Share

Chapter 2

"Hindi ka ba nagkakamali sa sinasabi mo sa akin na umutang siya ng ganoon kalaking halaga ng pera na umabot pa ng fifty million pesos, huh? Baka fifty thousand pesos lang 'yon," paniniguradong tanong ni Camilla dito.

Huminga nang malalim ang guwapong binata na si Hector at nagsalita, "Hindi ako nagkakamali sa sinasabi ko sa 'yo, okay? Fifty million pesos ang utang ng papa mo sa akin na kailangan niyang bayaran. Hindi niya 'yon puwedeng hindi bayaran. He needs to pay for that. Ang pangalan mo ay Camilla, 'di ba?"

Tumango naman si Camilla at nagsalita, "Oo. Camilla nga ang pangalan ko. Paano mo nalaman, huh?"

"He talks about you. You're his only daughter. Am I right?" sabi nito kay Camilla na tinanguan niya muli.

"Oo. Wala naman akong kapatid kaya ako lang talaga ang anak niya na babae. Wala na ang mama ko. Patay na siya. Limang taon na ang nakalilipas," sabi ni Camilla dito.

"I know. But it's not really important. Ang kailangan ay mabayaran ang utang niya, hindi puwedeng hindi. Fifty million pesos ang utang niya. Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi ako makakalimutin, okay? Kailangan mo na sabihin ang papa mo kung nasaan man nga ito. Naiintindihan mo ba? Hindi ko na problema pa kung nasaan siya. Problema n'yo na 'yon na mag-ama. Ang kailangan n'yong gawin ay bayaran ako. Wala akong pakialam kung ano ang ginawa niya sa perang inutang niya. Ang kailangan ko ay makuha 'yon at maibalik sa akin ang perang inutang ng papa mo. Maliwanag ba ang mga sinabi ko sa 'yo, huh? Kung hindi mo alam kung nasaan siya ay gumawa ka ng paraan para mahanap siya at sabihin sa kanya na kailangan na niyang bayaran ang utang niya sa akin," sabi ng guwapong binata na si Hector sa kanya. Napangiwi na lang si Camilla pagkasabi nito sa harapan niya.

Hindi niya kilala ang guwapong binata na nasa harapan niya. Kailangan niya na malaman kung ano ang pangalan nito para makumpleto ang sasabihin niya sa papa niya kapag nakita niya ito. Kailangan niya na sabihin ang pangalan nito sa papa niya.

"Sino ka ba, huh? Ano'ng pangalan mo, huh?" nakangusong tanong ni Camilla sa guwapong binata na nasa harapan niya.

"Hindi mo ba talaga ako kilala, huh? Hindi ba ako kinukuwento sa 'yo ng papa mo?" tanong nito kay Camilla.

"Hindi talaga. Hindi talaga kita kilala. Hindi ka niya kinukuwento sa akin. Wala siyang kinuwento sa akin kahit tungkol sa 'yo kaya paano kita n'yan makikilala, 'di ba? I don't even know you! Sino ka ba, huh?" sabi ni Camilla sa kanya. Tinanong niyang muli ito kung sino ito.

Tumango-tango si Hector pagkasabi niya. Naniniwala ito sa sinasabi niya na 'yon. Kung hindi ito naniniwala sa kanya ay kung anu-ano pa ang sasabihin nito sa kanya.

He took a deep breath and slowly opened his mouth to speak to her. "My name is Hector Gonzalez. I'm the CEO of Gonzalez Group and Companies. I'm a billionaire too. Marami pa kaming negosyo. Hindi mo ba talaga ako kilala, huh? Hindi mo na naririnig ang pangalan ko kahit sa radio o television man lang, huh? I'm popular," pakilala ni Hector sa kanya.

Hindi muna nagsalita si Camilla matapos niyang malaman malaman ang pangalan ng guwapong binata na nasa harapan niya. Nakakunot pa rin ang noo niya. Naririnig naman niya ang pangalan nito dati ngunit hindi naman siya interesado dito kaya hindi niya pinapansin o tinitingnan ang larawan nito. Hindi siya makapaniwala na kaharap niya ang lalaking 'yon na sinsisingil pa siya sa utang ng papa niya. Umiwas muna siya ng tingin dito.

Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago nagsalita sa harapan nito. Dahan-dahan siyang tumingin sa guwapong pagmumukha nito at nagtama muli ang mga mata nila. Bumibilis na naman ang kabog ng dibdib niya sa hindi niya malaman na dahilan. She took a deep breath first before she speaks to him.

"Naririnig ko ang pangalan mo dati ngunit hindi ko naman inaalam ang pangalan mo o ang buong pagkatao mo dahil hindi naman ako interesado sa 'yo. I never knew that you're that person," seryosong sagot ni Camilla sa kanya.

Tinanguan naman kaagad siya ni Hector. "Okay. Walang problema 'yon pero ngayon ay kilala mo na nga ako. Wala ka nang rason pa para sabihin mo kung sakali na hindi mo ako kilala. Babalik ako muli dito sa bahay n'yo makalipas ang tatlong araw. Alam mo na kung bakit. Gumawa ka ng paraan para mahanap o makita mo ang papa mo kung nasaan man nga ito, okay? Kailangan n'yong bayaran 'yon na utang ng papa mo. Utang ng papa mo ay utang mo na rin," seryosong sagot ni Hector sa kanya.

"Ano?! Wala akong utang sa 'yo! Ang papa ko ang may utang sa 'yo kaya huwag mong sabihin 'yan na utang ng papa ko ay utang ko na rin. Walang ganyanan please. Wala akong utang sa 'yo. Kaya huwag mong sasabihin 'yan sa akin!" singhal ni Camilla kay Hector.

"Anak ka niya, Camilla. Kung ano man ang problema niya ay damay ka, okay? Hindi puwedeng hindi. Kaya utang ng papa mo ay utang mo na rin kaya gumawa ka na ng paraan para mahanap o makita kung nasaan man ang papa mo. Babalik ako dito sa bahay n'yo makalipas ang tatlong araw. You still have three days to find him!" sabi ni Hector sa kanya. "I have to go now. Goodbye. See you after three days, Camilla."

Pagkasabi ni Hector sa kanya ay tumalikod na ito paalis sa kanila. Hindi na nito hinintay pa na magsalita siya. Kung puwede lang na batuhin niya ang nakatalikod na si Hector ay ginawa na niya. Natulala si Camilla nang makaalis na nang tuluyan si Hector sa bahay nila. Walang ibang laman ang isipan niya kundi ang mga nalaman niya mula rito.

She can't believe that her father borrowed money from him. Hindi lang fifty thousand pesos 'yon kundi fifty million pesos pa. Nanghihina siya sa nalaman niyang 'yon. Pakiramdam pa niya ay nawalan na siya ng lakas pa dahil doon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Napaupo na lang siya sa couch habang problemado sa bagay na 'yon.

Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan niya tungkol sa bagay na 'yon na nalaman niya. She really wants to know lalo na ang dahilan kung bakit umutang ng ganoon kalaking halaga ng pera ang papa niya. Babalik si Hector makalipas ang tatlong araw at kailangan na niyang mahanap at makausap ang papa niya tungkol sa bagay na 'yon na kailangan nitong bayaran. Hindi maiwasan na magalit at mainis siya sa papa niya sa nalaman nga niyang 'yon. Hindi nagsasabi sa kanya ang papa niya na may utang pala itong ganoon na halaga. Dapat ay alam niya 'yon. Bakit hindi pinaalam sa kanya? Malalaman lang niya ang tungkol doon ngayon na sinsisingil na siya ng pinagkautangan ng papa niya na walang iba kundi si Hector Gonzalez na isang CEO at bilyonaryo.

Wala na si Camilla gana na tapusin pa ang paglilinis sa bahay nila dahil sa mga nalaman niyang 'yon na masasabi niya na isang malaking problema sa buong buhay niya dahil sa kagagawan ng papa niya na hindi niya alam kung bakit nagawa 'yon. Wala naman siyang trabaho ngayon sa pinagtatrabauhan niya na opisina kaya ay nagdesisyon siya na lumabas sa bahay nila. Pupuntahan niya ang kanyang kaibigan na si Mika sa condo unit nito. Habang nasa biyahe siya patungo sa condo unit ng kaibigan niya ay tinawagan na niya ito para sabihin na papunta na siya para hindi ito mabigla sa pagdating niya.

Kakapasok pa lang niya sa loob ng unit ng kaibigan niya ay sinabi kaagad niya ang nangyari kanina. Sinimulan niya 'yon sa pagkukuwento na may kumatok sa pinto ng bahay nila na binuksan naman kaagad niya na akala niya ay ang papa na niya ngunit hindi naman pala hanggang sa sabihin ni Hector sa kanya ang utang ng papa niya na kailangan na mabayaran.

Nanlalaki ang mga mata ng kaibigan niya na si Mika sa sinabi niyang 'yon. Hindi ito makapaniwala sa sinasabi niyang 'yon.

"Totoo ba talaga 'yon, bessie? Imposible naman siguro na magkakautang ng ganoon ang papa mo. Wala naman kayong pambayad na ganoon, 'di ba? Kahit kami ay wala rin. Ang laki kaya ng fifty million pesos. Ten million pesos nga ang laki na, 'yon pa kaya na fifty million pesos," hindi naniniwalang sabi ng kaibigan niya na si Mika sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim at saka nagsalita, "Totoo 'yon, hindi puwedeng gawa-gawa lang ng Hector na 'yon ang mga sinasabi niya. Bilyonaryo siya, 'di ba? Hindi naman siguro siya scammer. Naniniwala naman na ako sa sinasabi niya kahit sa una ay hindi, eh. Umutang sa kanya ang papa ko ng fifty million pesos sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit. Hindi rin raw sa kanya sinabi ang ekasaktong dahilan kung bakit kailangan nitong umutang sa kanya. Kaagad naman niyang pinautang ang papa ko dahil kaibigan raw ng daddy niya ito at ayaw naman niyang tanggalin. Pumunta siya kanina sa bahay para hanapin ang papa ko at singilin sa utang ng nito na fifty million pesos. Nagdi-diskusyon pa nga kaming dalawa ng lalaking 'yon, eh. Babalik raw siya makalipas ang tatlong araw kaya kailangan ko na mahanap o makita ang papa ko para sabihin sa kanya ang tungkol doon sa utang niya na kailangan niyang bayaran."

"Nasaan ba ang papa mo, huh?" tanong ni Mika sa kaibigan niya na si Camilla.

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya, eh. Isang linggo na siyang hindi umuuwi sa bahay. Nag-aalala na nga ako sa kanya kung ano na ang nangyayari sa kanya, eh. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya, wala man lang ako kaalam-alam," nakangusong sagot ni Camilla sa kaibigan niya. Problemadong-problemado siya.

"Hindi mo ba tinatawagan ang cell phone niya? Baka sakaling sagutin niya ang tawag mo at malaman mo kung nasaan siya," sabi pa ni Mika sa kanya na tinatanong siya kung hindi na niya tinatawagan ang cell phone nito baka sakaling sagutin ang tawag niya at malaman kung nasaan nga ito.

"Tinatawagan ko naman nga ngunit hindi naman sinasagot niya ang tawag ko. Nakakainis na talaga ang papa ko! Ako pa ngayon ang kailangan na mamroblema sa problema niyang ito," sabi ni Camilla sa kaibigan niya na napapakamot sa ulo.

"Ah, ganoon ba? E, wala ka bang alam na ibang puwedeng puntahan niya, huh?" tanong ni Mika sa kanya.

"Wala naman, eh. Hindi naman siya mahilig makitira kahit kanino. 'Yung dalawang kapatid niya ay nasa ibang bansa. Doon na nakatira, so saan naman siya pupunta n'yan, 'di ba? Gusto ko siya hanapin o makita ngunit hindi ko naman alam kung saan ko siya hahanapin. Hindi lang ako naiinis sa papa ko, bessie. Nagagalit na ako sa kanya sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya. Saan ko ba siya puwedeng hanapin nito?" sabi ni Camilla sa kaibigan niya.

Nakanguso rin ang kaibigan niya matapos niyang sabihin 'yon dito. Pati tuloy ito ay namroroblema na rin. Kaibigan niya si Camilla kaya apektado rin siya sa mga sinasabi sa kanya nito.

"Sana talaga ay mahanap mo na ang papa mo. Sana umuwi na siya sa bahay n'yo para masabi mo na ang kailangan mong sabihin sa kanya," sabi ni Mika sa kanya.

"Sana nga, bessie. 'Wag na niya akong pahirapan pa kung saan ko siya hahanapin dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Pinagtataguan niya ba ang utang niyang 'yon kaya kahit sa akin ay hindi siya nagpapakita?" sabi ni Camilla sa kaibigan niya.

Mika shrugged her shoulders and said, "We really don't know pero posible ngang ganoon, bessie."

Napasapo na lang si Camilla sa kanyang noo at natulala matapos 'yon na sabihin ng kaibigan niya. Napamura pa siya ng sunod-sunod sa isipan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status