Share

Chapter 21

"Nikolas Paulo!!! Oh my gosh!" Sigaw ng isang babae sa baba ang nagpagising sa amin ni Niko. Agad naman akong nag mulat ng mata at ganun din siya dahil napakaingay talaga.

"Good morning baby." Nakangiti niyang bati sa akin at saka pa ako nagawang halikan sa labi at noo.

"Who was that, Niko?" Nagtataka at nag-aalalang tanong ko at diko alam ang gagawin kong pagbalot ng katawan ko sa kumot dahil nakakahiya.

He just smiled and I was suddenly lost when he got up from bed naked! Pakiramdam ko tuloy nagkulay kamatis na naman ang mukha ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Narinig ko naman siyang tumawa ng marahan. “Still shy, baby?” Tudyo nito sa akin.

“H-ha? Hindi ah. Magbihis ka na nga, bilis!” Pag-aapura ko pa sa kanya at hindi pa din ako makatingin sa kanya kaya lalo naman siyang natawa. Parang balewala pa sa kanya ang lahat samantalang may tao sa baba!

“Fine.” Tumatawang sabi pa nito at mabilis na ngang nagbihis. Inabot naman niya sa akin ang white tshirt niyang sinuot ko kagabi at agad ko din iyong sinuot.

"Niko, sino yung nasa baba?" Naaburido kong ulit sa kanya.

"My sister. Don't mind her. I'll get our clothes downstairs." Muli niya akong nilapitan at dinampian ng halik sa labi. "Can't get enough of you." He whispered then he got up and went down.

Ate niya?! My gosh! Nakakahiya dahil nagkalat pa ang mga damit namin sa baba. Ano na lang sasabihin sa akin ng ate niya! First time ko na nga lang siyang mami-meet palpak pa!

Agad akong pumasok ng banyo nang makababa siya at agad na naligo. Buti na lang may heater dahil napakalamig dito.

Patapos na akong maligo nang kumatok siya. "Baby, open the door!" Sigaw niya mula sa labas ng banyo. Bakit naman kaya siya kumakatok eh alam naman niyang naliligo pa ako? Kinabahan tuloy ako at baka may problema.

"Bakit? May problema ba?” Pinatay ko muna ang shower para marinig ko ang sasabihin niya.

“Open the door, baby.” Ulit niya pa kaya napakunot-noo ako.

“Naliligo ako. Malapit na ako matapos! Bumaba ka muna at nakakahiya sa ate mo!” Sabi ko naman sa kanya.

"Umalis na siya. Magkikita kami sa labas mamaya. Open mo na please?"

"Mamaya na pagkatapos ko!" Napakakulit niya.

"Sige na baby please please please!" Parang batang nagsusumamo kaya hindi ko napigilang matawa. Para kasing bata! Na gets ko naman na kung bakit siya nangungulit!

"Niko ang kulit mo! Bakit ba? I’m still sore you know! I can’t even walk properly!" Nakakahiya talaga! Kahit hindi naman niya ako nakikita ngayon ay pinamulahan pa din ako ng mukha.

"Sasabay lang naman ako maliligo baby. Sige na please." Tila bata na naman siyang nakikiusap. Hay Niko!

Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya. Sa totoo lang kasi ay nahihiya pa din ako lalo na at maliwanag na! Pero binuksan ko na lang din dahil hindi naman niya ako tinigilan. Bahala na tutal nakita naman na niya lahat at.. hindi lang basta nakita. Ngayon pa ba ako mahihiya?

Dahan-dahan naman siyang pumasok nang buksan ko ang pintuan. Muli kong inopen ang shower at tumalikod na lang sa kanya para mapagtakpan ang namumula kong mukha. Naramdaman ko naman nang pumwesto siya sa likuran ko at wala na siyang saplot sa katawan! Niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan ako sa leeg kaya napaliyad ako. Nag-umpisa na ding maglikot ang mga kamay niya sa katawan ko.

"Akala ko ba maliligo lang?" Halos di na lumabas sa bibig ko ang mga katagang yan.

"I've changed my mind." Namamaos niya ding sinabi at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

Hinarap niya ako sa kanya at agad niya akong hinalikan ng mapusok sa aking mga labi hanggang sa bumaba ito sa aking  leeg, at pababa pa.

"Beautiful." Paanas niyang sinabi at halos sambahin niya ang buong katawan ko. Hindi ko na din napigilan ang mga kamay kong humaplos sa  maganda niyang katawan. I can’t believe this greek god is mine. And I can’t believe, we made love under the shower!

Makakapag lakad pa kaya ako nito? Jazmin di'ko akalain! Though uncomfortable dahil nga masakit, sinubukan ko pa ding maglakad ng normal.

"Baby, I’ll pick you up at around five later. Alright?” Sabi niya pagkahatid niya sa akin sa apartment at dinampian niya ako ng halik sa noo.

Napakunot noo naman ako dahil wala naman kaming usapan. "Hmm? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

 “Oh, I’m sorry I forgot to tell you. I’m going to introduce you to my family.” Kaswal na sabi niya sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko sa pagkabigla!

“Y-you’re kidding, right?” Pilit akong tumawa at bigla din ang paglakas ng tibok ng puso ko!

"You heard me right, baby. Rest, okay? I’ll see you later." Nakangiti at tumatango-tango niyang sinabi sa akin.

"Oh hindi ka umuwi kagabi ah?” Sinalubong ako ng sermon ni Jen pagkapasok ko ng apartment at nakahalukipkip pa siya. Alam ko namang takot lang yan kapag walang kasama sa gabi.

Winala ko na lang ang tanong niya at sinabi ko sa kanyang ipapakilala ako ni Niko ngayon sa family niya. Nagulat ito pero tuwang tuwa siya para sa akin. Tinulungan niya pa akong mamili ng isusuot ko mamaya.

Alas kwatro pa lang ay inaayusan na ako ni Jen. Hindi rin halatang mas excited siya sa akin! Nag presenta pa siyang ayusan ako dahil first impression lasts daw.

"Okay na ba talaga to ha?" Tanong ko kay Jen nang makapag bihis ako at naayusan niya na din ako. Umikot pa ako para makita niya lahat ng anggulo.

Naka long sleeve sundress ako na above the knee at ankle boots na brown. Nilugay ko lang ang mahaba kong binuhok at kinulot ito ni Jen. Nilagyan niya din ako ng manipis na makeup.

“Yes, of course! You are beautiful. Just be yourself, girlfriend!” Masaya naman nitong turan sa akin.

"Grabe yung kaba ko Jen. What if di nila ako magustuhan? What if tulad sa mga napapanood sa tv ay suhulan ako ng mommy niya at sabihan akong layuan ko ang anak niya?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Di talaga ako mapakali.

"Hay naku Jazmin! You are overthinking! Ang nega mo girl! Basta ito, ha? Kung sakali man na totoo yang mga what ifs mo, laban lang girl! Wag mo hahayaan na ilayo nila ni Niko sayo!" Todo suporta nitong sabi na akala mo ay nang-aamok ng away! Pero lalo naman akong kinabahan sa sinabi niya.

"Hoy! Grabe ka! Lalo naman akong kinabahan dsa sinabi mo! Parang totoo tuloy. Ikaw tong nagsabi na ang nega ko eh pero ikaw din naman!"Naiiyak kong singhal sa kanya kaya natawa siya ng bongga.

"Joke lang, ano ka ba! Wag ka na ngang kabahan diyan at nahahawa ako sa’yo! Chill, okay?” Sabi pa nitong tumatawa at hinagod hagod pa ako sa likod.

“Jen! Samahan mo na lang kaya ako?” Napakagat labi ko pang sabi sa kanya. Alam ko namang hindi pwede pero natatakot talaga ako. Iba ang kutob ko. Gusto kong maiyak. Nakakainis naman si Niko dahil binigla naman niya ako.

“Huh? Ayoko nga, mamaya niyan ako pa mapagkamalang girlfriend ni Niko!” Biro pa niya sa akin kaya inirapan ko na lang siya. Nakakainis din itong isang to at tinatawanan lang ako. Palibhasa kasi ay kasundo niya ang family ni Rust.

Napabuntong hininga na lang ako. Sana naman magustuhan din nila ako.  Sana mali itong kutob ko.

Maya-maya ay bumusina na si Niko kaya agad na akong nagpaalam kay Jen at lumabas ng bahay.

Bumaba pa siya ng kotse niya at sinalubong ako ng yakap na akala mo naman ay matagal kaming hindi nagkita! Dinampian pa niya ako ng halik sa labi at noo bago niya binuksan ang passenger’s seat at inalalayan akong makasakay.

Pagkaupo niya ay nangingiti muna niya akong tinitigan at kinuha ang kaliwang kamay ko at hinalikan ito. "Lovely as always! Can we just stay in my apartment?” He said hoarsely then he licked his lower lip.

"Niko?!" Nahihiyang singhal ko sa kanya at napatakip ako sa aking mukha dahil palagay ko ay pulang pula na naman ito! Napaka kaswal niyang magsabi ng mga ganyan samantalang hiyang hiya ako.

Tinawanan naman niya ako kaya halos makurot ko siya sa inis at pagkapahiya! Nakakainis!

"Tigilan mo ako Niko ha? Heto nga at sobra na akong kinakabahan!" Singhal ko sa kanya at pinakita ko pa sa kanya ang palad kong namamawis na sa kaba.

"Relax baby, okay? I’m here. I won't allow anyone to hurt you even if it’s my family, alright?" Pag assure niya sa akin sabay pisil sa baba ko. Somehow I felt relieved.

Dahil di naman kalayuan ang Camp John Hay ay agad kaming nakarating.

Magkahawak kamay kaming naglakad papuntang restaurant kung saan sila naroon. Mahigpit ang hawak ko sa kanya sa sobrang kaba.

"Relax baby. I love you so much." Marahan niyang sinabi at pinisil ang kamay ko.

Nang makarating kami sa restaurant ay saglit kaming nagpalinga at sa di kalayuan nga ay may kumakaway na napakagandang babae sa amin na hindi siguro nalalayo ang edad sa amin. May kasama itong babae at lalaki na siguro ay nasa late 40s o early 50s ang edad. Nag i-standout sila sa karamihan dahil mukha talaga silang mayayaman. Lalo akong kinabahan at hindi ko namalayang mas napahigpit pa pala ang paghawak ko sa kamay ni Niko. Pinisil naman niya ang kamay ko at tumingin pa siya sa akin at nginitian ako saka kami tuluyan lumapit sa tumatawag sa kanya.

"Paulo! I miss you so much, son!"! Tumayo ang babae na mommy niya siguro dahil medyo hawig din ito ni Niko at niyakap siya at hinalikan sa magkabilang pisngi. Napakaganda niya pero..mukhang masungit.

Sumunod namang tumayo ang daddy niya na napaka gwapo at matikas pa at niyakap siya at tinapik sa likod. Mas nakuha ni Niko ang features ng daddy niya. Napatingin naman ako sa babaeng nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at sinkulian ko naman siya ng ngiti. Napaka ganda niya! Sigurado akong siya ang ate ni Niko. Dahil mukhang nakapag-usap na sila ni Niko kanina sa vacation house nila ay hindi na ito bumati kay Niko. Bigla namang nag-init ang pisngi ko nang maisip na nakita niya ang damit naming nagkalat ni Niko. Sigurado akong alam niya ang nangyari, nakakahiya!

Natigil naman ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagtikhim ni Niko. "By the way, mom, dad, ate.. this is Jazmin Gonzales, my girlfriend." Pakilala sa akin ni Niko habang nakahawak sa bewang ko ang isang braso niya.

Yumuko naman ako ng bahagya bilang pagbibigay ng respeto sa kanila. "H-hello po. Nice to meet you all po." Magalang kong sinabi kahit nauutal ako sa kaba.

Pakiramdam ko ay nanigas ako nang tumutok ang mga  mata nila sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status