Share

Chapter 5

MOO: CHAPTER 05

JHUREIGN POV

Ito ang araw kung kailan kami pipili ng magiging Class Officer namin. Nakatingin lang ako kay Ma'am ng bigla siyang nag discuss about sa mga patakaran niya rito sa Room.

Maswerte ako dahil mabait ang Adviser ko this school year. Dati kasi labas pasok ako sa Dean's Office. Muntik pa akong matanggal sa eskwela.

"Ma'am eh nominate ko po si Mrs. Zafueta bilang Class Mayor," marami namang sumang ayon sa sinabi ng isa kong kaklase.

Abah? Ako? Bakit?

Naku! Pag ako naging Class Mayor niyo? Wala pa ngang lindol yayanig na ang classroom natin.

99.99 percent. Sigurado ako na ako ang magiging Class Mayor at hindi nga ako magkamali dahil ako na nga! Stress na buhay 'to oh!

Tayka! Senior High na kami pero bakit kailan may Class Officer parin?

"Eh nominate ko po ang Asawa ko bilang Vice Mayor!" sigaw ko habang nakataas ang kamay

Asawa ko? Whaaa haha! Ibang klaseng trip 'to. Pinanindigan ko talaga.

Sa Huli! Ako ang Mayor at si Timothy ang Vice. 'Wag ko nang sabihin ang ibang Officers hindi naman sila mahalaga eh. Haha!. Makikilala rin naman sila.

Nakita ko si Jessa sa may Cafeteria. May kasama siyang isang Mestizo. Nagkkwentuhan sila. At basi rito sa kinatatayuan ko.

Nagpabebe si Jessa!

Nagpabebe ang Panget!

Hala! Si Jessa'ng Panget dalaga na?!

Tumikhim ako ng makalapit ako sa gawi niya. Napaangat naman ng tingin si Jessa bago umayos ng upo ng makita niya ako.

"Huy Panget!" kita ko ang pagbaba ng tingin niya habang namumula ang mukha.

Okay! Gets ko! Nahihiya siya!

'Yong kaibigan ko nahihiya!

Akala ko ba mga wala kaming hiya?

Akala ko ba tarantado kami?

Anong nangyari rito?

Tinamaan ng palaso ni Kupido?

"Sino siya?" tukoy ko d'on sa maputing lalaki na katabi niya.

"Seatmate ko," mahinhin niyang sagot.

Gusto kong matawa. Dahil boses kargador 'tong si Jessa. Bakit parang naging mahinhin?

Tama nga ako! Nagpabebe siya!

"I'm Louie, HUMSS student, Future Police."

Ohh? Magpupulis siya?

Sabagay! Bagay rin naman sila.

Kaya lang ang problema itong kaibigan ko parang naputulan ng dila hindi makapagsalita. Nagpabebe ampucha!

"I have to go," pagpapaalam ni Louie sa 'min bago umalis.

"Bye," ayun! Inipit pa niya ang boses.

"Pabebe ampota," tawang sabi ko sa kan'ya.

"Sat ap!" sat ap raw! Haha!

"Sino 'yon? Kras mo?" tukoy ko d'on kay Future Police.

"Y-yeah."

"Tumigil ka nga kaka english mo. Mukha kang negrang taga america."

"Huy! An'sama nito!"

"Anes lang," honest what i mean. Pero gets naman niya.

Tumayo na ako roon bago siya iniwan.

Nakita ko sa 'di kalayuan si Louie kaya lumapit ako sa kanya. Kita ko naman ang pagtakbo ni Jessa halatang pipigilan ako.

"Huy! Pyutor pulis! Kras ka daw niya," turo ko sa naestatwang si Jessa.

Ayan ang mag best friend! Nagbubulgaran haha!

Malay mo maging sila dahil sa pag amin ko diba? Ship ship! Malala!

Hindi ako pinansin ng Panget! Nahihiya!

Kaya ako 'yong mag isang umuwi.

"Ayh lamok!" gulat na sigaw ko ng may biglang tumalon para akbayan ako.

"Huy! Panget! Hindi ka namamansin!" nakangusong sabi niya.

Ehh? Diba siya ang hindi namamansin?

"Ganda ako eh."

"Kapal nito," pangontra niya bago tumawa.

Ayon! Sabay kaming dalawa pauwi. Pero bago 'yon ay nakita ko si Timothy na kakalabas lang ng bahay niya may dala siyang isang kahon. Mag dedeliver 'ata siya?

Pa'no kaya siya mag dedeliver? Motor? Kotse?... Ayon! May nilabas siyang kulay itim na mountain bike.

Inayos niya ang maliit na helmet- pang bike na helmet hindi 'yong pang motor, magmukukha siyang tanga n'on.

May proteksyon rin ang tuhod at siko niya. Wow ha! Ang sosyal ng delivery boy!

Bigla nalang siyang nawala sa harapan ko. Kaya nagpatuloy nalang ulit kaming dalawa ni Jessa sa paglalakad hanggang sa makauwi na kami.

Nag iba kami ng direksyon nagpaalam muna siya bago umalis na. Nagbihis na ako bago bumaba para kumain. Pero sa papa ayon! Nakatutok sa TV.

"Papa! Wala kang trabaho! Pa'no mo mababayaran 'yong kuryente?" tanong ko sa kan'ya.

"Alis d'yan! Nanunuod ako eh," biglang sabi niya.

Napasabunot nalang ako ng buhok ko bago siya iniwan roon. At wala pa talagang pagkain! Kainis!

Lumabas nalang ako roon bago naghanap ng pwedeng nakawin sa kapitbahay namin.

At! Boom! May punong mangga ang bakuran ni Timothy.

Nag dedeliver siya kaya walang tao sa loob.

Successful naman ang pag akyat ko sa puno ng mangga.

"Hindi ko alam na kumakain rin pala ng mangga ang isang unggoy," halos manlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Timothy.

Nakatingala siya sa 'kin. Sabay kuha ng tsinelas ko.

"Mahulog ka sana."

"Ayh potcha!" bigla nalang akong nadulas.

May sumpa ang bibig ni Timothy! Ampota ang sakit ng pwet ko!

Ayan Jhureign magnakaw kapa ng mangga!

Pero magnanakaw naba tawag d'on? Nagpaalam naman ako sa puno ha? Pumayag naman siya kaya umakyat na ako.

Nakahawak ako sa pwet ko habang hinahaplos ito. Ang sakit kaya!

Nahulog ako! Ang taas n'on! Pa'no pag nabagok ako? Tapos nag ka amnesia? Edi wala na siyang magandang babaeng makikitang habol ng habol sa kan'ya.

"Wala tuloy akong nakuha," nakasimangot na sabi ko habang nakatingin sa puno ng mangga.

"Maraming mangga sa loob," rinig kong sabi ni Timothy kaya halos lumiwanag ang mata ko bago pumasok sa loob.

Pero potcha!

May aso!

"WHAAA!" sigaw ko at tumakbo papunta sa gawi kung nasaan si Timothy. Agad akong tumalon sa likuran niya at nag piggy back.

"FUCK! GET OFF!" rinig kung sigaw ni Timothy.

Pero nagmatigas ako at hindi bumaba.

"AYAW KO!" matinis na sigaw ko ng patuloy parin sa pagtahol ang Aso niya. "TIMOTHY! ITAPON MO ASO MO!"

"Ano ka gold?" tumalon siya para ayusin ang pagkapiggy back ko. Bago niya tinawag ang aso niya.

"Whaa! Timothy! Itatapon ko talaga yan kita mo!"

"An'sama mo. Alam mo bang anak ko 'to?"

"Asawa mo 'ko! Wala tayong anak na aso!"

Rinig ko ang mahinang tawa niya bago pinaalis ang aso.

Binaba na niya ako kaya inayos ko ang damit na nagusot bago nagtungo sa may dining niya para hanapin ang mangga.

"Kumain kana ba?" biglang tanong niya sa 'kin.

"Bakit papakainin mo ako?" shocks! Gutom na ako!

"Hindi, bawal bang magtanong?"

Bwesit na Timothy 'to! Swerte ka gwapo ka kung hindi baka isa kana sa listahan ng mga na comatose ng dahil sa 'kin!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status