Share

CHAPTER 14

Pumapatak ang malakas na ulan mula sa madilim na kalangitan. Ang hangin ay humahampas sa kakahoyan. Sarado na lahat ng bahay pero heto siya at nasa labas. Nagmamasid sa karagatan. Siya ang nagbabantay ngayon upang seguraduhin ang kaligtasan ng tribo. Inilibot niya ang paningin.

"Mukhang may bagyo nga..." bulong niya sa sarili at tumalikod na upang umalis.

Subalit, hindi pa man siya nakakahakbang palayo nang may narinig siyang pagsabog mula sa kalangitan. Napatingala siya. Kasabay ng kulog at kidlat ay ang pagkahulog ng isang bagay na parang isang bulalakaw. Bumagsak ito sa dagat. Dali-dali niyang inobserbahan kung ano ang bagay na iyon. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Apo Milda sa kanya.

"Umiiyak ang kalangitan, galit na galit ang mga alon. Sa anyo ng isang bulalakaw, mangyayari ang nakatakda!" mariin nitong wika.

"Anong ibig niyong sabihin, Apo Milda?" nakakunot-noo niyang tanong at umayos ng upo sa silyang gawa sa kawayan.

"Makikilala mo ang babaeng itinakdang maging iyong asawa, Dakila. Sa kalagitnaan ng pag-aagaw buhay ay mapagkakamalan ka niyang si Sidapa. Iyan ang mga palatandaan na nakikita ko sa iyong hinaharap" sagot nito na nakangiti.

"Apo Milda, hindi naman iyan ang ipinunta ko rito" pag-iiba niya sa usapan.

Tumayo ang matanda at tinalikuran siya. Pumunta ito sa kusina at may kinuhang dalawang baso na may lamang kape.

"Eh, ano bang sadya mo rito, Dakila?" ibinigay nito sa kanya ang hawak na baso.

"Nais kong malaman kung may darating bang bagyo sa mga susunod na araw" aniya at tinanggap ang ibinigay nitong baso na may lamang kape at inilapag sa mesa.

"Iyan nga ang sagot" sumimsim ito ng mainit na kape, "Sa susunod na tatlong araw, may darating na bagyo, kasabay noon ang pagdating ng babaeng mamahalin mo"

"Hinulaan niyo na rin si Makisig na Kora ang pangalan ng magiging asawa niya Apo Milda, pero hindi naman nangyari" sagot niya rito at napakamot pa sa ulo.

"Dakila, hindi pa ako nagkakamali kahit ni minsan. Ramdam ko na mangyayari ang nakatakda. Sa kaso naman ni Makisig, totoo ang sinabi ko na Kora ang pangalan ng magiging asawa niya" paliwanag pa nito.

Tumango nalang siya sa sinabi ng matanda at nagpaalam na. Wala rin namang saysay kung ipipilit niya ang opinyon niya.

Kinabukasan, nagsimula na ang pag-ulan. Walang signal sa Isla kung kaya umaasa lang sila sa mga pangitain ni Apo Milda. Matagal na itong Babaylan sa Isla nila at palaging nagkakatotoo ang mga hula nito. Subalit, sa naging hula nito sa kaibigang si Makisig, nakakapagtakang nagkamali ito sa unang pagkakataon. Kaya hindi niya rin maiwasang magduda. Nabalik siya sa reyalidad nang may marinig na mahinang sigaw sa kalayuan. Nanggagaling ito sa karagatan.

"May tao ba d'yan?!" sigaw niya at inilawan ang parte kung saan niya narinig ito.

Malalaki ang alon, ang lakas pa ng ulan. Nahihirapan siyang hanapin ang pinagmulan ng sigaw. Pinakinggan niya pa ulit ang paligid ngunit tanging tunog ng kulog lamang ang naririnig niya.

"Baka, wala lang iyon"

Tatalikod na sana siya nang may marinig muling malakas na pagsigaw sa bandang kanan. Kaya lang niyang languyin ito kung gugustuhin niya. Nang masegurado na may humihingi nga ng tulong ay hinubad niya kaagad ang salakot na suot at inihanda ang sarili para sa pagsulong sa karagatan. Inilagay niya ang dala-dalang flashlight sa bibig at mahigpit na kinagat ito upang hindi niya mabitawan. Binalot niya ito ng plastic cover kanina bago nagpatrolya upang hindi mabasa ng ulan. Ilang hampas pa ng alon ang kanyang iniwasan bago nakita ang isang bulto ng katawan na animo'y papalubog na. Hinila niya kaagad ang mga kamay nito at niyakap. Dali-dali siyang lumangoy pabalik sa Isla bago paman sila maabutan ng malalaking alon na seguradong tatapos sa kanilang dalawa. Inihiga niya ito sa dalampasigan at saka inilawan.

"Isang babae! Isang babae ang iniligtas ko..."

Gulat na gulat siyang nakatingin dito. Walang malay ang babae at hindi siya segurado kung buhay pa ba ito. Pumuwesto siya sa gilid at inihanda ang sarili na magsagawa ng CPR (Cardiopulmonary resuscitation). Yumuko siya para pakiramdaman kung humihinga pa ba ito o hindi na. Tinanggal niya ang basang suit nitong suot at binuksan ang tatlong butones ng suot nitong blouse para hindi maging sagabal sa paghinga nito. Then he performs 30 chest compressions and two rescue breaths.

"Binibini, gumising ka..." tinapik-tapik niya ang pisngi nito at marahang niyugyog.

Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at napaubo. Tumagilid ang ulo nito para isuka ang tubig-dagat na nainom.

"Binibini, gising ka na..." tawag niya rito at kinuha ang dala-dalang flashlight upang ilawan ito.

Humihingal itong napalingon sa kanya. Napatigil ang kanyang pagsasalita nang maaninag ang buong mukha ng babaeng kaharap. May mga luntian itong mga mata na nangungusap. Malalantik na mga pilik-mata, matangos na ilong at mamula-mula na mga pisngi. Napalunok siya ng madako ang paningin sa mapupula at medyo nakabuka nitong mga labi. Ang ganda ng babae!

Para bang isa itong anghel na bumaba sa lupa at natiyempohan lang na nailigtas niya. Bumaba ang mga mata nito sa may dibdib niya at saka tumitig doon.

"Ikaw ba si Kamatayan? Sinusundo mo na ba ako?" tanong nito habang pinapagapang ang kamay mula sa tiyan niya hanggang sa leeg niya na may pintados (tattoo).

Ramdam niya ang paninigas ng kanyang buong katawan. Pinipigilan niya ang init na nararamdaman dahil sa ginagawa ng babaeng kaharap.

"Kung ikaw si Kamatayan, wala akong perang pambayad sa'yo papuntang langit" ngumiti ito sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata na nag-aalab sa init.

Hinaplos nito ang mukha niya. Ang makakapal na mga kilay at ang mga mata niyang napapikit dahil sa sobrang lambot ng kamay nito. Sunod nitong hinaplos ang kanyang labi at ang umiigting niyang mga panga.

"Kaya ito nalang ang ipambabayad ko," wika nito sa kanya.

Iminulat niya ang mga mata at nakakunot-noong tumitig sa babae. Hinila nito ang leeg niya at walang sabi-sabing siniil ng halik sa mga labi. Na hindi niya inaasahan.

Wala pa siyang karanasan sa paghalik kaya ginaya niya lang ang palaging nakikita sa napapanuod niyang mga movies. Ramdam niya ang paninigas nito. Kahit patuloy ang pagbuhos ng ulan ay hindi niya iyon inalintana. Hindi niya ramdam ang ginaw na dulot ng malakas na hangin dahil sa mainit na dulot ng lalakeng nasa harapan niya ngayon. Malambot, mainit at nakakabaliw ang labi nito.

"So, this is what first kiss feels like..."

Ipinulupot niya ang mga kamay sa batok nito at hinila pa ito papunta sa kanya. Maya-maya pa ay gumalaw na ang labi ng lalake at lumaban na rin ng pakikipaghalikan.

"Hmmm..." ungol niya.

Ang mga kamay nito ay nasa buhangin upang hindi siya madaganan. Nagsisimula nang mag-init ang buong katawan niya.

"It feels so good!"

Nang akma niyang itataas ang paa para sana idantay sa likuran ng lalake ay napasigaw siya ng sobrang lakas dahil sakit.

"Anong nangyayari sa'yo binibini?" tanong nito saka kumalas sa pagkakahawak sa kanya.

"Ang paa ko, ang sakit!" sagot niya rito na lukot ang mukha.

Parang may nakabaon na isang matulis na bagay sa mga paa niya. Parang hinihiwa nito ng dahan-dahan ang mga kalamnan niya. Dali-dali namang inilawan ng lalake ang paa niya upang tingnan ito.

"May nakabaong matutulis na bubog sa kanang paa mo" wika nito at dahan-dahan siyang kinarga na para bang bago silang kasal.

Gusto niya sanang kiligin pero mas nananaig ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Dadalhin muna kita sa bahay upang magamot ang mga sugat mo" wika nito na naglakad na ng mabilis.

"A-Amara... Amara ang pangalan ko" tiningnan niya ito sa mga mata.

"Dakila, ako si Dakila..." huminto muna ito at matipid na ngumiti sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status