Rhian's Point of ViewKinabukasan, pagkagising ko'y wala na si Logan sa aking tabi. Nanghihina akong bumangon. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang maalala ko ang mga nangyari sa amin ni Logan kagabi. Madaling araw na kami natulog dahil halos hindi niya ako tinigilan.Nagpunta ako sa kwarto ni Zane upang tingnan kung gising na ito, ngunit wala ito sa kanyang kwarto.Dali-dali akong bumaba at hinanap si Rose. Nakita ko siya sa kusina kasama si Manang Dulce na abala sa pagluluto."Oh, Iha. Gising ka na pala." Usal ni Manang Dulce nang makita niya ako."Napasarap ba ang tulog mo ate, o pinuyat ka ni sir Logan?" Nanunudyong tanong ni Rose.Pinandilatan ko ito nang mga mata, ngunit humagikhik lamang ito. Napangiti na rin si Manang Dulce."Anong oras na ba? Asan pala ang aking anak at si Logan?" "Ah, ang iyong mag-ama ba, iha? Naku! Nasa dagat sila ngayon. Narinig kong sasakay sila sa yate."Nangunot naman ang aking noo. "Ho? Eh bakit hindi daw ho nila ako isinama?"Nakaramdam ako nang in
Rhian's Point of ViewIlang minuto na ang lumipas simula nang umalis sina Vera at Logan ngunit nanatili pa rin ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw. Kinapa ko ang aking dibdib dahil hindi ako makahinga. Parang pinipiga ang aking puso, halata kanina sa mukha ni Logan ang pag-aalala para kay Vera at sa magiging anak nito.Paano kung kay Logan nga ang batang iyon? Paano kung sila ang piliin nito kaysa sa amin ng aking anak? "Pumasok na po tayo sa loob, mommy." Boses iyon ni Zane na nagpabalik sa aking sarili mula sa malalim na pag-iisip.Pilit akong ngumiti sa aking anak. Ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Kailangan kong maging matatag para sa aking anak.Nasasaktan ako sa katotohanan na may pakialam pa rin si Logan para kay Vera. Ni hindi na nga nito nagawang magpaalam sa amin ni Zane bago siya umalis kanina.Nanghihina akong pumasok sa loob at dahan-dahan akong naupo sa sala."Kukuha lamang po ako ng tubig, mommy." Sinundan ko lamang nang tingin ang aking anak hab
Rhian's Point of ViewNapagpasiyahan ko nang umakyat sa kwarto ni Logan dahil hindi ko na kayang uminom pa. Ilang oras rin akong naghintay sa pagbalik niya ngunit hindi pa rin ito umuuwi. Mapait akong napangiti sa aking sarili. Hanggang kailan ko ba sasaktan ang aking sarili?Sinubukan kong maglakad nang tuwid ngunit nahihirapan akong ibalanse ang aking katawan. Ilang beses na akong muntik na matumba, mabuti na lamang at may nahahawakan ako.Paakyat na ako sa hagdan nang makita ko si Rose. Marahil ay nagising lamang ito. Nagtataka itong lumapit sa akin."Ate, ngayon pa lamang ba kayo matutulog? Saka, bakit amoy alak kayo, lasing ho ba kayo?" Lumapit ito sa akin at napangiwi pa ito noong inamoy-amoy niya ako. Ngumiti lamang ako sa naging reaksyon nito at nagpatuloy na ako sa paghakbang. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang dumulas ang aking paa sa hagdan dahil nawalan ako ng balanse. Mabuti na lamang at nahawakan agad ako ni Rose, kung hindi siguradong bumagsak na ako sa sahig."D
Third Person's Point of ViewGalit na galit si Vera nang umalis si Logan. Kahit anong pagmamakaawa niya dito na huwag siyang iwanan ay hindi pa rin niya ito napigilan.Bago umalis ang lalaki ay may kausap ito sa cellphone. Sigurado siyang si Rhian ang kausap nito. Nagngitngit na naman ang kanyang kalooban. Naisahan na naman siya ng babaeng iyon. Hindi siya makapapayag na maging masaya sila.Marahas niyang pinagtatapon ang mga gamit na mahawakan niya sa loob kwarto. Nasa ospital pa rin siya ngayon, kailangan pa ng ilang pagsusuri sa kanyang ipinagbubuntis.Maya-maya pa'y may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Vera. Agad niyang inayos ang kanyang sarili sa pag-aakalang bumalik si Logan para sa kanya."Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ni Vera sa bagong dating. Dismayado siya dahil hindi si Logan ang dumating kung 'di si Ryan Sandoval."Masama bang dalawin ko ang aking mag-ina?" Nakangising saad ni Ryan. May dala-dala siyang mga bulaklak para kay Vera."Hindi mo siya anak, Ryan. Si L
Third Person's Point of View"Pagsisisihan mo ito, Logan!" Galit na usal ni Vera. Ngayon ay nakaramdam siya nang matinding galit para sa lalaki. Napaismid lamang si Logan sa sinabing iyon ni Vera. Tahimik lamang niyang pinanuod si Mr. Mondragon habang dinadakip ito ng mga pulis.Nagpaiwan naman sa ospital si Logan, nais niyang kausapin ang dalaga tungkol sa bata. "Mommy, gumawa ka nang paraan para hindi makulong si daddy!" Umiiyak na usal ni Vera. Nawalan na siya ng anak at hindi niya makakaya pa kung makukulong ang kanyang daddy. "Logan, honey. Please! Huwag mong ipakulong ang daddy ko." "Iho, baka naman pwede natin itong pag-usapan, alang-alang sa aking anak. Nawala na ang anak ninyo ni Vera baka hindi niya makayanan pati ang makulong ang kanyang ama." Nakikiusap na usal ni Divina kay Logan. Nangunot naman ang noo ni Logan sa sinabi ng ginang. Tumingin siya kay Vera, halo-halo na ang emosyon nito."Ano ho ang ibig ninyong sabihin?""Mabuti pa ay kayo na lamang ang mag-usap ng a
Rhian's Point of View"Mommy, hindi pa ba uuwi si daddy?" Maya-maya pa'y tanong ni Zane sa akin.Sinamahan ko muna siya sa kanyang kwarto at kanina pa siya naghihitay sa pagbalik ni Logan. Nakasuot na ito ng damit na pantulog ngunit ayaw pa nitong matulog dahil hinihintay niya ang pagbalik ng kanyang daddy.Napangiti ako sa aking anak. Kahit antok na antok na ito ay pinilit pa rin na iminumulat ang kanyang mga mata. "Matulog ka na, anak. Siguradong pauwi na rin naman ang daddy mo." Nakangiting saad ko habang inaayos ko ang kanyang kumot. "Sabi ni daddy babalik siya agad, pero hanggang ngayon wala pa rin siya." Malungkot na usal ni Zane. Umayos na ito sa kanyang paghiga. Marahil ay hindi na nito makayanan ang antok."May mahalagang inaasikaso kasi ang daddy mo, anak. Intindihin mo na lamang siya."Marahan naman tumango sa akin si Zane."Okay po, mommy. Matutulog na po ako." Malumanay na saad ni Zane at saka unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata."Good night, sweety." Bulong k
Rhian's Point of ViewPagkatapos kumain ng mag-ama ay nagtungo ang mga ito sa salas. Samantalang ako ay naiwan sa kusina upang magligpit ng aming pinagkainan.Sinilip ko ang mag-ama, seryoso ang mga ito habang nanunuod. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Nang malapit na akong matapos ay nakita ko si Logan na papalapit sa akin.Niyakap niya ako mula sa aking likuran at marahan na inamoy-amoy niya ang aking batok. Hinawi niys ang aking buhok na tumatabon sa aking leeg at saka hinalik-halikan niya iyon."Mmm.. nakakaadik ang amoy mo, Sweetheart." Bulong ni Logan."L-Logan.. baka makita tayo ng anak mo." Saway ko sa kanya nang magsimulang maglikot ang mga kamay nito.Pinihit niya ako paharap sa kanya at saka kinulong sa kanyang mga bisig."Mhmm.. Ano kaya kong ipadala muna natin ang ating anak sa Mansyon. Siguradong matutuwa ang mga kumag kapag nandoon ang ating anak. Para naman masolo kita." Pilyong saad ni Logan.Kinurot ko n
Rhian's Point of ViewKasalukuyang pinagsasaluhan namin ni Logan ang isang maalab na halik. Pawang ayaw namin bumitaw sa isa't isa. Ang bawat halik ay naghahatid nang matinding pagnanasa sa aming katawan, ngunit ang maalab at mapusok naming mga halik na iyon ay sandaling naputol nang may marinig kaming malalakas na katok.Sandaling naghiwalay ang aming mga labi saka marahan kong itinulak si Logan. Tila wala itong balak na pagbuksan ang kumakatok."M-may kumakatok, Logan. Hindi mo ba papapasukin?" Ani ko sa lalaki. "Hayaan mo sila, Sweetheart." Nakangising usal ni Logan at saka muli niya akong hinalikan. Walang pakialam ang lalaki sa kung sinomang kumakatok doon.Muli ko na naman siyang naitulak dahil sunod-sunod na ang naging pagkatok. Baka may hindi inaasahang nangyari o may mahalagang sasabihin ang kumakatok kaya hindi ito tumitigil."Baka importante iyon, Logan. Labasin mo muna." Kumalas ako mula sa kanyang pagkakayakap. "At saka, nasa trabaho tayo. Pwede naman natin gawin ito pag