Share

Chapter 2

MOO: CHAPTER 02

JHUREIGN POV

Bigla namang umilaw ang buong bahay dahilan para ma estatwa kami at makita ko ang mukha n'ong lalaki. 'Yong may eye glasses.

"Ikaw?" gulat na tanong ko.

"May I know you?" taas kilay na tanong niya.

"W-wala," paghila ni Jessa sa 'kin. "Pasensya na na curious lang kami kung sino nakatira kaya kami pumasok rito... Tara na Panget aalis tayo rito."

"You can press the door bell. And wait for me to come out. No need to do that thing," pagalit na sabi niya sa 'min.

Hanggang sa makalabas kami ay halos nakanganga parin ako bago ako tumingin kay Jessa.

"Kabitbahay ko siya," di makapaniwalang sabi ko. "Kabitbahay ko siya Panget!" sigaw ko bago siya niyugyog.

"Tinamaan ka yata eh ano?" di makapaniwalang tanong ni Jessa sa 'kin.

Di bale ng napagalitan. Atleast alam ko na kung saan nakatira 'yong crush ko.

▪▪▪

Pinindot ko ang door bell tulad ng sinabi niya sa 'kin. Ilang minuto lang bago siya lumabas sa bahay niya.

"Who the fuck are you?" inis na tanong niya.

Ayy! Nakalimutan na agad niya ako?

"Ako yung trespassing girl," nakangiting sabi ko.

Kumunut ang nuo niya. Bago siya napailing

"Proud kapa talaga?" sarakastiko niyang tanong.

Napangiti ako ng marinig ang pagtatagalog niya. Akala ko pa naman pagmumura lang niya at ang nakakadugo ng ilong na english ang kaya niyang sabihin. Buti nalang at marunong pala siyang magtagalog.

"What do you want? Bakit kailangan mo mag doorbell? Siguraduhin mo lang na importante yan. If hindi naman just fucking leave me alone," madiin niyang sabi.

Itinaas ko at pinakita sa kan'ya ang isang Tupperware.

"What is that?" kunot nuo niyang tanong.

"Tupperware. 'Wag mong sabihin sakin na hindi mo alam ang tupperware-"

"I know," pagputol niya sa sasabihin ko. "Bakit mo pinapakita sa 'kin ang Tupperware na yan? Kung nang iinggit kalang pasensya ka na. Hindi ako naiingit kasi narami ako n'yan," akmang isasara niya ang gate ng magsalita ako.

"Adobong manok para sa masungit naming kapitbahay," nakangiti kong sabi sabay bigay ng Tupperware.

Napangiwi pa siya habang nakatingin sa hawak niya.

"Nanalo kasi si Papa sa sabong kaya 'yan ang ulam namin. Enjoy! Masarap yan. Pero mas masarap ako."

Kita ko ang pag iling niya na para bang hindi makapaniwala bago sinara ang gate.

Minsan talaga sa buhay kailangan mo rin ng time para matulog! Hindi ako makatulog dahil sa ingay ng aso ng kapitbahay namin.

Kanina ko pa gustong matulog! Patulugin niyo naman ako!

Bukas na ang First Day of Class! Shutangina! Nga naman ohh!

Hindi ko alam kung talaga nga bang nakatulog ako? Nagising nalang ako ng bigla akong binuhusan ni Papa ng tubig.

Naligo nalang ako at nagbihis. Civilian muna suot ko dahil first day pa naman. Nakita ko si Papa sa may hapag kainan.

Kumakain na?

Hindi man lang ako hinintay!

Tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos ay saktong nakita ko si Jessa. Sabay na kaming nagtungo sa School.

Nasa Private School kami. Senior High na kasi kami pero utak kinder parin. Free lang kasi ang Senior High rito habang ang College naman ay hindi. Well dipende nalang kung Scholar ka.

"Saang Section ka?"

"Silver. HUMSS ako remember?"

Oo nga pala. I forgot. HUMSS pala siya tapos STEM ako. Gusto kasi daw niyang maging teacher kaya 'yon ang strand na pinili niya.

Gusto ko naman maging Architect kaya STEM ang kinuha ko. Marunong kasi ako sa mga churva chu chu na 'yan. May kunting utak pa naman ako.

"Ikaw ba?"

"Section Gold ako," sagot ko sa kan'ya. "Silver ka? Gold ako? Haha mas mahal ako panget."

"Mahal? Eh bakit minahal ka ba?" bago ko pa siya mabatukan ay tumakbo na siya. "Hahanapin ko na ang Section ko! Hanapin mo narin ang Engineer mo-este Section mo!" sigaw nito papalayo.

Napatawa nalang ako bago umiling. Minsan talaga napapatunayan ko na kaibigan ko siya. Pareho kasi kaming tarantado.

Sobrang laki ng skwelahang 'to. Kaya medyo naligaw rin ako. Napunta pa ako sa college building buti nalang at may mabuting loob na nagturo sa 'kin kung saan ang STEM building.

Hinanap ko ang Section ko pero mga kung ano anong Alien Section 'ata ang mga nakasulat.

Section Au?

Ano 'to? A? E? I? O? U? Kaya Au?

"Section Gold yan," napatingin ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Pa'no naging Section Gold yan?" eh Au yan? Bulag ba siya?

Napatawa naman siya sa tanong ko. Pinagttripan 'ata ako ng lalaking 'to.

"Section Gold. The chemical symbol on the Periodic Table of Elements for Gold is Au. From the Latin Aurum, which means shining dawn," paliwanag niya.

"He! He! Syempre alam ko 'no," bago ako pumasok sa loob.

Oo nga naman Jhureign bakit hindi mo naisip 'yon?. Ayaw ko talaga yang Face To Face nabubulgar kasi ang tinatago kong kabobohan sa katawan.

Ganda lang kasi meron ako.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng classroom. Hanggang sa napako ito kay Eye Glasses. Nandito siya? STEM din pala siya? Magkaklase kami?

Dali dali akong lumapit sa kan'ya at umupo sa tabi niya bago ako maunahan. Napatingin naman siya sa 'kin dahil sa ingay ng pag upo ko bago ulit tumingin sa binabasa.

Kita ko ang paglaki ng mata niya bago dahan dahang tumingin sakin.

"Hi," bati ko.

"Fuck," gulat na sabi niya. "'Pag minamalas ka nga naman."

Aba? Siya pa talaga ang malas? Ang swerte kaya niya kasi ang ganda ng katabi niya.

Hindi ko na siya nakulit dahil dumating na ang isang may kaedaran na babae pero ang ganda parin.

"Hi Class. I'm Mrs. Zafueta your Adviser. And now the first thing you need to do is to introduce yourself."

Hala ka! Lagot!

Tumayo na ang iba kong mga kaklase at nagpakilala. Hanggang sa si Eye Glasses na nga.

"Timothy Zafueta. STEM student. Future Civil Engineer," pagpapakilala niya bago umupo ulit.

"And miss?" lahat sila nakatingin sa 'kin.

What to do?!

What to do?!

Tumayo ako bago may kinuha sa bag ko bago ito binigay kay Ma'am.

"What is this?"

"'Wag na po introduce yourself Ma'am. 'Yan po 'yong Birth Certificate ko. Basahin niyo nalang."

Rinig ko ang lakas ng tawa ng mga kaklase ko. Bago narinig ang tawa rin ni Ma'am pero sa huli pina introduce yourself parin ako.

"I'm Olivia Jhureign 'wag niyo ng tanungin apelyido ko kasi hindi tayo close," natawanan na naman sila. "STEM student. Asawa ng Future Civil Engineer," tukoy ko kay Timothy.

"Asa ka namang aasawahin kita," biglang comment ni Timothy.

Kalma self. Tandaan mo maganda ka gwapo rin siya kaya bagay kayo.

"I'm Olivia Jhureign Zafueta. Sasanayin ko na ang apelyido mo sa pangalan ko. Sa simbahan rin kasi ang bagsak nating dalawa."

"Naks!"

"Try ko nga yang ibanat kay Crush."

"Ayieee!"

"Love team."

"Ship!"

"Jhumothy!"

"Ehh?" napangiwi ako sa narinig. "'Wag Jhumothy. Para naman kaming Ajinamoto niyan eh. Tawagin niyo nalang akong Mrs. Zafueta o di kaya'y future asawa ng Civil Engineer."

Ang kapal ng mukha ko. Bahala na atleast may mukha parin.

Ayon! Nag STEM lang ako nag ka Engineer na. Haha!

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status