Share

Marrying Mr. Billionaire (Filipino)
Marrying Mr. Billionaire (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

Napatigil na lang si Camilla sa paglilinis sa loob ng bahay nila nang biglang may kumatok sa pinto nila. Napahinto siya sa kanyang paglilinis sa loob ng bahay nila. Napakamot pa nga siya sa kanyang ulo. Dali-dali naman siyang lumapit sa pinto ng bahay nila para buksan 'yon baka kasi ang papa na niya 'yon na isang linggo na ngang hindi umuuwi sa kanila. Wala naman siyang kaalam-alam kung nasaan ito. Nag-aalala na nga siya para dito baka kasi may nangyari na ngang masama dito.

Bago ni Camilla binuksan ang pinto ng bahay nila ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga at saka pinit ba buksan ito.

Pagkabukas niya sa pinto ng bahay nila ay laking-gulat niya nang makita na hindi ang papa niya 'yon. Namimilog ang kanyang mga mata na kaharap ang isang guwapong nilalang na salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya. Ngayon lang niya nakita ang guwapong nilalang na 'to sa buong buhay niya. Hindi lang ito guwapo. Malaki ang pangangatawan nito at matangkad. He's so hot. Mukha nga itong isang professional na model. Bumilis ang tibok ng puso niya at nakaramdam ng kaunting kaba sapagkat hindi niya kilala ito. Ano ang ginagawa nito sa bahay nila?

Umawang pa ang mga labi niya habang kaharap ang nilalang na ito na ngayon lang niya nasilayan.

"S-Sino ka? Ano'ng ginagawa mo dito? Ba't ka nakapasok dito sa loob, huh? Nakasara ang gate namin, 'di ba? Sino ka ba, huh? Magnanakaw ka ba?" tanong ni Camilla sa guwapong binata na nasa harapan niya.

Kinunutan pa siya ng noo niya bago nagsalita sa kanya.

"W-what?! Hindi ako magnanakaw! Sigurado ka ba na nakasara ang gate n'yo, huh? Bukas ang gate n'yo! Kaya ako pumasok," singhal na sagot nito sa kanya.

Naalala ni Camilla na nakalimutan pala niya na isara ang gate nila kanina pagpasok niya mula sa labas kaya bukas nga ito. Nagtataka naman nga siya na bakit papasok na lang ang guwapong binata na nasa harapan niya kung wala itong sadya sa kanya. Hindi naman niya kilala ito.

Hindi maiwasan na isipin niya na baka magnanakaw ito kaya pumasok na lang basta-basta sa kanila. Kung wala naman itong sadya ay hindi naman ito papasok sa kanila kahit bukas pa ang gate nila. Kinabahan pa tuloy siya.

"Talaga ba? Kahit nakabukas ang gate namin kung waka kang sadya ay hindi ka naman papasok dito, eh. Sigurado ako na may binabalak kang masama. Balak mo siguro akong nakawan, 'no?" singhal ni Camilla sa guwapong binata sa harapan niya.

"Of course not. Mukha ba akong magnanakaw, huh? Sa hitsura ko ba naman 'to ay pagbibintangan mo akong magnanakaw, huh? Mahiya ka naman sa sarili mo! Hindi ako magnanakaw, okay?" sagot ng guwapong binata sa kanya na sinasabi na hindi naman siya magnanakaw.

"Kung hindi ka magnanakaw ay bakit ka na lang papasok dito sa amin, huh? 'Wag mo nga akong pinagloloko! Magnanakaw ka! May masamang balak ka!" singhal ni Camilla sa guwapong binata na kanina pa nagpipigil ng kanyang sarili. Kung lalaki lang siya ay baka inambahan na niya ng suntok ito. Naiinis siya sa sinasabi nito. Pinagbibintangan pa naman siyang magnanakaw.

Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa harapan ni Camilla na pinapamaywangan siya.

"Nakabukas nga ang gate n'yo kaya ako pumasok dahil may sadya ako sa inyo. Hindi ako magnanakaw, okay? 'Wag mo akong pagbibintangan na isang magnanakaw dahil baka ako pa nga ang nakawan ng mga kagaya mo! May magnanakaw bang nagpapakita sa nanakawan niya, huh? Wala naman, 'di ba? Kung magnanakaw ako ay hindi ako sa gate n'yo mismo dadaan. You're such a stupid girl," asik niya kay Camilla.

Mapangiwi si Camilla pagkasabi nito sa kanya. Muli siyang napabuntong-hininga bago nagsalita sa harapan nito.

"Kung hindi ka nga magnanakaw ay ano ang ginagawa mo dito sa amin, huh? Ano'ng kailangan mo sa amin? Sino ka ba, huh?" tanong niya muli dito.

"Where is your father?" seryosong tanong ng guwapong binata sa kanya.

"W-what? Ano'ng tanong mo sa akin?" tanong niya dito. She heard it clearly but she wants him to reapet it. Gusto niya na makasigurado na hinahanap nito ang papa niya.

Inulit muli ng guwapong binata ang tanong sa kanya kung nasaan nga ang papa niya.

"Hindi ko alam kung nasaan siya," nakangiwing sagot ni Camilla sa guwapong binata.

Kinunutan muli siya ng noo nito at saka nagsalita, "W-what? You don't know where is your father, huh? Are you sure, huh?"

Mabilis naman na tinanguan ni Camilla ang guwapong binata na hindi na niya maipinta ang mukha matapos niyang sabihin na hindi niya alam kung nasaan ang papa niya. Hindi naman talaga niya alam kung nasaan ang papa niya. Isang linggo na itong hindi umuuwi sa bahay nila.

"Oo. Sigurado ako sa sinasabi ko sa 'yo. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Ito ang bahay niya, dito kami nakatira ngunit hindi ko alam kung nasaan siya ngayon," sagot naman kaagad ni Camilla sa kanya.

"Anong klaseng anak ka kung hindi mo alam kung nasaan ang papa mo, huh? Dapat alam mo dahil anak ka, hindi puwedeng hindi. Dapat may alam ka kung nasaan ang papa mo. Inaalam mo dapat, hindi 'yung wala kang pakialam sa magulang mo!" sabi ng guwapong binata sa kanya dahilan upang uminit ang ulo niya sa sinabi nitong 'yon. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Sinesermonan mo ba ako, huh?!" asik niya sa guwapong binata sa harapan niya.

"Hindi kita sinesermonan, okay? Sinasabi ko lang naman na dapat ay alam mo kung nasaan ang papa mo," sabi naman ng guwapong binata sa kanya.

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya, okay? Hindi ka ba marunong umintindi, huh?" sabi pa ni Camilla sa kanya na napapasapo na lang sa inis sa kaharap niya.

"Naiintindihan ko ang sinasabi mo ngunit hindi ako naniniwala na hindi mo alam kung nasaan ang papa mo. Hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin. Nagsisinungaling ka! Siguro sinabihan ka ng papa mo na kapag hinanap ko ay huwag mong sasabihin sa kanya kung nasaan siya, 'no? Magkasabwat kayong dalawa ng papa mo! Hindi n'yo ako maiisahan!" singhal sa kanya ng guwapong binata.

"Ano ba ang pinagsasabi mo, huh? Hindi ko nga alam kung nasaan ang papa ko at isa pa ay hindi ako niya sinabihan na huwag ko na sabihin kung nasaan man siya, okay? Hindi kaming dalawa magkasabwat. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya sa ngayon. Nag-aalala na nga ako sa kanya dahil isang linggo na siyang hindi umuuwi, eh. Baka kung napaano na ito. Kung alam ko kung nasaan sana siya ay sinabi ko na dapat sa 'yo kanina pa. Hindi marunong umintindi sa totoo lang!" galit na sagot ni Camilla sa guwapong binata na napabuntong-hininga pagkasabi niya. "Mukha ba akong sinunggaling, huh? Hindi ako sinunggaling na tao. Tandaan mo 'yan. Hindi maganda ang magsinunggaling kaya huwag mo akong sasabihan na nagsisinungaling ako sa 'yo! Ano ba ang kailangan mo sa kanya, huh? Bakit mo siya hinahanap?! Ano'ng kailangan mo sa papa ko? Kaibigan mo ba siya, huh?"

Humugot muli nang malalim na buntong-hininga ang guwapong binata na si Hector bago sumagot sa kanya. Mukha naman na hindi nagsisinungaling ang babae na si Camilla sa kanya kaya hindi na siya nagsalita pa na nagsisinungaling ito o ano. Sasabihin na lang niya dito kung bakit niya hinahanap ang papa nito na may atraso sa kanya.

"May utang sa akin ang papa mo at kailangan na niya akong bayaran sa utang niyang 'yon. Isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nakakabayad sa akin sa utang niyang 'yon. Iyon ang rason kung bakit ko siya hinahanap, okay? Ngayon ay alam mo na ang rason," sabi niya kay Camilla na hindi makapaniwala sa narinig niya na may utang ang papa niya sa guwapong binata na kausap niya.

"A-Ano? A-Anong sinabi mo, huh? May utang sa 'yo ang papa ko?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Camilla kay Hector na hindi makapaniwala sa nalaman niyang 'yon.

Kaagad naman na tumango ang guwapong binata na si Hector sa kanya at nagsalita, "Oo. May utang sa akin ang papa mo. Isang taon na ang lumipas nang umutang siya sa akin ngunit hindi pa niya ako binabayaran hanggang ngayon. Kahit singkong duling ay wala. Wala siyang binabayad sa akin. May usapan pa naman kami ng papa mo na kailangan bago mag-isang tao ay nabayaran na niya 'yon ngunit isang tao na hindi pa rin niya nababayaran 'yon. Hindi ako gumagawa-gawa lang ng kuwento baka 'yon ang iniisip mo. Nagsasabi ako ng totoo sa 'yo."

"Ilan ang utang ng papa ko sa 'yo? Bakit siya umutang sa 'yo, huh? Saan niya ba ginamit ang pera? Wala talaga akong kaalam-alam sa utang na 'yan na sinasabi mo. Wala talaga. Wala sa akin sinasabi ang papa ko tungkol sa utang na 'yan," sabi ni Camilla sa guwapong binata na hindi malaman ang gagawin matapos niyang malaman 'yon.

"Umutang siya sa akin dahil kailangan raw niya. Binigyan ko naman ang papa mo dahil kaibigan niya ang daddy ko. Hindi ko naman siya tinanggihan," sabi niya kay Camilla.

"Ganoon ba?" Tumango ang guwapong binata na si Hector sa kanya.

"Oo. Umutang siya ng fifty million pesos sa akin. Hindi niya sinabi sa akin ekasakto ang paggagamitan niya ng perang 'yon. Akala ko nga ay magtatayo siya ng bagong negosyo," sagot ni Hector sa kanya.

Napamura si Camilla matapos niyang marinig ang sinabi ng guwapong binata na na nasa harapan niya na si Hector ang halaga ng inutang na pera ng papa niya. Umutang ito ng fifty million pesos dito. Namilog pang lalo ang mga mata niya sa sinabi nitong 'yon. Hindi siya makapaniwala na ganoon kalaking halaga ng pera ang inutang ng papa niya. Ano'ng ginawa nito sa malaking halaga ng pera na inutang nito isang taon na ang nakalilipas? Wala naman talaga itong sinabi sa kanya na umutang ito ng fifty million pesos. Wala rin naman siyang nakita na bagong negosyo nito. Nakapagtataka nga lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status