Share

Kabanata 26

FRED POV

Nagngitngit ang kalooban ko habang nakatingin kay Tonyo. Hindi maalis ang tingin niya kay Gwin, habang palabas sila ng pinto ni Widmark. Kitang-kita ko ang kagustuhan niyang ihahatid sila kahit ayaw ni Gwin. Ang kapal ng mukha.

Gusto ko nang basagin ang pagmumukha niya. Walang hiya, tinuring ko siyang kaibigan. Binigay ko ang buong tiwala ko sa kanya.

Ipinagkatiwala ko si Gwin sa kanya. Tapos ganito ang malalaman ko. Lahat ng lakad ni Gwin na madalas ay puro utos ko ay siya ang kasama. Tarantado siya.

Sinong hindi magagalit? Nawalan ako ng matalik na kaibigan dahil sa kanya. Nalungkot ang mga magulang ko. Sinisi pa nila ang sarili sa pagkawala ni Gwin. Tapos itong si Tonyo pala ang dahilan kung bakit siya umalis at nagtago. Gago siya.

Kaagad kong dinaklot ang kwelyo ni Tonyo at umato ng suntok. Handa na akong makipagbasagan ng mukha sa kanya, maipaghiganti ko lang si Gwin.

Pero kung ano ang ginawa ko, 'yon din ang ginawa niya. Kung gaano ako ka galit, mas galit pa siya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Thank you, po...
goodnovel comment avatar
melba ritos
salamat s update author nice story ...
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Bukas mo uli. Daily update po 'to.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status