Share

CHAPTER 15

Isinandal niya ang ulo sa matitigas at bato-bato nitong dibdib. Ang mga kamay niya ay nakayapos sa batok nito. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg niya.

"Bakit ako kinikilig sa lalakeng ito?!"

Nahawakan na siya ng mga naging nobyo niya noon at hindi ito ang unang beses na may lalakeng kinarga siya. May mga kilig moments naman sila ng mga naging boyfriend niya pero hindi umabot sa puntong naghalikan na sila o higit pa. Ngunit, ang lalakeng ito na hindi naman niya kilala ay nagawa niyang halikan ng walang pag-aalinlangan. Hindi rin siya nakaramdam ng pagkailang dito. Para bang, matagal na silang magkakilala. O baka naman, epekto lang ito ng aksidenteng natamo niya. Baka ito na ang sign na dapat siyang lumandi?

"Why not? Hindi naman ako lugi sa lalakeng ito and I'm sure, papatulan ako nito. Sa ganda kong ito, choosy pa ba siya?"

Pinagmasdan niya ang lalake na seryoso lang na nakatingin sa daan. May hitsura talaga ito at mas lalong guma-gwapo sa paningin niya habang tumatagal.

"Hinalikan mo rin naman ako pabalik kanina... Kaya, akin ka na"

Nagulat siya sa naisip. Kailan pa siya naging possessive ng ganito? At dito pa talaga sa hindi manlang niya kilala. Lumalandi na talaga siya! Kapag nalaman ito ng kaibigan niyang si Faye, baka magtatalon iyon sa tuwa at magpa-party pa. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Malayo pa ba tayo, Dakila?" tanong niya rito na nahihiya.

"Malapit na..." sagot nito at mas binilisan pa ang paglalakad, "Masakit na ba masyado?"

"Kaya ko pa naman..." nakangiti niyang sabi, "Nagugutom lang talaga ako, parang nanghihina ang buong katawan ko"

"Huwag kang mag-alala, gagamutin ko kaagad ang mga sugat mo" ngumiti ito sa kanya ng matipid, "May ulam din sa bahay. May naitabi pa ako doon. Kakain ka kaagad pagdating natin"

Tumango siya ng nakangiti kay Dakila. Ang lambing nito. Akalain mo nga ba naman kahit napagkamalan niya itong si Kamatayan dahil ang angas ng dating nito pero may mabuti naman palang puso. Maya-maya pa ay huminto na ito sa isang bahay.

"Is this a house? But... It made of stone?"

She was amazed by what she's seeing right now. Hindi niya akalain na mayroon palang bahay na gawa sa bato.

"Narito na tayo..." itinulak nito ang pinto saka inilapag siya sa isang silya na gawa sa kawayan, "Gagamutin na muna kita bago tayo kumain"

Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na ang binata at pumunta sa kusina. Habang siya naman ay inilibot ang paningin sa loob ng bahay. Ang mga silya ay gawa sa kawayan. Simple lang ito pero magandang tingnan. May tali itong nakakabit sa bawat gilid upang mas maging matibay ang upuan. Habang may extra na kahoy na nakasuporta sa ilalim nito.

Maaliwalas tingnan ang loob ng bahay at halatang malinis at metikuloso ang may-ari. Tiningnan niya ang paa na may nakabaon na mga bubog. Kung hindi siya nagkakamali ay parte ito ng sumabog na private plane niya. Namamaga na ang sugat niya. May malaki din siyang sugat sa talampakan.

"Pasensya na at natagalan. Inihanda ko pa kasi itong mga halamang gamot para itapal sa sugat mo" wika nito saka inilapag ang mga dalang gamit sa kawayang lamesa na nasa gilid lang niya.

Umayos muna ito ng upo sa harapan niya at hinawakan ang kanyang kanang paa na may pag-iingat. Ipinatong ni Dakila ang paa niya sa lamesa. Hinugasan muna nito ng maligamgam na tubig na may lamang pinakuluang dahon ng bayabas ang paa niya saka inispeksyon.

"Kailangan nating makuha ang mga bubog sa paa mo kung hindi ay baka magdulot ito ng impeksyon. Kailangan din nating tahiin ang sugat mo sa talampakan" tumingin ito sa mga mata niya, "kaya mo bang tiisin ang sakit?"

Tumango lang siya kahit kinakabahan. Kumuha ng tweezers ang lalaki at dahan-dahang inalis ang mga nakabaon na mga bubog sa paa niya. Hinihipan pa nito ang sugat niya para maibsan ang nararamdaman niyang hapdi. Nang makuha lahat ng bubog ay muli na naman nitong hinugasan ng maligamgam na tubig ang paa niya saka nilagyan ng halamang gamot at tinakpan ng gasa. Habang ang kanyang sugat sa talampakan ay tinahi naman nito.

"A-Aray! Dahan-dahan lang naman, Dakila" reklamo niya na naiiyak na.

"Tiisin mo na muna. Saglit lang ito, pagkatapos nito, mawawala na ang sakit" sagot naman ni Dakila na seryoso lang sa ginagawa.

"Huwag mo kasing diinan" asik niya, "Tingnan mo, dumugo tuloy!"

"Hayaan mo lang, normal lang naman na dumugo iyan" paliwanag pa nito, "Malapit na akong matapos"

Magsasalita pa sana siya nang may marinig silang kumalabog sa labas.

"Mukhang may tao yata..." tumayo si Dakila at tiningnan ang labas.

Bumalik naman ito kaagad saka isinarado na ang pinto. Lumapit ito sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ay tumayo na ito at iniligpit ang mga gamit sa panggagamot.

Salamat..." wika niya kay Dakila na kagagaling lang sa kusina.

"Kumain na tayo?"aya nito sa kanya na tumango lang.

"S-Sige..." sagot niya na akma na sanang tatayo pero pinigilan siya kaagad ng binata.

"Hindi mo pa maaaring itapak ang kanang paa mo" wika nito saka kinarga siya papunta sa kusina.

"Hindi ko naman itatapak. Maglalakad akong isa lang ang gamit na paa" paliwanag niya at kumindat pa rito.

"Makuha ka sa kindat!"

Tumawa lang ang binata saka ibinaba siya. Naghanda na ito ng plato't kutsara na gagamitin nila at inilagay sa hapag-kainan. Ang lamesa ay gawa rin sa kawayan na kapareho lang ang disenyo sa silya.

Ang ulam nila ay ginataang alimango na may nakahalong hipon. Nilagyan pa talaga siya ng lalake ng kanin. Kumuha siya ng hipon at inilagay sa plato saka tinikman ito.

"Hmm.... Ang sarap nito! Ikaw ang nagluto?" tanong niya.

"Hindi ba halata?" kumuha ito ng alimango at ibinigay ang laman sa kanya, "Kumain ka rin nito. Masarap iyan. Ako ang nanghuli"

" Talaga?! So, you are a fisherman?" isinubo niya ang laman ng alimango at napatango-tango sa sinabi ni Dakila, "Masarap nga! Gusto ko ang pagkakaluto mo, may anghang. Mas lumalabas ang lasa ng seafoods"

"Isa rin akong magsasaka" sagot nito saka sumubo ng pagkain.

"Marami ka palang trabaho... " aniya at matamis na ngumiti.

"Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing trabaho ng aming tribo" wika nito na nilagyan siya ng hinimay nitong laman ng alimango.

"Tribo? What do you mean? Nasaan ba ako ngayon?" gulat na gulat niyang tanong na napahinto pa sa pagsubo ng kanin.

"Nandito ka sa Isla ng Vohas. Kalapit lang ito ng Batanes. Ang tribo namin ay tinatawag na Tribong Itbayat. Anak ako ni Datu Kidlat at Dayang Diwa" sagot ni Dakila na makikita mo sa mukha na ipinagmamalaki nito ang pinagmulan.

"Nasa Isla ako?!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status