Share

Chapter 17

Sinundan ko na lang siya. Sana naman mura lang ang mapasukan naming kainan dito. Ayaw kong mapunta sa mamahaling kainan. Baka maubos agad ang pera ko. Pamasahe pa lang naman ang nagagastos ko e at sana ‘yun lang ang gagastosin ko hanggang mamaya.

“Nasaan tayo?” saad ko nang makapasok kami sa loob ng restaurant. Sa ayos at pamamalakal pa lang ng restaurant na ‘to. Alam ko na agad na mahal ang mga pagkain dito.

“Stupid, hindi mo ba binasa kanina ang pangalan ng restaurant na ‘to, bago ka pumasok?” Tumahimik na lang ako dahil baka masabihan na naman ako ng stupid. Hidni ko naman alam na required pala ‘yung basahin muna ang pangalan ng papasukan bago pumasok.

“Ilan po kayo, Sir?” saad ng isang babae kay Daylon.

“Ilan ang nakikita mong kasama ko?” seryosong sagot naman niya.

“Isa po.”

“So, ilan kami?”

“Dalawa po.” Agad na umalis ang babae dahil sa kahihiyan. Hindi naman kasi porket kung ilan ang nakikita mo na kasama ng isang tao ay ‘yun na ‘yun. Malay mo meron pa silang kasama, pero may p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status