. Yumuko si Zuko at dumampi ang malambot niyang labi sa tungki ng ilong niya. “Mamahalin ka rin ng mga magulang ko!”…Pagkalipas ng ilang araw, lumitaw sina Lina at Renee sa film studio project bilang assistant interns.Naghanda sina Nicholas at Linda, na trinato si Renee bilang anak nila, na tumira siya sa Thompson residence at samahan siya sa trabaho. Magkasama silang dumating sa Supremacy Building, kung saan ang temporary office para sa proyekto. Hindi man ito isang landmark building, mayroon itong prominenteng posisyon sa central business district ng Centrolis. Arogante ang mga tao roon at minata nila sina Lina at Renee bilang mga hamak na student interns. Minaliit nila sila at inisip na simple at masipag sila. Kasunod nito,
Tinaas ni Renee ang hinlalaki niya kay Lina bago sila bumalik sa opisina. Gayunpaman, sa sandaling dumating sila, sumalubong sa kanila ang isang tambak ng dokumento sa mesa nila. Inayos ng supervisor nilang si Mollie Chapman ang salamin niya at dahan-dahan silang nilapitan. Striktong babae siya na pinapakita niya lang ang ganitong parte niya sa mga mas nakabababa sa kanya. Hindi napigilang mapansin mo Lina kung paanong ang striktong ekspresyon ni Mollie ay magiging isang masiglang ngiti kapag dumating ang project managers para sa isang department inspection. Para bang sinusubukan niya siyang mamangha sa kanya at sa sobrang laki ng ngiti niya ay may ilang dagdag na lukot na lumitaw sa mukha niya. “Nasaan kayong dalawa?” Tinitigan sila nang masama ni Mollie. “Kahit mga intern kayo, inaasahan kayong sumunod sa patakaran ng kumpanya!”“Kami…” Nagsimulang magpaliwanag si Lina, pero hinampas ni Mollie ang mesa bago siya nakatapos. “Kailangan mong ayusin ang mga proposals na'to hanggan
Mukhang pagod ang dalawa habang punong-puno naman ng sigla ang magkapatid. Lalong-lalo na si Toph na umorder ng isang mesang puno ng skewers. Maingat na hinimay ni Zuko ang mga tinik ng isda at nilagay ang inihaw na isda sa plato ni Lina. “Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalala niyang tanong nang napansin niya ang pagod niyang itsura. “Medyo masakit ang ulo ko,” sagot niya. Nagsalubong ang kilay niya. “Palagi kang nagoovertime sa trabaho kamakailan. Masyado bang maraming trabaho roon?”“Sinasabi ko sa'yo, Zuko!” Sumingit si Renee na uminom ng beer. “Inaapi ng mga tao sa opisina kaming mga intern. Pinapagawa nila sa'min ang lahat ng mahihirap na trabaho! At ang Meanie Mollie na yun… napakasama niya sa'min!”Nakinig nang maigi si Toph at unti-unting nagagalit. Kahit na hindi niya alam kung sino si Meanie Mollie ang kahit na sinong umapi kay Renee ay magiging kalaban niya. Ibinahagi ni Renee ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. “Sabi pa nila wala daw kaming boyfriend at
Sa sumunod na araw, isa-isang dumating ang mga delivery guy at bumaha ang buong office buildings floor ng mga package para kay Renee Thompson.Ang bawat isang delivery person ay sisigaw nang malakas sa hallway, “Ms. Renee Thompson, may package ka. Pakipirmahan na lang po!”Walang pahinga ang mga binti ni Renee sa araw na iyon. Halos wala siyang oras na umupo bago tumayo ulit para makatanggap ng isa pang package. Umapaw ang mga package sa mesa niya na puno ng mga damit, sapatos, bag, at cosmetics mula sa top-tier luxury brands na nagpainggit sa mga kasamahan niyang babae. Dahil mahiyain siya at hindi mahilig sa atensyon, nailang si Renee sa biglaang atensyon. Tahimik siyang tumakbo kay Lina at tinuro ang mga package sa mesa. “Tignan mo ang lahat ng to…”Tumawa si Lina at nahulaan na niyang ang lahat ng ito ay mga regalo mula kay Toph. Pagkatapos malaman kagabi ang tungkol sa naranasan nila, gustong maghiganti ni Toph para sa kanila, lalo na sa komento nila tungkol kay Renee n
Ang ilang mga katrabaho nilang ginawang utusan sina Renee at Lina ay tumayo sa tabi nang naiilang. Ngumiti si Lina at mapagbigay na nag-abot ng afternoon tea sa kanila. Tumingin si Amelia kay Erin at Kendal at pare-pareho silang may pagdududa sa mga mata nila. “Baka… mayaman talaga ang pamilya niya?”“Anong pinagsasabi mo!?” Nagsisi si Amelia. “Tignan mo ang lahat ng pagkaing to… Kahit gaano pa ito kamahal, hindi naman ito ganun kalaking halaga, di ba? Ginamit niya lang ang isang buwang sahod niya para magpasalamat ang mga tao sa kanya. Hindi mo ba nakikita yun?”Dinilaan ni Kendal ang mga labi niya habang nakatitig ang mga mata niya sa conference room. “Gusto… Gustong-gusto kong tumikim.”“Eh di kumuha tayo!” Suhestiyon ni Amelia. “Ang dami niyang binili at masasayang ito kung hindi niya yun maubos! At saka hindi ba sabi niya binili niya to para sa lahat?”Nag-alangan si Erin at pakiramdaman niya ay hindi ito tama. Gayunpaman, madaling natalo ng kagustuhan niyang manamantala