Share

Chapter 3

MOO: CHAPTER 03

JHUREIGN POV

NASA CAFETERIA kami ngayon ni Jessa. Panay ang reklamo niya dahil napahiya daw siya kanina. Maling classroom raw ang pinasukan niya.

Habang ako naman ay may tagumpay na ngiti na nakaukit sa labi.

"Panget! Whaa!"

"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ko sa kan'ya habang kumakain.

"Akala ko Section Silver ako. Section Iron pala. Tapos parang Alien pa 'yong nakasulat sa may pinto. May biglang humila sa 'kin d'on sa Section Fe."

Section Fe? Iron?

Tumango naman ako bago ko siya tiningnan.

"Iron is a chemical element on the Periodic Table. The symbol for Iron is Fe. Siguro kaya sa Section Fe ka pinapasok."

"Wow ha? Himala at nag kautak ka," manghang sabi ni Jessa.

"Oo nga 'no?" takang tanong ko bago kami nagtawanan.

Magkaibigan nga kami. Pareho kaming tarantado eh.

"Balita ko may rambulan mamaya," bulong ni Jessa sa 'kin.

Lumaki naman ang tainga ko at napatingin sa kan'ya bago ngumiti. Tumango ako kahit wala pa siyang sinasabi. Nag apiran kami bago kumain at pumasok sa next subject namin.

SABAY KAMING umuwi ni Jessa. Pero sa totoo mamaya na kami uuwi may papanuorin lang kaming laban.

"Whoo!"

"Bobo naman nito."

"Tumayo ka!"

"Mahina ka pala eh."

"Mananalo ako nito!"

"Pre! Bangon sayang bente pesos ko."

Ingay agad sumalubong sa 'min. Sumiksik kami bago nanuod. Pero lahat sila natahimik at napahinto bago napatingin sa 'kin.

Napanguso ako dahil bitin ako sa laro nila.

"Tuloy!" sigaw ko kaya nagising sila at nagpatuloy.

"May naghahanap sayo."

Tumango ako bago iniwan roon si Jessa. Pumasok ako sa isang bodega pero ang totoo niyan ay hindi talaga ito bodega kun'di mansion. Galing 'no?

"You're here."

"Ay wala ako. Nandun pa ako oh," sabay turo ko sa kisame.

"I want you to find someone."

"Babae?" tanong ko.

"Y-yeah."

"Himala at may plano pala si Kupidong panain ka."

"Just fucking find her."

"'Wag mo 'kong ma fucking fucking dyan suntukin kita eh," napailing nalang siya dahil sa katigasan ng ulo ko bago niya ako pinahiram ng isang laptop.

Umupo na ako at may hinalukat. Nagtanong rin ako sa kan'ya kung saan sila huling nagkita.

Ang sagot naman niya sa isang bar. Chineck ko ang CCTV ng bar na iyon. Hanggang sa nakita ko na nga ang babae'ng kasama niya.

"Ang ganda ha. Ganda ng taste mo," kumento ko bago crinop ang picture n'ong babae.

"She's Avionna Lyoriel Chavez. Gusto mo ibigay ko sayo address niya?" tanong ko sa kanya.

"No thanks. That's enough information. I will do the rest."

"Good! Sana mapaamo ka ng maamong babaeng iyon. Pero sandali!"

Napatingin siya sa 'kin bago tinuon ulit ang tingin sa picture na binigay ko.

"Alis na ako Terrious."

"The fuck!" gulat na sabi niya sabay tingin sa 'kin.

Kumindat lang ako sa kanya.

"Ang panget mo," mahinang sabi ko sa kan'ya bago siya iniwan roon.

I'm just kidding. Gwapo si Terrious hindi ko lang talaga siya Type parang Kuya ko na nga siya eh. 25 years old na siya, siya ang pinakabatang business man. 17 siguro? Simula n'ong nag business siya? 'di ko rin alam.

Avionna Lyoriel?

Bakit parang may masamang kutob ako sa babaeng iyon?

Bakit parang sasaktan lang niya si Terrious?

Kawawa ang batong 'yon. Kahit na tarantado ako marunong parin naman akong maawa.

"Saan ka galing?"

"Pinatawag ako ni T," tukoy ko kay Terrious.

Wala pang ibang tao na nakakita ng mukha ng mukong na 'yon. Ako lang. At si Echo syempre. 'Yong kaibigan niya.

Kailangan niya kasing magtago para protektahan ang sarili niya lalo na ang mga kapatid niya.

Sino kaya kapatid niya 'no?

Gwapo rin ba? Ligawan ko kaya?

No! No! Erase!

May Timothy na ako!

May Engineer na ako!

"Sana oll nakikita si T," nakangusong sabi ni Jessa. "Gwapo ba?"

"Hindi," pag sisinungaling ko "Matandang gurang."

Napangiwi naman siya sa sagot ko.

"Bakit ang macho niya? 'Yong biceps niya. 'Yong abs niya. Bakit pang macho?"

"Matanda siya. Dalawa nalang ngipin. Macho siya kasi nga nag g-gym siya lagi pero kada push up niya hindi na siya nakakatayo dahil sa tanda niya. Asan 'yong gwapo d'on?"

"Ayaw ko na pala d'on," rinig kung bulong ni Jessa.

Sorry panget!

Ayaw kita para kay Terrious.

Dahil una sa lahat hindi kayo bagay!

Maganda naman si Jessa. Simple lang ang ganda niya pero ang simple na 'yon ay 'yong gandang hindi nakakasawa. Kahit minsan may topak ang kaibigan ko mahal ko parin naman 'to.

Ayaw ko lang talaga siya para kay Terrious.

Kaibigan ko rin kasi si Terrious.

At alam ko ang bagay sa kanila at sa hindi.

'Yong Avionna na 'yon naman,

Wala na akong magagawa. Mukhang tinamaan na si Terrious eh.

Pagkauwi ko sa bahay wala doon si Papa as always. Nasa may sabungan 'yon.

Kulang na nga lang magdala siya ng unan at kumot tapos doon na siya tumira.

Nangupit ako ng piso sa pitaka ni Papa bago pumunta sa tindahan d'on sa may tapat.

"Tao po!" sigaw ko.

"Anong sa 'yo?"

"'Yong tindero po," napakagat ako sa labi ko ng mapansing si Timothy pala 'yong masungit na tindero n'ong isang araw 'yong may eye glasses.

"Anong bibilhin mo?"

"Ikaw?"

"Hindi ako for sale," pabalang na sagot niya.

"For free lang?"

"I'm not for anyone."

Napangiwi ako bago nilapag ang piso at tinuro ang bubble gum.

"Tsk! Piso lang pala," rinig kong bulong niya sabay bigay ng binili ko.

"Bubble gum ka ba?"

"Tao ako," sagot niya at sinara ang maliit na pinto pintuan ng tindahan. 'Yong maliit na parang bintana? Basta 'yon.

Ang slow niya.

Hindi ba niya alam na babanat ako?

INIS AKONG NAPATINGIN kay Papa. Siya naman ay nakahiga lang sa may sofa habang nanunuod ng Tropang Lol sa TV 5. Tawa lang siya ng tawa.

Naririnig ko rin ang nakakaasar na tawa ng mga pinggan na nasa lababo!

Nagpabisita siya! Dinala niya barkada niya rito? Tapos ako pahuhugasin?

Buti nalang talaga maganda ako.

Kalma self! Maganda ka. 'Yan lang ang isipin mo dahil yan lang ang ambag mo sa mundo.

Hinugasan ko nalang ang mga pinggan pagkatapos n'on ay umakyat na ako sa kwarto ko. Binuksan ko rin ang bintana para may fresh air naman rito sa kwarto ko.

Pati narin ang bintana sa kaliwa. Sakto namang pagkabukas ko ay bumukas rin sa kabilang bahay.

Nag unat siya bago nagmulat ng mata. Inirapan niya lang ako bago nagtungo sa isang pinto. Siguro banyo 'yon?

"Pst!" tawag ko sa kan'ya ng matapos siyang maligo.

Sa cr pa talaga siya nagbihis. Natakot masilipan.

"What?" bored na respond niya.

"Kita mo 'yon?" turo sa may langit.

Sumilip naman siya at tumingin sa 'kin.

"Kita ko may mata ako eh."

"Pareho pala tayo. Nakita ko rin 'yon eh. Ta's may mata rin ako. Siguro destiny tayo?"

Lumaglag naman ang magandang hugis ng panga niya dahil sa sinabi ko.

"Kita mo 'yon?" Tumango siya. "Kita ko rin 'yon," sabay bungisngis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status