Share

Kabanata 103

FRED POV

Kung kanina ay abot-abot ang kaba na naramdaman ko nang mawalan ng malay si Gwin, ngayon ay hindi na maalis ang ngiti ko. Nag-uumapaw ang saya na nararamdaman ko.

Kaya kahit nagmumukha na akong nasisiraan ng bait sa kakangiti, wala akong pakialam.

Sino ba namang lalaki ang hindi matutuwa, magiging Daddy na naman ako. Magiging kuya na si Widmark.

Mabuti na lang, kahit dumaan kami sa maraming pagsubok at paghihirap dahil kay Mitch, naayos din namin kaagad.

Kung nagkataon na hindi naayos ang problemang gawa ni Mitch sa buhay namin, siguro ay hindi ko na naman makikita sina Gwin at ang aming bunso. O, kung magkita man kami, baka umabot na naman ng ilang taon.

“Oh, Fred, please stop smiling. Hindi pa ba namanhid o nangalay ang panga mo? Kanina ka pa nakangiti. Hindi ka nakakatuwang tingnan.” Irita at nanlilisik ang mga mata ni Mommy, habang sinisita ako.

Nakahalukipkip pa siya, at walang ka kurap-kurap na nakatingin sa akin. Pero imbes na sumagot. Ngiti pa rin ang tugon ko.
sweetjelly

Huhu...hindi napansin ang oras. Maraming salamat sa mga bagong nag-foll0w at nag-subscribe. Thank you rin sa mga nagbigay ng gems...

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merlita Quidaben
salamat s update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status