Share

Kabanata 4: Relationship

Lanie Pov

Walang naglakas loob sa aming magsalita matapos lumabas ni Eury sa classroom. Gulat pa rin kami sa ginawa niya.

Si Zandro na mahilig sa gulo at kinatatakutan naming lahat sa loob ng room na ito ay nagawa niyang sampalin sa harapan naming lahat. Pero ngayon ko lang nakitang ganoon kagalit si Eury. Sa pagkakaalam ko ay mahaba ang pasensya niya pero ngayon ay talagang naputol na ang pagtitimpi niya.

Lahat kami napalingon kay Zandro nang bitbitin niya ang bag niya at blangko ang mukhang lumabas ng room.

"At saan ka pupunta Zandro?! Hindi pa tayo tapos!" harang ng fourth year student sa kanya.

"Tumabi ka kung ayaw mong makatikim sa akin," nakakatakot niyang bigkas.

Napalunok ako nang mapansin na sobrang galit na galit na ang mga mata niya. Na para bang ilang sandali pa'y maaari siyang sumabog na lang bigla dahil sa sobrang galit.

"A-ano?" natatakot na tanong ng lalaki kay Zandro.

"I said move," malamig niyang utal dahilan para mag give way ang mga ito.

Nang makaalis si Zandro ay saka lang kami nakahinga nang malalim.

"Nakita niyo yung mukha niya? Nakakatakot."

"Oo nga. Parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan kanina."

"Kahit tahimik siya ay nakakatakot pa rin naman siya."

Bulong bulungan nilang lahat.

Napatingin ako sa kawalan. Zandro Vandrick Torricelli and Eurydice Solarte.

Masasabi kong magkatulad silang dalawa na may ibang lahing nanalaytay sa kanilang mga dugo. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung ano man ang ugnayan nilang dalawa. Kapag wala si Eury ay hindi rin pumapasok si Zandro. Kapag umiiyak naman si Eury ay nanlalambot si Zandro. Posible kayang may gusto si Zandro kay Eury?

EURY POV

Kahit hindi pa tapos ang klase namin ay dumiretso na ako nang uwi. Napayuko ako at napayakap sa aking mga tuhod. Nandito ako ngayon sa loob ng aking silid at nakaupo sa kama. Wala sa sariling napatitig ako sa palad ko. Talaga bang nasampal ko siya kanina?

Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako nang marahang pagkatok.

"Eury hija, buksan mo ito. May dala akong meryenda mo," dinig kong sabi ni Mommy mula sa labas ng pinto.

Marahan akong tumayo at pinagbuksan siya. Nakita ko siyang may dalang sandwich saka juice pero ang nakaagaw pansin sa akin ay ang lalaking nakatayo ngayon sa kanyang likuran.

Anong ginagawa niya dito?

"Sabi ni Zandro ay wala raw kayong teacher kaya nauna  ka nang umuwi kanina. Akala ko nagsisimula ka nang magbulakbol Eury." Mommy while busy putting the snacks in my study table.

"O-opo," wala sa sariling sagot ko sa kanya habang nakatitig pa rin kay Zandro.

Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Dahil ba iyon sa ginawa ko? Hindi ko tuloy maiwasang maguilty.

"Sige iiwan ko na muna kayo."

Nang kaming dalawa na lang ang naiwan ay agad siyang pumasok sa loob ng silid ko.

"Bakit ka nandito-"

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"I'm sorry Eury. Please don't be mad at me," bulong niya sa tenga ko habang niyayakap ako.

"Ah, pwede bang bitiwan mo muna ako sandali."

Bumitiw naman siya at tinitigan ako sa mga mata.

"I'm sorry," anas niya muli sa akin.

Napayuko ako at napakagat labi.

"S-sorry din," nahihiyang utal ko at nag iwas nang tingin.

Bakit ako nahihiya? Ano bang nangyayari sa akin?

"Peace." He said while showing me a corneto ice cream.

Marahan ko iyong tinanggap.

"Peace." I said.

"EURY!"

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig namin si Mommy sa ibaba.

"I need a hand right here, just for a moment."

"Coming Mom!" I shouted back.

Bumaba kaming dalawa ni Zandro at nakita namin siya sa kusina na abala sa pagbabake ng cookies.

"You need some help tita?" Zandro asked and roam his eyes in the whole kitchen.

"Yes please, hijo. Can you please slice that melon over there and Eury please wash the dirty dishes."

Napakurapkurap ako. Asan ang mga kasambahay? Nabasa yata ni Mommy ang iniisip ko kasi nagsalita na naman siya.

"The housemaids is not around. Dinala sila ng daddy mo sa tagaytay para bumili ng mga bulaklak."

"All three of them?" tanong ko at nagsimula nang maghugas ng pinggan.

"Yep."

"Want some help?" Zandro while slicing the water melon.

"Hindi na, kaya ko na ito," sagot ko habang abala sa paghuhugas.

"You look great while doing household chores. You looked like a caring wife, Eury."

"Ano ba iyang mga pinagsasabi mo?" natatawa kong utal habang nakafocus sa aking ginagawa.

"You will become a great wife for me, Eury."

Napahinto ako sa paghuhugas at napatingin sa kanya. Maging si Mommy ay natigilan din.

"W-what?"

"Just sayin," kibit balikat niya.

Muntik na akong mapatalon nang bigla na lang pumalakpak si Mommy sa kawalan.

"Omo! Omo! You look good together. Bakit ngayon ko lang napansin ito." Natutuwang bigkas ni mommy at napapatalon pa.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"Ano ba iyang mga pinagsasabi mo, Ma?"

"Really Tita? You really think so?" Zandro while smiling.

Sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Totoo naman na bagay tayong dalawa. Saka kung may taong makakatiis man diyan sa kasungitan at ugali mo walang iba kundi ako lang iyon, Eury."

"So sinasabi mong masungit talaga ako?" sabay tanggal ko sa sabon na nasa mga kamay ko at umayos nang harap sa kanya.

Nginitian niya lang ako.

"Ako huwag mo akong iniinis Zandro ha. Hindi ako masungit, ikaw lang iyong masungit sa ating dalawa," dagdag ko pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status