Share

Chapter 1: Happy

CHAPTER 1

Happy

I was standing in our dream house, remembering the memories that we have, stories that we share together. But now, where are you Dwane? You said that you will never leave me right?

Naaalala ko pa rin ang mga memorya simula noong araw na magsimula ang lahat. Inalala ko sa araw-araw na dumating at nagdaan. I never complained, heaven knows that. Kahit pa sa mga alaalang iyon na kasama siya ay puro sakit at saya.

I never complained. But even if my memories of him was the only thing who stayed here with me and I didnt complain because I love him, doesn't mean that it will never hurt me.

Hinding-hindi niya kailanman malalaman ang sakit na mga pinagdaanan ko sa mga tanging alaala niya na natira sa akin. Kung papaano ko kinaya ang lahat ng iyon sa loob ng ilang taong pangungulila at pag-asang babalikan niya akong muli matapos ng lahat ng nangyari. Hinding-hindi niya malalaman kung gaano ako nagtiis sa katiting na alaala. Kung papaano ko iyon iningatan dahil iyon lang mayroon ako.

Again, I never complained to Him. I never complained to the heavens for sending him to my life. Hindi ko kailanman magagawang pagreklamahuhan ang isang pangyayari sa buhay ko na nagpabago sa normal na takbo nito.

Hindi ako magrereklamo na ibinigay siya sa'kin dahil kung wala siya I will never taste a bitter sweet life like this. Dahil sa kaniya, wala siguro akong makakasama ulit ngayon sa buhay.

"Ma'am!"

For 5 years have passed, my feelings for you never changed. I'm still hoping that someday we will meet again, but in some beautiful place I think.

"Ma'am!"

Agad akong napabangon dahil sa ingay nang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat. Pero parang sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari.

"Ma'am!" rinig kong tawag pa rin ni Manang Rose sa labas.

"Bakit po, Manang? Pasok po!" sigaw ko habang inaayos ang sarili nang makabangon.

Nag-aayos na ako nang higaan nang pumaosk si Manang Rose, dala-dala ang isang tray ng almusal ko. Si Manang Rose ang naging pangalawang nanay ko at kasambahay na siya sa pamilya namin mula ng maliit palang ako hanggang sa manga-

"Mommy! Mommy!" agad akong napatingin sa pinto nang bigla itong magbukas at niluwa ang umiiyak na batang yumakap kaagad sa akin nang makalapit.

"Why are you crying, baby?" tanong ko nang niuwagan ang yakap at pinupunasan ko na rin ang mga luha nya.

Hindi ko maiwasang tumitig sa mukha ni Zid. Kahit puno ng luha ang pisngi't mga mata ay napaka-gwapo pa rin ng anak kong to. He has the same look with Dwane, my husband who died six years ago in an accident. Nakalulungkot na kung kailan ko pa dapat ipapaalam na buntis ako, saka pa siya kinuha sakin. I mourned for his death pero hindi ako nagpakababad doon dahil may anak pa kaming kailangan kong buhayin kahit wala na siya.

I named him next to his name, Zachary Ian Dwane Villamor. Kung nabubuhay lang siguro iyong asawa ko, matutuwa iyon na ipinangalan ko siya sa anak niya. He will be proud for his son for sure. Magiging masaya kaming pamilya panigurado kung naabutan niya lang ang anak niya bago pa siya tuluyang mawala sa amin.

"What happened to you?" tanong ko ulit nang di siya nagsalita bagkus ay mas umiyak pa lalo.

Hindi mapagkakailang mag-ama sila. Simula nang mawala si Dwane, itinuon ko nalang ang pansin at oras ko sa anak ko. Ginawa ko ang lahat para hindi niya maramdamang kulang siya. Na kulang kami kahit na ganuon nga. With the help and guide of my parents, I raised my son well.

"Mama Thina wants me to drink that syrup! Say no, Mommy! Say no!" sumbong ni Zid pagkatapos ay yumakap uli.

Napatawa kami ni Manang Rose kay Zid. Nasa kaniya na ang buong atensyon ko. Kalalaking tao kasi nitong anak ko, takot uminom ng gamot. Mapait daw pero pag nagkakasugat o nadadapa itong batang 'to, hindi manlang umiiyak. Like father, like son.

Mama Thina ang tawag nya sa Mommy ko. Bethina Ramirez and Ricardo Ramirez are my parents. They are the reason kung bakit ko nakilala ang asawa kong si Dwane. Thanks to their 'pagbabanta' at napa-oo nila ako sa kabaliwang arranged marriage na pinlano nila para sa amin.

Yes. We started as mortal enemies of each other. We never wanted being arranged at the first place. Sino nga ba naman ang gugustuhin na makasal sa murang edad? Ni hindi pa nga nakakapagtapos ng mga panahong iyon a wala pang napapatunayan sa pamilya ko. But they still want me to marry a men I just met.

Pero ano nga ba ang hindi ko pa ikagugulat bilang lumaki ako sa isa sa pinakamayayamang pamilya rito sa bansa? My family runs a big company and sub companies under it nationwide. May ideya na ako noon pa man na mayroon talagang mga fixed marriage na nagaganap sa mga malalaking pamilya sa indutstriya ng negosyo para mapanatili ang yaman. Money can change anything. Even my own parents.

At dahil bunso at nag-iisang babae sa pamilya, I dont have a choice but to agree with their decisions. Kahit pa wala na akong kasiguraduhan sa mga mangyayari pagkatapos.

But, hey. Sino nga ba naman ako para pangunahan ang takbo ng buhay ko at mararamdaman nang makilala ko na magiging asawa ko?

Who will never fall in love with Zachary Dwane Calehb Villamor? The most unperfect man with a perfect principles in life. I knew that I fell inlove with my husband the first time I saw him.

Nagulat ako nang dumampi ang maliit na kamay ng anak ko sa pisngi ko. Naramdaman ko ang medyo pamamasa ng parteng iyon. Shit! Did I cry again while thinking about him?

"Mommy? Why are you crying? Is it because of me? Don't worry I will drink that syrup na!" pagyayakap muli ng anak ko.

I smiled. His father's blood really runs in him. Magkatulad na magkatulad talaga sila ni Dwane.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko. It's damn six years and I still can't move on. I still want him by my side, cuddle him and kiss him. Heaven knows how I missed to do all that things for him.

"Napuwing lang si Mommy, baby. And about that medicine..." kiniliti ko naman siya sa tagiliran at nagtatatawa ang anak ko. "That syrup is for you, baby. Kagagaling mo lang sa lagnat kaya dapat uminom ka, okay? You want Mommy feel sad and worried about you?"

Napangiti ako nang yakapin ako ni Zid habang tumatawa dahil sa pangingiliti ko. His laughs make me strong. Strong to face this present and forget those bitter sweet pasts.

"I'm sorry, Mom. I don't want that po to happen. Iinom na po ako!"

Ginulo ko naman ang buhok nya na ikinangiti nya. Kinuha na siya ni Manang Rose para siguroy dalhin na kay Mommy sa ibaba. My son is a responsible kid. Hindi sumasakit ang ulo ko sa kaniya kapag may mga ipinapaintindi ako. He's just a 5 year old boy pero alam na niya ang mga dapat niyang sundin at gawin.

Nang makaalis na sila, inayos ko na ang sarili ko. Pupunta ako sa Sweet Desire ngayong araw, ang panibagong kinaaabalahan ko bukod sa pag-aalaga kay Zid. Actually, noong nakaraang taon lang 'yun nagbukas at hindi na ako nakakabisita sa shop namin ng bestfriend ko nitong mga nagdaan na araw dahil sa pagkakasakit ni Zid.

For a 26 year old woman and a single mother, ayokong umasa sa yaman ng pamilya ko. My parents owned many companies inside and outside of the Philippines. Kami lang dalawa ng kuya ko ang anak kaya automatic na si kuya ang mag-ha-handle nu'n.

At ako? Ayoko. Gusto ko lang ng simple. Ayokong mamulat ang anak ko na may yaman at magagara na agad ang nakikita niya. Kaya simula nang mawala si Dwane, naisip ko na humiwalay sa mga magulang ko at magtayo na rin ng sariling negosyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status