Share

My Only One
My Only One
Author: ScriptingYourDestiny

Zafueta Brothers Trilogy 2

Inayos ko na ang mga gamit ko dahil aalis ako papuntang Baguio para tingnan ang lupa ko roon. May balak na akong tayuan iyon ng bahay para sa 'min ng anak ko.

Maganda ang temperatura roon. At alam kong magugustuhan 'yon ng anak kong si Oliver.

Napangiti ako ng mapait dahil sa nangyari sa 'kin noon. Walang wala na ako at durog na durog na. Hindi ko aakalain na magagawa 'yon ni Timothy sa 'kin. Pero bahala na, matagal na 'yon.

"Mom," napatigil ako sa pag iisip at agad nilingon ang anak kong nasa tabi ko nakaupo habang ako nag d-drive patungo sa Bagong bahay namin.

"Yes, baby? Need anything?" I ask him while Oliver playing his phone.

"Family Tree," bulong lang niya. Pero parang nabasag ang puso ko dahil sa sinabi niya.

A Family Tree? How?

"Project niyo?" tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa 'kin bago ngumiti at tumango. "Okay, We will make a Family Tree, later."

Tumango naman siya sa 'kin at ngumiti buong byahe. Nang marating na namin ang Farm ay tinulungan kami ng ibang trabahador sa pagbuhat ng mga gamit namin.

Online class si Oliver kaya ayos lang na nandito kami sa Baguio. Maayos naman siguro ang signal dito. Chineck ko ang cellphone ko and yes, maayos naman.

Napangiti ako habang nakatingin sa mga Strawberries. Napabuga ako ng hangin bago hinawakan ang kamay ni Oliver at sabay naming tinungo ang isang medyo hindi kalakihang bahay. Sakto lang, para sa aming dalawa ng anak ko.

Inayos ko na ang mga gamit bago pinatulog muna si Oliver. Nang maayos na ang mga gamit ay naglinis narin ako ng buong bahay pagkatapos ay lumabas muna ako para tanawin ang magandang tanawin rito sa Baguio.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa malaking kahoy at napahinto. Ang ganda! Tree House siya.

"Medyo masungit ang nakatira d'yan," napaigtad ako ng may biglang bumulong sa 'kin.

"Ha?"

"Masungit ang nakatira d'yan Sa Tree House. Ubod ng sungit," tumawa ito bago siya umalis.

Napatingin ako sa malaki at magandang Tree House na nasa harapan ko. Bago ako tumalikod. Ngunit saktong pagtalikod ko ay nakita ko ang isang taong paparating.

Naka jacket ito na makapal habang may dalang basket na may lamang strawberry naglalakad siya palapit sa gawi ko.

Paa! Maglakad kana!. Ayaw gumalaw ng paa ko. Napahinto rin ito ng makita ako. Nanlaki ang mata nito, nabitawan pa ang hawak na basket at nagkalat ang mga strawberry na laman.

Sa loob na limang taon, nagkita kami muli. Ngunit bumalik ang lahat ng sakit, bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko na kagagawan niya. Akala ko ayos na ako. P-pero bakit nasasaktan parin 'ko?

"T-Timothy," mahinang tawag ko sa pangalan niya.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status