After 3 months...
Nakahanda na si Amara para lumipad sa bansang Denmark. Her medication went well at binigyan na siya ng go signal ng kanyang gynecologist na magbuntis. Sinabi niya rin kasi rito na gusto niyang sumailalim sa Artificial Insemination. Samantala, wala namang nagawa ang mga kaibigan niya sa kanyang desisyon.
She's very thankful that her friends, understand her decision. Sila na muna ang bahala sa maiiwan niyang trabaho rito sa Pinas at dahil nga high-tech na ang panahon, zoom meeting nalang ang gagawin niya palagi upang magampanan parin ang responsibility bilang CEO.
Nag-iyakan pa muna sila ni Faye bago siya pumasok sa kanyang private plane. Matagal-tagal din bago sila magkitang muli.
"Don't forget to communicate with us ha? You take care of yourself doon. Wala pa naman ang magaganda mong mga Beshy na inaalagaan ka palagi" yumakap si Faye sa kanya habang umiiyak.
"Oo, madali lang naman iyong isang taon. Pagbalik ko, Magiging ninang na kayong dalawa ni Cora" nakangiting sagot niya rito at niyakap ang kaibigan.
"Just text us kapag dumating ka na roon and do good, okay?" paalala naman ni Cora sa kanya, "Don't worry here, kami na muna ang bahala"
"Salamat, Mars..." lumapit siya rito at yumakap sa kaibigan, "Mami-miss ko kayo"
Kumaway pa siya sa mga ito bago tuluyang pumasok sa private plane niya. Nami-miss na niya kaagad ang mga kaibigan pero kailangan niya muna itong gawin para sa sarili niya. Wala na siyang tiwala sa mga lalake kung kaya naisipan niya ang ganitong bagay. Sana lang, maintindihan siya ng kanyang magiging anak in the future.
Maya-maya pa ay lumipad na ang sinasakyan niyang private plane. Aabutin din ng mahigit labindalawang-oras ang biyahe nila papuntang Denmark. Naisipan niya kasi na sa gabi bumiyahe para tulog lang siya sa buong duration ng flight niya. Nagbasa muna siya ng mga libro para malibang ang sarili. After that, she decided to sleep upang makabawi ng lakas para bukas.
Nagising siya nang may malakas na pagsabog na narinig. Dali-dali niyang kinuha ang parachute na nasa compartment. Sumabog ang private plane niya sa hindi malamang dahilan!
"Mamamatay na ba ako?!"
Hindi niya mapigilang umiyak sa sobrang takot. Naalala niya ang mga magulang, ang kanyang mga kaibigan. Ang lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay.
Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ng piloto para sana magtanong rito kung anong nangyayari, pero bago pa niya mabuksan ang pinto ay may lumabas ng isang babae na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"S-Sino ka?! Hindi ikaw ang p-piloto ko!" napaatras siya at nabuwal nang biglang tumagilid ang eroplano.
"Pasensya na Ms. Hernandez, walang personalan, trabaho lang" wika nito at hinablot ang bracelet na suot niya. Iyon ang kanilang family heirloom. Na minana niya pa sa kanyang lola, "Para sa katibayan lang ma'am"
Bago pa siya makapag-react ay binuksan na nito ang pinto ng eroplano at itinulak siya. Kasabay ng kanyang pagkahulog ay ang pagsabog ng tuluyan ng eroplano na hindi niya inaasahan. Hindi pa niya nabubuksan ang parachute, nang may tumilapon na parte ng eroplano sa gawi niya.
Bumulusok siya sa pababa at tumama ang ulo niya sa tubig. She tried to swim upward kahit nananakit ang mga paa. Humihingal siya nang makaahon sa dagat. Inilibot niya ang paningin. Umaasang may makikitang malapit na Isla para makaligtas siya. Napakalakas ng ulan na may dalang kulog at kidlat. Sinabayan pa ng malalaking alon na handa siyang lunurin kahit anumang oras. Napakadilim ng paligid. Kahit ang buwan na tanging tanglaw sana niya sa kalangitan ay mukhang iniwan din siya.
"S-Someone... Please, s-save me..."
Hindi niya mabilang kung ilang oras na ba siyang palutang-lutang sa karagatan. Pilit niyang iniiwasan ang galit na galit na mga alon, na sa tuwing tumatama sa katawan niya ay para siyang hinahampas ng ilang libong beses. Hinang-hina na siya at uhaw na uhaw. Pilit siyang lumalaban para mabuhay subalit malupit ang kapalaran. Hanggang dito nalang talaga siya. Dito na magtatapos ang buhay niya.
"T-Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw niya sa kawalan.
Tumingala siya at puno ng luha ang mga mata na pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Kasabay ng iyak niya ang pagpatak ng ulan, kulog at kidlat. Nagbabakasakali parin siyang makaligtas kahit alam niyang imposible.
Sinubukan niyang lumangoy sa bandang kanan kung saan may nakikita siyang kaunting liwanag. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya na may sumisigaw sa kalayuan at parang tinatawag siya. Nang akma na niyang igagalaw ang mga paa ay bigla siyang nakaramdam ng matinding pananakit.
"Damn it! Pinupulikat ako!"
"Tulong! Tulungan niyo ako, please!"
Dahan-dahan nang lumulubog ang katawan niya sa ilalim ng karagatan. Ramdam na niya ang pangangapos ng hininga. Hindi na niya kaya. Hanggang dito nalang siya. Ipinikit niya ang mga mata at tuluyan na ngang nawalan ng malay.
"Binibini, gumising ka..." tawag sa kanya ng isang baritonong boses.
Tinapik-tapik nito ang mukha niya at marahan siyang niyugyog. Nakapikit parin ang kanyang mga mata at hinang-hina ang buong katawan.
"Nasaan ako? Patay na ba ako?" tanong niya sa sarili, "Ito na ba ang sinasabi nilang afterlife? Kapag ba dumilat ako, makikita ko na ang langit?"
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at napaubo ng tubig. Hindi niya maigalaw ang mga paa. Nananakit ang buong kalamnan niya.
"Binibini, gising ka na..." tawag sa kanya ng isang lalake na nasa harapan niya.
Nilingon niya ito ng nakakunot-noo. Nahihilo pa siya sa dami ng nainom niyang tubig-dagat at nanlalabo pa ang kanyang mga mata. Nang luminaw ang paningin, doon niya nakita ang buong mukha ng lalake.
The man infront of her is like a Greek God! Matangos ang ilong, mga matang nangungusap na para bang hihilain ka na pinaresan ng makakapal na mga kilay.
"Shit! Ang jawline niya, ang perfect!"
Napanganga siya sa sobrang gandang-lalake ng kaharap. May nakataling isang pulang tela sa noo nito na nagsisilbing bandana para hindi matakpan ng maitim at mahabang buhok ang mukha nito. May small round shape gold earrings din ang lalake na suot at tattoo sa leeg nito, dibdib, braso at tiyan. Bumaling ang kanyang mga mata sa abs nito na ang ganda sa paningin niya. Wow! Ulam!
"Ikaw ba si Kamatayan? Sinusundo mo na ba ako?" wala sa sariling tanong niya rito.
Hindi niya napigilan ang sarili na hawakan ito. Pinagapang niya ang mga kamay mula sa tiyan ng lalake patungo sa leeg nito na may tattoo.
Ramdam niya ang paninigas ng lalake. Halatang nagpipigil lang ito sa ginagawa niya.
"Kung ikaw si Kamatayan, wala akong perang pambayad sa'yo papuntang langit" hindi niya napigilang ngumiti rito saka tumitig sa mga mata nitong nag-aalab sa init.
For once in her life, she never felt like this before. Kahit sa mga naging nobyo niya, hindi niya ni minsang ginawa na mag-first move. Pero sa lalakeng ito, sa lalakeng ngayon lang niya nakita, nagawa kaagad nitong gisingin ang natutulog niyang pagkababae. Hinaplos niya ang mukha nito. Ang makakapal na mga kilay at ang mga mata nitong nakapikit. Sunod niyang hinaplos ang mapupulang labi ng lalake at ang jawline nito na kay perpekto.
"Kaya ito nalang ang ipambabayad ko," dagdag pa niya.
Iminulat ng lalake ang mga mata nito at nakakunot-noong tumitig sa kanya. Hinila niya ang leeg nito at walang sabi-sabing siniil ng halik sa mga labi.
Pumapatak ang malakas na ulan mula sa madilim na kalangitan. Ang hangin ay humahampas sa kakahoyan. Sarado na lahat ng bahay pero heto siya at nasa labas. Nagmamasid sa karagatan. Siya ang nagbabantay ngayon upang seguraduhin ang kaligtasan ng tribo. Inilibot niya ang paningin."Mukhang may bagyo nga..." bulong niya sa sarili at tumalikod na upang umalis.Subalit, hindi pa man siya nakakahakbang palayo nang may narinig siyang pagsabog mula sa kalangitan. Napatingala siya. Kasabay ng kulog at kidlat ay ang pagkahulog ng isang bagay na parang isang bulalakaw. Bumagsak ito sa dagat. Dali-dali niyang inobserbahan kung ano ang bagay na iyon. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Apo Milda sa kanya."Umiiyak ang kalangitan, galit na galit ang mga alon. Sa anyo ng isang bulalakaw, mangyayari ang nakatakda!" mariin nitong wika."Anong ibig niyong sabihin, Apo Milda?" nakakunot-noo niyang tanong at umayos ng upo
Isinandal niya ang ulo sa matitigas at bato-bato nitong dibdib. Ang mga kamay niya ay nakayapos sa batok nito. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg niya. "Bakit ako kinikilig sa lalakeng ito?!" Nahawakan na siya ng mga naging nobyo niya noon at hindi ito ang unang beses na may lalakeng kinarga siya. May mga kilig moments naman sila ng mga naging boyfriend niya pero hindi umabot sa puntong naghalikan na sila o higit pa. Ngunit, ang lalakeng ito na hindi naman niya kilala ay nagawa niyang halikan ng walang pag-aalinlangan. Hindi rin siya nakaramdam ng pagkailang dito. Para bang, matagal na silang magkakilala. O baka naman, epekto lang ito ng aksidenteng natamo niya. Baka ito na ang sign na dapat siyang lumandi? "Why not? Hindi naman ako lugi sa lalakeng ito and I'm sure, papatulan ako nito. Sa ganda kong ito, choosy pa ba siya?" Pinagmasdan niya ang lalake na seryos
"Nasa Isla ako?!" napasigaw siya at napahampas sa lamesa sa sobrang gulat, "Paano ako makakauwi nito? I'm sure, walang signal dito. I watched documentaries about ethnic groups, wala raw signal kapag nasa isa kang Isla" Natampal niya ang sarili. Nakalimutan niya yatang inaasahan na niyang sa isang Isla siya mapapadpad. Diba nga’t panay hanap niya ng Isla kanina habang palutang-lutang sa dagat? "Kapag humupa na ang bagyo, pwede kang maihatid ni Mang Isko sa kabilang Isla, sa Sabtang. May signal sila roon" sagot nito saka sumandok muli ng kanin. "Hindi mo ako sasamahan?" tumingin siya rito ng seryoso. "Sasamahan kita... Huwag kang mag-alala" nilagyan siya ng binata ng binalatan nitong hipon. "Segurado ka d'yan ha?" aniya na sumubo na ng ulam. "Oo, segurado..." "Seguradong-segurado?" Natawa naman si Dakila sa
"Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Bunti– ayy!"Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang biglang kumulog ng malakas. Kasabay nun ay ang pagkawala ng kuryente."Dito ka na muna, Amara. Sisindihan ko lang ang mga lampara para may ilaw tayo"Tumango lang siya rito at malungkot na napasandal sa higaan niya."Ang malas naman! Wrong timing eh!"Napabuntong-hininga nalang siya sa kama. Baka nga, hindi pa oras para sabihin ko kay Dakila ang sitwasyon ko. Ang tanong, papayag din kaya ito sa alok ko?Sa konting oras na nakasama niya ang binata ay nakita niya kung gaano ito kainosente at kabuting tao. Parang lumalabas na ako ang bad influence sa kanya kapag ako ang nag-initiate ng alam mo na...“Sana nandito si Cora... Miss ko na sil
Isinarado na ni Dakila ang pintuan at nagsimulang baybayin ang tirahan ng kaibigan niyang si Makisig. Ito ang papupuntahin niya sa nayon upang sunduin ang Inang niya. Kailangan niya kasing balikan si Amara kaagad upang malinisan ang mga sugat nito sa paa. Alam niyang naguguluhan ang dalaga sa naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina.Naalala niya bigla ang pinagsaluhan nilang halik sa tabing-dagat nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Mukhang nakalimot siya sa panata."Hindi dapat nangyari iyon! Isang malaking pagkakamali ang lahat!"Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng bahay ni Makisig."Oh, Dakila! Imu sawen (ikaw pala) Anong atin?" mukhang nagulat yata ito sa pagdating niya, “Sumdep ka, maywayaw ka... (tuloy ka, maupo ka)Ara u maisidung ku jimu? (may maipaglilingkod ba ako sa'yo?)"Hindi
"Dininig na ni Bathala ang mga panalangin natin, Mahal ko" maluha-luha namang wika ng ginang. "Masaya ako para sa anak natin, Mahal" niyakap ng Datu ang asawa saka hinagkan sa noo nito, "Gusto mo bang samahan kita sa pagbisita?" "Naku, huwag na Mahal. Magpahinga ka nalang. Alam kong pagod ka. Ako na muna ang bibisita. Dadalhin din naman ng anak natin dito ang nobya niya. Isa pa, baka magulat pa natin ang nobya niya. Hintayin nalang natin ang pagbisita nila rito sa bahay" sagot nito, " Maiwan ka na muna namin, Iho. Aasikasuhin ko na muna ang Datu" "Sige lang po" tumango siya rito ng nakangiti. Hinila na ng ginang ang Datu sa kwarto nila upang makapagpahinga. Habang naiwan naman si Makisig sa sala na naghihintay lang. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na ang ginang na may dalang isang malaking tampipi. "Ako na po ang magdadala nito, Dayang Diwa" kinuha niya kaagad ang bitbit nito at ini
Mabigat ang pakiramdam ni Amara nang magising. It’s almost 10 am in the morning. Medyo masakit din ang puson niya. Kinapa niya ang ilalim ng panty upang malaman kung may menstruation na ba siya. “Wala naman pala. Baka PMS lang...” Sinubukan niyang igalaw ang kanang paa ngunit may kirot pa rin siyang nararamdaman. Medyo namamaga pa rin ito. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Dakila. Mukhang katatapos lang nitong maligo. May bitbit itong isang malaking kahon na hindi niya alam kung ano ang tawag. “Ano iyang hawak mo Dakila?” tinuro niya ang hawak nito. “Ah ito ba?” itinaas nito ang hawak na kahon, “Isa itong tampipi, may mga laman itong dam
Seryoso itong lumapit sa kanya at nakahalukipkip ang mga braso na nagsalita.“Ipagpaumanhin mo binibini, ngunit maaari ko bang malaman kung sino ka?”seryoso nitong tanong na nagpakaba sa kanya.Sa tono kasi ng pananalita nito ay para bang ayaw nito sa kanya. Para bang hindi nito gusto na nandito siya.Lumunok muna siya bago sumagot,“A-Ako si A-Ama–”Naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Dakila galing sa kusina.“Oh Alab, narito ka pala...” wika ni Dakila saka inilapag ang dala-dalang maliit na planggana sa mesang nasa harapan niya.“Dala ko ito” bumaling ang atensyon nito kay Dakila saka itinaas ang bagahe na hawak nito, “Nakuha namin ito mula sa dagat. Mukhang inanod ng alon”Nilapitan ni Dakila ang binata at saka kinuha ang dala nito.“Ito lang ba ang nak