"Nasa Isla ako?!" napasigaw siya at napahampas sa lamesa sa sobrang gulat, "Paano ako makakauwi nito? I'm sure, walang signal dito. I watched documentaries about ethnic groups, wala raw signal kapag nasa isa kang Isla"
Natampal niya ang sarili. Nakalimutan niya yatang inaasahan na niyang sa isang Isla siya mapapadpad. Diba nga’t panay hanap niya ng Isla kanina habang palutang-lutang sa dagat?
"Kapag humupa na ang bagyo, pwede kang maihatid ni Mang Isko sa kabilang Isla, sa Sabtang. May signal sila roon" sagot nito saka sumandok muli ng kanin.
"Hindi mo ako sasamahan?" tumingin siya rito ng seryoso.
"Sasamahan kita... Huwag kang mag-alala" nilagyan siya ng binata ng binalatan nitong hipon.
"Segurado ka d'yan ha?" aniya na sumubo na ng ulam.
"Oo, segurado..."
"Seguradong-segurado?"
Natawa naman si Dakila sa kakulitan niya.
"Hmm... So, anong language niyo rito? Diba merong mga gano’n kapag sa Isla?" she asked curiously.
"Oo, Itbayat ang tawag sa salita namin..."
"Care to share?" she smiled at him.
Umuklo si Dakila at iniabot ang kanyang labi dahilan upang manigas siya sa kinauupuan. Hahalikan ba siya nito?
"Wait!" umatras siya at kaagad na tinakpan ang bibig, "Hindi pa ako nakakapag-toothbrush!"
Kumunot naman ang noo ni Dakila sa naging reaksyon niya. Habang siya naman ay biglang naalala ang halikan nila kanina ng binata. Ngayon pa talaga siya nakapag-isip about toothbrush! Eh, naglaplapan na sila kanina.
"Mamaya ka na mag-toothbrush pagkatapos nating kumain..."
Nanlaki naman ang kanyang mga mata. So, tuloy na talaga ito? Sure na ba? Dito talaga sa hapag-kainan?
"S-Sige... Ikaw ang bahala" inilapit niya ang mukha kay Dakila at inalis ang kamay sa bibig.
Dahan-dahan niyang ininguso ang labi at pumikit. Ilang segundo pa ang nagdaan na wala manlang halik na dumating. Wait, ano bang ginagawa ni Dakila?
Idinilat niya ang isang mata at tiningnan ang binata na nakatitig lang sa kanya. Magkasalubong pa ang dalawang kilay nito.
"Amara? Bakit ka nakanguso?" tanong nito saka kinuha ang isang butil ng kanin na nasa gilid pala ng kanyang labi.
Hindi naman kaagad nakaimik si Amara. Shit! Kung pwede lang sanang bigla nalang maglaho!
"May kanin ka sa labi mo. Ito oh" ipinakita ng binata ang hawak nito sa kanya.
"Ah! Haha! Oo, sabi ko nga! A-Ano kasi... M-Makati ang labi ko. Tama! Medyo makati. Ganito ako kapag makati ang labi ko..." nauutal niyang paliwanag.
"Bakit? Allergy ka ba sa hipon? Hala, sana sinabi mo..." kinuha nito ang mga hipon na inilagay sa kanyang plato kanina, "Magluluto nalang ako ng bagong ulam. Pasensya ka na Amara"
Nakonsensya naman siya sa nagawa. Bakit ba naman kasi ang landi kong mag-isip!
"Naku, huwag na Dakila. Ayos lang naman ako. Sa ibang bagay ako allergy hindi sa hipon..."
"Ah ganun ba?" bumalik ito ng upo sa silya, "Akala ko kung ano ng mangyayari..."
"Mag-kwento ka nalang about sa tribo ninyo..." pag-iiba niya ng usapan na tinanguan nito, “Hay naku! Amara. Maghunos-dili ka!”
Masaya lang silang nag-usap ni Dakila tungkol sa tribo nito. Ipinaliwanag naman ng binata ang kanilang mga tradisyon at ang tungkol sa kanilang lenggwaheng Itbayat. Marami pa siyang itinanong rito na malugod namang sinasagot nito. Katatapos lang niyang kumain nang tumayo si Dakila. Busog na busog siya. Ang sarap ba naman magluto ng binata. Total package na talaga!
"Gusto mo ng magpahinga?" tanong nito saka inabutan siya ng tubig.
"Kung pwede?" nahihiya niyang sagot rito, "Salamat nga pala sa pagligtas sa akin, Dakila. Kung wala ka roon, patay na sana ako ngayon"
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanya ang nangyaring aksidente. Wala naman siyang naging kaaway sa business industry. Wala rin siyang maalalang taong inapakan niya para ipapatay siya.
"Kahit sino ay gagawin ang ginawa ko" sagot nito at nagsimula ng magligpit.
"Salamat parin" wika niya na nakatingin lang kay Dakila na pumunta na sa lababo upang hugasan ang mga plato.
"Okay lang bang malaman kung anong nangyari sa'yo?" tanong nito habang nakatalikod at kasalukuyang nagbabanlaw ng mga pinagkainan nila para hugasan.
"Sumabog ang sinasakyan kong private plane papuntang Denmark" sagot niya na nangalumbaba.
Napatigil naman ang binata sa pagbabanlaw at napalitan ng pagiging seryoso ang mukha. Maya-maya pa ay muli itong nagsalita.
"Nangyayari talaga minsan ang aksidente. Ang importante, buhay ka" lumingon ito sa kanya at matipid na ngumiti.
"Hindi rin... Bago nangyari ang pagsabog... M-May nagtangkang p-pumatay sa'kin" sagot niya at malungkot na napabuntong-hininga.
Hanggang ngayon, natatakot parin siya. Hindi niya akalain na mangyayari iyon sa kanya. Ramdam niya ang kabog ng dibdib.
"Wala naman akong maalala na may nakaaway ako o may inapakan akong tao. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin" dagdag pa niya na nagsisimula nang mangilid ang luha, "Pwede bang dito na muna ako, Dakila? Pansamantala lang naman. Aalis din ako kapag maayos na ang sitwasyon. I just need to call my friends then uuwi na ako"
Tumango naman ang binata sa sinabi niya na katatapos lang maghugas ng mga plato.
"Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na ngayon" tumabi ito sa kanya saka tinapik ang balikat niya, "Pwede ka ring manatili rito hangga't gusto mo"
"Salamat, Dakila" seryoso niyang wika.
"Kanina ka pa nagpapasalamat, Amara" natatawang sagot nito.
"Eh, anong gusto mo? Yakapsul?" tanong niya sa nang-aasar na tono, "O di kaya ay kispirin?"
"A-Ano? Ya-yakapsul?, Kis-Kispirin?" nakakunot-noo nitong tanong.
"Oo, Sabi mo kasi kanina pa ako nagpapasalamat. So, naisip ko na baka iba ang gusto mong gawin ko" paliwanag niya saka kumindat rito.
"Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko" katwiran pa ng binata.
"Alam ko, inaasar lang kita" kinurot niya ang matangos nitong ilong na ikinatawa ng binata.
"Magpahinga na tayo, gabi na" hinuli nito ang kamay niya at kinarga na siya papunta sa isang silid.
"Shit! Anong gagawin namin? Ito na ba iyon? Isusuko ko na ba ang bataan?!
Napahagikhik siya sa naisip. Kung ngayon na nga mangyayari ang inaasahan niya, okay lang. May nararamdaman na siyang attraction sa binata at nasa wastong gulang na siya para gawin ang bagay na iyon. Isa pa, kailangan niyang magbuntis at magkaanak. Kung anuman ang maging resulta ng gagawin nila, mapapanindigan niya ito.
"Dito ako sa itaas. Ikaw, dito sa baba. Kung hindi ka komportable, pwede naman na doon na ako sa sala" inilapag siya nito sa kawayang higaan.
"Wait, does it mean na hindi kami magkatabing matutulog?!"
Tiningnan niya ang kama na gawa sa kawayan. Double deck ang style nito. Na may nakalagay na manipis na kutson. Tamang-tama lang upang hindi sumakit ang likod niya sa paghiga. May hagdanan din ito sa gilid na nagsisilbing daanan.
"H-Hindi! Dito ka lang..." kaagad na sagot niya.
"Paano kita lalandiin kung hindi mo ako tatabihan?!"
"Segurado kang okay lang?" tanong nito na inaayos na ang mga unan niya at tumalikod papuntang kabinet upang kunin ang bedsheet na gagamitin niyang kumot.
"Oo, okay na okay lang talaga!" tinanggap niya ang iniabot nitong bedsheet.
"Okay lang din na buntisin mo ako kaagad!"
"Sige, tawagin mo lang ako kapag may problema, nasa taas lang ako. Matulog ka na rin" wika nito na ginulo pa ang buhok niya.
Pumunta na ito sa gilid ng kama na may hagdanan at aakyat na sana nang tawagin niya.
"Dakila, wait lang!" hinawakan niya ito sa kamay at makailang beses na napalunok ng sariling laway.
Ito na, ito na talaga. Kakapalan na niya ang mukha. Alang-alang sa kapakanan ng magiging anak niya! Ng future niya! Bahala na! Alam niyang mabibigla ang binata sa kanyang sasabihin pero kailangan niyang subukan. Isa pa, wala na siyang oras. It's either now or never!
"Ano iyon, Amara? May kailangan ka ba?" humarap ito sa kanya at seryosong nakikinig sa susunod niyang sasabihin.
"Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Buntisin?"
"Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Bunti– ayy!"Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang biglang kumulog ng malakas. Kasabay nun ay ang pagkawala ng kuryente."Dito ka na muna, Amara. Sisindihan ko lang ang mga lampara para may ilaw tayo"Tumango lang siya rito at malungkot na napasandal sa higaan niya."Ang malas naman! Wrong timing eh!"Napabuntong-hininga nalang siya sa kama. Baka nga, hindi pa oras para sabihin ko kay Dakila ang sitwasyon ko. Ang tanong, papayag din kaya ito sa alok ko?Sa konting oras na nakasama niya ang binata ay nakita niya kung gaano ito kainosente at kabuting tao. Parang lumalabas na ako ang bad influence sa kanya kapag ako ang nag-initiate ng alam mo na...“Sana nandito si Cora... Miss ko na sil
Isinarado na ni Dakila ang pintuan at nagsimulang baybayin ang tirahan ng kaibigan niyang si Makisig. Ito ang papupuntahin niya sa nayon upang sunduin ang Inang niya. Kailangan niya kasing balikan si Amara kaagad upang malinisan ang mga sugat nito sa paa. Alam niyang naguguluhan ang dalaga sa naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina.Naalala niya bigla ang pinagsaluhan nilang halik sa tabing-dagat nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Mukhang nakalimot siya sa panata."Hindi dapat nangyari iyon! Isang malaking pagkakamali ang lahat!"Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng bahay ni Makisig."Oh, Dakila! Imu sawen (ikaw pala) Anong atin?" mukhang nagulat yata ito sa pagdating niya, “Sumdep ka, maywayaw ka... (tuloy ka, maupo ka)Ara u maisidung ku jimu? (may maipaglilingkod ba ako sa'yo?)"Hindi
"Dininig na ni Bathala ang mga panalangin natin, Mahal ko" maluha-luha namang wika ng ginang. "Masaya ako para sa anak natin, Mahal" niyakap ng Datu ang asawa saka hinagkan sa noo nito, "Gusto mo bang samahan kita sa pagbisita?" "Naku, huwag na Mahal. Magpahinga ka nalang. Alam kong pagod ka. Ako na muna ang bibisita. Dadalhin din naman ng anak natin dito ang nobya niya. Isa pa, baka magulat pa natin ang nobya niya. Hintayin nalang natin ang pagbisita nila rito sa bahay" sagot nito, " Maiwan ka na muna namin, Iho. Aasikasuhin ko na muna ang Datu" "Sige lang po" tumango siya rito ng nakangiti. Hinila na ng ginang ang Datu sa kwarto nila upang makapagpahinga. Habang naiwan naman si Makisig sa sala na naghihintay lang. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na ang ginang na may dalang isang malaking tampipi. "Ako na po ang magdadala nito, Dayang Diwa" kinuha niya kaagad ang bitbit nito at ini
Mabigat ang pakiramdam ni Amara nang magising. It’s almost 10 am in the morning. Medyo masakit din ang puson niya. Kinapa niya ang ilalim ng panty upang malaman kung may menstruation na ba siya. “Wala naman pala. Baka PMS lang...” Sinubukan niyang igalaw ang kanang paa ngunit may kirot pa rin siyang nararamdaman. Medyo namamaga pa rin ito. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Dakila. Mukhang katatapos lang nitong maligo. May bitbit itong isang malaking kahon na hindi niya alam kung ano ang tawag. “Ano iyang hawak mo Dakila?” tinuro niya ang hawak nito. “Ah ito ba?” itinaas nito ang hawak na kahon, “Isa itong tampipi, may mga laman itong dam
Seryoso itong lumapit sa kanya at nakahalukipkip ang mga braso na nagsalita.“Ipagpaumanhin mo binibini, ngunit maaari ko bang malaman kung sino ka?”seryoso nitong tanong na nagpakaba sa kanya.Sa tono kasi ng pananalita nito ay para bang ayaw nito sa kanya. Para bang hindi nito gusto na nandito siya.Lumunok muna siya bago sumagot,“A-Ako si A-Ama–”Naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Dakila galing sa kusina.“Oh Alab, narito ka pala...” wika ni Dakila saka inilapag ang dala-dalang maliit na planggana sa mesang nasa harapan niya.“Dala ko ito” bumaling ang atensyon nito kay Dakila saka itinaas ang bagahe na hawak nito, “Nakuha namin ito mula sa dagat. Mukhang inanod ng alon”Nilapitan ni Dakila ang binata at saka kinuha ang dala nito.“Ito lang ba ang nak
Kasalukuyang nasa kusina si Dakila at naghahanda ng Eskabetcheng Tuyo na ni-request ni Amara. Napangiti nalang ito nang maalala ang simpleng banat ng dalaga kanina sa kanya. Narinig niya ang sinabi nito. Malinaw. Malinaw na malinaw. Gusto niya lang asarin talaga ang dalaga na nangyari nga naman. Ang cute nitong maasar. Gustong-gusto niyang tinititigan ang dalaga. Ang ganda kasi ng luntian nitong mga mata. Dagdagan pa sa malalantik nitong mga pilik-mata. Hindi niya maintindihan ngunit naaaliw siya sa presensya ng dalaga. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito. Para bang nagkakulay bigla ang mundo niya nang dumating si Amara. Kung dati, tahimik lang ang bahay niya, ngayon ay hindi na. Ngayon lang din siya ulit ginanahang magluto.Dati kasi, kung anong makuha lang niya sa refrigerator ay iyon nalang din ang kakainin niya. Subalit ngayon ay nag-iba na. Pinag-iisipan na niya ang mga inihahanda. Ang nakakatawa pa roo
Naitikom ko kaagadang aking bibig. Gosh! Nakakahiya! Tumalikod na ito at naghanda ng aming pananghalian. Bakit ba kasi ang gwapo mo?! Pinagmasdan ko lang ito habang abala sa ginagawa. Ang mga muscle nito sa likod ay parang nagfi-flex habang naghihiwa ng mga sangkap para sa sawsawan nito. Ang hot tuloy nitong tingnan. Grabe! Likod palang nito, ulam na! Walang binatbat ang mga dating nobyo ko pagdating kay Dakila. Height palang, panlaban na! Cooking Skills, pamatay na! At ang smile nito. Makalaglag panty! “Ito na ang Eskabetcheng Tuyo!” inilapag nito ang isang malaking plato na may lamang ulam.Naamoy ko kaagad ang mabangong aroma ng pagkain. Nakakatulo-laway ito at ang sarap tingnan. Lalo na ang nagluto! “Wow! Mukhang masarap ah?” komento ko saka kumuha
Nang matapos sa pananghalian ay napagdesisyonan nila Amara at Dakila na mamayang meryenda nalang nila kakainin ang natirang dessert na nasa refrigerator. Busog na busog si Amara. Napasarap ang kain niya kanina habang kakwentohan si Dakila.Naikwento niya rin kasi rito ang mga kagagahan nila ng mga kaibigan niya sa tuwing nalalasing sila sa club. Hindi nga niya alam kung bakit komportable siyang magkwento rito ng kahit na ano na kung tutuusin ay hindi dapat. Baka, na-turn off na ang binata sa kanya! Kasalukuyan silang nakatambay ngayon dito sa isang kubo sa labas na kalapit lang ng bahay ni Dakila. Gumagawa ang binata ng gagamitin niyang saklay. Nagsisi nga siya kung bakit pa siya nag-inarte kanina. Tapos na tuloy ang maliligayang araw niya. Katitila lang ng ulan kaya heto at nasa labas sila."Ikaw ba ang may gawa nito, Dakila?" tanong niya saka itinuro ang kubo.Nilingon siya ng binata na huminto