Pagkahatid ni Aiden kay Mia sa penthouse ay lumabas naman siya ng hotel. Mabilis ang patakbo ng kaniyang sasakyan at umuwi sa dati nilang tirahan. Naabutan niya naman ang kaniyang ina na pababa ng hagdan.“Aiden,” anas niya pero blangko pa rin ang expression ng mukha ng anak.“Isang beses na lang kitang pakikiusap Mommy habang kinikilala pa kita bilang ina ko. Don’t you dare to touch her again dahil baka kapag nangyari yun, kalimutan kong nagkaroon pa ako ng ina na katulad mo. Kahit na anong gawin mo, I won’t leave Mia just for your wants. Tao rin ako Mom! Ako mismo ang pipili ng taong makakasama ko habang buhay. I don’t need a woman na pera at kayamanan lang ang meron siya. I want a woman who can support and stay at my side no matter what happened. I want to hurt you, I want to slap you, I want you to feel what Mia felt when you push her! pero hindi ko magawa dahil ina pa rin kita!”“Aiden! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!” sigaw ni Mrs Hernandez sa anak pero bahagya lang na tumawa
“Hoy Girl, tulala ka diyan?” pumitik pa si Stella sa harapan ni Mia. Nabalik naman siya sa wisyo, may naalala lang siya. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang sinabi sa kaniya ni Aiden. Masyado kasing nakakagulat. Nagmamadali ba siya? Pero kung sabagay handa naman na siya sa bagay na yun. Magkaroon ng sariling pamilya kasama ng taong mahal niya pero bakit may pangamba sa puso niya?Bakit nag-aalinlangan siya at bakit natatakot siya?Napabuntong hininga na lang si Mia.“May problema ka ba?” muling tanong ni Stella pero umiling naman si Mia.“Wala naman, may mga bagay lang akong iniisip. Ikaw ba? handa ka na bang magkaroon ng sarili mong pamilya?” bigla niyang tanong dito.“Hoy ano ka ba? Ni wala nga akong boyfriend eh tapos pamilya kaagad saka alam mo namang dalawa pang kapatid ko ang nag-aaral, patatapusin ko na muna sila bago ko isipin ang bagay na yun.”“Baka maging matandang dalaga ka niyan? Nasa high school pa lang yung bunso niyo tapos wala ka pang boyfriend, baka maging ti
“Hindi ka naman nagmamadali babe right? Wala ka namang pupuntahan, baka mabulunan ka diyan sa ginagawa mo eh.” Pag-aawat sa kaniya dahil para na itong nagmamadali sa pagkain na akala mo ay may humahabol sa kaniya.“Nagugutom lang talaga ako,” napakunot na lang ang noo ni Aiden dahil hindi pa niya maintindihan ang sinasabi nito. Nagsasalita ito kahit na puno pa ang bibig.“Walang aagaw ng pagkain mo so eat slowly.” Tumango na lang si Mia saka pinagpatuloy ang pagkain niya. Wala na siyang pakialam kung nakatitig sa kaniya si Aiden basta kakain siya dahil kanina pa siya nagugutom. Naubos lahat ng lakas niya kanina sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.Matapos niyang kumain ay idineretso niya na ito sa sink para mahugasan. Gusto pa ni Aiden na siya na lang ang maghuhugas like hello? Hindi lang naman siya ang pagod sa kanilang dalawa eh. Pagod din naman si Aiden tapos ito pa ang nagluto ng hapunan nilang dalawa. Iaasa pa ba niya sa tao ang pinagkainan niya?Matapos niyang makapaghugas n
Ang lahat ng mga empleyado na nasa function hall ay nagtataka, punong puno ng mga katanungan. Nakikita pa naman nila na sweet at nag-uusap si Mia at Aiden tapos ngayon maririnig nila mismo sa ina ng Boss nila na engagement day niya ngayon?“Nasan si Mia? Nakita niyo ba?” kinakabahang tanong ni Stella, maging siya ay nanginginig na ang kamay na dala-dala ang tray na may laman na wine glass.“Hindi ko rin makita eh.” Sagot ni Sarah, inilibot nila ang paningin nila at nanlaki na lamang ang mga mata ni Kirsten ng makita niya si Mia na nasa harapan mismo kung saan kitang kita lamang si Aiden at ang kasama nitong babae.“Nasa harapan siya.” Mahinang wika ni Kirsten, hinanap nila kung san bandang harap at nakita nila ito kung saan pantay na pantay sila ni Aiden at ng babaeng nakahawak sa braso niya.“Damn it!” mahinang mura ni Stella, paano niya malalapitan si Mia kung mapapansin silang lahat. Kitang kita nilang nakatingala si Mia kay Aiden.Hindi alam ni Mia ang gagawin niya, tila ba ilang
“Break na ba kayo ni Sir? Kawawa ka naman, pinalitan kaagad at nakahanap ng iba hahahaha.” Tawanan ng mga katrabaho niyang saka lang lumilitaw kung kahihiyan tungkol kay Mia ang usapan. Mabilis na kumalat ang tungkol sa bagay na iyun maging sa labas ng kompanya dahil nasa headline na ito.“Hoy! Ano ba sa tingin niyong ginagawa niyo ha?! Mga tsismosang mga ‘to! Mind your own business mga gaga!” sigaw sa kanila ni Stella ng maabutan nilang binubully si Mia.“Okay ka lang? Huwag mong pansinin yung mga yun. Inggit lang sila.” anas ni Sarah, tipid lang namang ngumiti si Mia.“Hindi ko naman pinapansin, kayo lang itong pumapansin eh.” Tawa niyang saad pero hindi naman natatawa ang mga kaibigan niya sa kaniya. “Ano ba kayo, huwag kayong mag-alala. Nakapag-usap naman na kami ni Aiden tungkol dito eh. Mas nag-aalala pa kayo kesa sa’kin.”“Eh kasi naman Mia, kalat na kalat na kaya sa lahat ang tungkol dun.” Wika ni Kirsten.“Nasa balita rin kagabi, alam mo naman ang Boss natin. Kapag tungkol sa
Nang makaalis si Mia ay seryoso namang tiningnan ni Ace si Aiden na nakatutok na ngayon sa laptop niya.“Ano ng gagawin mo Aiden? May balak ka pa bang gawin?” hindi maitago ang inis sa boses ni Ace.“Sa tingin mo ba ganun ko na lang isusuko ang lahat? Kung wala akong ginagawa, bakit nandito pa ako? Nag-iisip lang ako ng dapat kong gawin.” Halos nasstress na ring wika ni Aiden, parang kanina lang nakangiti pa siya dahil iyun kay Mia pero kapag nakatalikod na ito, dun mo na makikita ang problemang nararanasan niya.“Ang alam ko aatras na ang lahat ng investors ng hotel dahil sa maling ipinakitang data. Nakasaad dun na nalulugi na ang hotel mo at walang kinikita pero hindi mo lang yun sinasabi sa kanila.”“What?” hindi makapaniwalang tiningnan ni Aiden si Ace. Saan naman nila nakuha ang impormasyong yun kung maganda ang kita ng hotel? “Who said that?”“Iyun lang ang narinig ko, wala pang kasiguraduhan. Ano bang nangyayari kay Tita? dahil lang ba ito sa hindi ka pumayag na pakasalan si Ch
Napatingin si Aiden sa pintuan ng office niya nang pumasok ang kaniyang ina.“Hanggang kailan ka magtitiis Aiden? Hanggang saan ang kaya mong gawin? Sa huli, ako pa rin ang tatakbuhan at hihingan mo ng tulong.” Anas ng kaniyang ina.“Hanggang kailan mo nga rin ba pahihirapan ang nag-iisa mong anak? Gaano ba kalalim ang poot diyan sa puso mo para hayaan akong maranasan din ang naranasan mo?”“Hindi ko ito ginagawa para iparanas sayo kung anong naranasan ko?! Ginagawa ko ito para hindi mo na maranasan pa! Alam kong mahal mo ang hotel Aiden at ibabalik ko ito sayo ng buong buo, sundin mo lang ang gusto ko.” hilaw na tumawa si Aiden.“Marumi ka maglaro Mom, para lang sa gusto mo kaya mong gawin ito sa sarili mong anak? Maayos na akong nabubuhay dito ng mag-isa pero simula nang dumating ka ginugulo mo ang buhay ko. Alam niyo bang hindi si Mia ang sisira ng buhay ko? dahil sa ginagawa niyo kayo mismo ang sumisira ng buhay ko.” hindi natinag si Aiden nang hampasin ng kaniyang ina ang lamesa
“Bakit parang napapadalas ang paglabas mo ng opisina mo ngayon?” tanong ni Mia habang nasa bench silang dalawa ni Aiden.“I just want to see you,” kindat niyang wika kaya napailing na lang sa kaniya si Mia.“Wala ka bang masyadong ginagawa?” kumagat pa muna si Aiden sa burger niya bago umiling kay Mia. Nasa harapan ang paningin niya at ayaw niyang titigan sa mga mata si Mia. Ayaw niyang sabihin dito na mag-iisang linggo na siyang wala sa pwesto niya at wala na sa kaniya ang hotel. Nagpupunta na lang siya kunwari rito para hindi magtaka si Mia.“Siya nga pala, papayag ka ba kung sa condo ko na ikaw tutuloy? Don’t worry, dalawa naman ang kwarto ko dun.” Salubong ang mga kilay ni Mia na nilingon si Aiden. Masyado na naman nitong ginugulat si Mia.“Pero bakit? Okay naman na ako dito sa hotel.” Ano pa bang dapat niyang sabihin at ipaliwanag ng hindi nagtataka sa kaniya ang dalaga?“Dun ka na lang muna sa condo para may kasabay akong napasok dito saka para paggising ko sa umaga ikaw kaagad