Share

Chapter 1

MOO: CHAPTER 01

JHUREIGN POV

Napakamot nalang ako sa batok ko habang nakatingin sa manok ni Papa. Ano bang dapat kong gawin? Sabi kasi ni Papa pakainin ko raw manok niya. Hindi ko naman alam kung pa'no.

Siya kasi 'yong gumagawa nito dahil ayaw niyang ipahawak sa 'kin 'yong manok niya.

Agad akong pumasok sa loob at kumuha ng plato at kubyertos.

Nilagyan ko ito ng kanin bago ito sinabawan. Nagdalawang isip pa ako kung lalagyan ko ba ng ulam pero sa huli ay nilagyan ko nalang bago ako lumabas.

Lumapit ako sa manok ni Papa bago ko nilapag sa lupa ang pinggan pati narin ang kutsara at tinidor.

"Ba't gan'yan ka sa 'kin makatingin?" pagkausap ko sa manok, "Huy! Ang swerte mo naman kung susubuan kita 'no! Kumain ka d'yan!"

Ngunit hindi niya ginamit ang binigay kong kubyertos kumain lang siya gamit ang tuka niya.

"Kumakain karin pala ng manok 'no?" Agad akong napaatras ng bigla siyang lumapit sa 'kin na parang susugurin ako. "Oo na! Oo na!" sukong sabi ko, "Iiwan na kita rito. Kumain kana. Enjoy eating! Isasabong ka kasi ni Papa mamaya," bago ko tuluyang iniwan ang manok.

Umalis na muna ako at nagtungo sa tindahan ng mga marites. Pero ang daming tambay kaya doon nalang ako sa isa pang tindahan. Ayon wala masyadong tao.

"Tao po! Tao po!" sigaw ko. "May tao po ba?"

"Wala!" biglang may sumagot.

"Eh ano ka multo?" pabalang na tanong ko, "Pabili nga ng---"

"Wala ngang tao sabi rito eh!"

Inirapan ko nalang ang nagtitinda bago umalis roon. Hindi ko nakita ang mukha no'ng nagtinda pero ano namang pakialam ko? Ang napansin ko lang ay may suot siyang eye glasses habang nakayuko siya at nagsusulat.

Bwesit na tindahan 'yon! Magsara nalang kayo!

"Olivia Jhureign!" napaigtad ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Papa.

Agad akong bumalik sa 'min at nakita ko si Papa na niligpit ang kinainan ng manok.

"Tapos na siyang kumain Papa?" inosenteng tanong ko.

"Ikaw talagang bata ka!" biglang sigaw niya sa 'kin.

"Ano po bang ginawa ko?"

"Pinakain mo siya ng pagkain na nasa plato---"

"E alangan namang eh lagay ko nalang sa lupa edi nakakawalang galang iyon."

"Ikaw talaga!"

"Wazzup! Mga fans!"

"Mga pants siguro," pabalang na sabi ko kay Jessa.

"My pakening panget na kaibigan! Aalis tayo mamayang gabi!" biglang sabi niya sa 'kin

"Saan naman panget?"

"Basta! Ayos lang po ba Tito?" pagpaalam niya kay Papa.

"Oo kahit 'wag mo na yang iuwi rito."

"O kita mo?"

Napanguso tuloy ako dahil sa sinabi ni Papa. Pero dahil nga gala iyon ay Go! Ako d'yan!

N'ong gumabi na ay agad namang pumunta si Jessa sa bahay para sabay na kami.

Pagkalabas naman sa bahay ay kitang kita namin ang mga marites na nakaupo sa may tindahan. Kahit gabi nandito parin sila?

Wow ano 'yon 24 hours service?

"Huhulaan ko. Mabubuntis yan ng maaga."

"Oo nga eh. Kababaeng tao gumagala ng gabi."

"Bampira kasi kami kaya kami gumagala kada gabi," pagpatol ni Jessa sa mga marites. "Wala kayong pakialam kahit gumala kami. Bakit pinakialaman ba namin kayo d'yan sa mga ginagawa niyo?"

"Hayst! Mga bata nga naman."

"Walang mga galang."

"Baka pagbalik niyo buntis na kayo."

Parang lumaki ang tainga ko sa huling narinig ko.

"Kalma hindi kami mabubuntis. Walang tite sa daan mga 'te," sarkastika kong sabi bago kami nagpatuloy sa paglakad ng kaibigan ko.

Iniwan lang naman namin roon ang mga tsimosang nakanganga dahil sa sinagot ko.

Burn mga Bitch ng Barangay namin!

"Ibang klase ka d'on ha," tawang sabi ni Jessa ng makalayo na kami.

Taas nuo lang akong tumingin sa kan'ya para magyabang.

Pupunta naman talaga kami rito. Makiki disco! Disco girl kasi kami ng kaibigan ko! Hindi para maghanap ng jowa kun'di para sumayaw at mag enjoy.

"Whooooooooo!"

Ang saya kasi live band siya!

"Susungkitin'g mga butuin! Para lang makahiling! Na sana'y maging akin! Puso mo! At damdamin!" pagsabay ko sa kanta.

Napahinto ako sa pagtalon at pagsigaw ng maagaw ng pansin ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid habang may hawak na gitara. Nakapikit siya habang tumutugtog.

May suot siyang eye glasses. Pag mulat niya ng mata ay pakiramdam ko tumahimik ang discohan ng magtama ang mata naming dalawa.

Tanging rinig ko lang ay ang pagsimula ng pagkabog ng mabilis ang dibdib ko. 'Yong puso ko!

"Huy! Panget!" napaigtad ako at napatingin ulit d'on sa lalaki pero nakapikit na siya ngayon.

Kaya napanguso ako at sinamaan ng tingin ang kaibigan ko.

Panira! Hmp!

"Bakit ka napatigil?" takang tanong niya pero tumatalon parin siya at sumasayaw. "May nakita kang fafa 'no?, nas'an?"

Ngumuso ako at tinuro ang lalaking nasa gilid ng stage nakaupo habang may hawak na gitara.

"Ayh pinakbet! Gwapo!" biglang tili ng kaibigan ko.

"Sa 'kin yan 'no!" napatingin ako sa gilid ko ng may biglang sumulpot.

"May pangalan mo ba?" pabalang na tanong ko.

"May pangalan? Ano ka bata? O em gey may bata na nakapasok."

"Sge bata ako!" 17 pa kasi ako malapit narin naman akong mag 18 ha! "Luto lutuan tayo tapos ikaw 'yong uling. Oyy! Pasmado!" kunwaring gulat na sabi ko.

Inis naman siyang tumingin sa 'kin bago nag walk out.

Simula ng magtama ang mata namin ng lalaking ito. Sa 'kin na siya. Char! Sa 'kin talaga?

Napangiti ako habang nakatingin sa kan'ya. Bago ulit ako nagpatuloy sa pagsayaw.

▪▪▪

Tinakpan ko ng unan ang tainga ko ng makarinig ako ng ingay. Nakakabwesit talaga kahit kailan! Ang aga aga pa e!

Agad akong tumayo bago binuksan ang bintana.

"Huy! Ang iingay niyo! Akala niyo naman kayo lang tao rito! Kung gusto niyong suluhin ang mundo! Sa mars kayo tumira!" inis na sigaw ko sa kanila.

"Huy! Ang ingay mo d'yan! Bumaba kana nga! Tanghali na!" biglang sigaw ni Papa.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko bago bumaba.

"Papa kasi---" napatigil ako sa pagkamot sa buhok ko ng mapansin ko ang isang lalaki na seryosong nakatingin sa 'kin habang may hawak na kahon.

Yung eye glasses! 'Yong lalaki sa Discuhan!

Halos manlaki ang mata ko at agad tumakbo paakyat sa kwarto ko. Agad akong humarap sa salamin bago inayos ang sarili ko. Tinali ko ang buhok ko.

Bago ako bumaba ng dahan dahan. 'Yong babang pang prinsesa.

"Huy! Anong ginagawa mo d'yan?!" agad akong napatingin kay Papa dahil sa tinanong niya.

"Nas'an na siya?" masiglang tanong ko sa kan'ya.

"Sinong siya?"

"'Yong manliligaw ko."

"Anong manliligaw? Sa mukha mong yan may manliligaw?" gulat na tanong ni Papa. "Kung 'yong lalaking nandito na may dalang kahon ang ibig mong sabihin. 'Wag kang assuming. Delivery Boy 'yon."

"Nasa'n siya?"

"Pinaalis ko na," sagot niya bago nagtungo sa may kusina. L

Bagsak balikat akong napatulala sa sahig. Bago ko sinabunutan ang buhok ko.

Papa! Panira ka talaga!

Ba't mo pinaalis? Nakalimutan mo atang dito siya nakatira! Dito siya nakatira sa puso ko!

"Huy! Hali kana rito! Kumain kana!"

"Oo na! Oo na!" sigaw ko bago nagtungo sa kusina.

SUBO SUBO KO ngayon ang isang lollipop. Habang nakatingin sa kawalan.

"Panget! May chika ako sayo," tumili ito bigla at lumapit sa 'kin.

"Anong chika naman 'yan?" bored na tanong ko sa kan'ya.

"Yung si Kalansay--- bla! Bla! Bla!" hindi ako interesado sa chika niya.

Nakatulala lang ako at nakatingin sa isang bahay. Medyo malaki at maganda ang bahay sa kabila. Medyo dikit ito sa bahay namin. Nasa kaliwang bahagi ito.

Nasa may tapat na tindahan kasi kami nakatambay kaya kitang kita ko ang bahay namin at ang bahay sa kabila.

"Sino nakatira d'yan?" turo ko sa bahay na 'yon.

"Ay 'yan ba? Sa pagkakaalam ko isang tao lang ang nakatira d'yan. 'Di ko alam kung sino hindi ko kasi napapansin na lumalabas yan eh."

Tumango lang ako habang nakatingin parin sa bahay. Na cucurious ako kung sino ba talaga ang nakatira d'yan.

"Anong nasa isip mo?" takang tanong ni Jessa ng bigla akong ngumisi.

"Pasukin natin 'yong bahay?"

"Huy! 'Wag ako! Baka mahuli tayo!

Pero wala siyang ibang choice kun'di ang sumunod sa 'kin. N'ong gumabi na ay agad naming pinasok ang bahay sa kabila.

Umakyat kami sa bakod. Bago tumalon. Nilibot ko ang paningin sa loob. Ang boring rito.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Naka lock siya kaya naghanap pa kami ng pwedeng daanan. Hanggang sa makakita kami ng mahaba at sliding glass na bintana.

Doon kami dumaan ni Jessa.

Halos mapatili ako ng makarinig ng tahol ng Aso.

"Who the fuck are you?! Why are you fucking here?! What are you doin' here at my fucking house?!"

"Ano daw?" bulong ko kay Jessa.

"Fuck raw! Gusto ka raw niyang k******n," pag translate naman niya.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status