Share

Kabanata 5: The Hitman

EURY POV

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa paglalagay ng watermelon sa pinggan.

"Aba't huwag mo akong tinatalikuran, Zandro Vandrick Torricelli!" sita ko sa kanya.

Kumuha lamang siya ng popcycle sa ref saka iyon isinubo.

"Napaka pikunin mo talaga," pang aalaska niya pa sa akin habang ngumunguya.

"Ano?"

"Halika ka na, Tita sa sala lang po kami," paalam niya kay Mommy na nakangite lang sa aming dalawa bago ako hinila nang tuluyan.

Inilapag niya ang platong may watermelon sa mesa at nginusuhan akong umupo.

Tsk!

Kumuha ako ng isang slice ng watermelon saka tuluyang naupo sa sofa.

"Ang hilig mo talagang mang inis sa akin noh-"

Nagulat ako nang bigla na lang siyang humiga sa sofa at ginawang unan ang mga hita ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Silence, Eury, naglalaro ako," pagpapatahimik niya sa akin habang ngatngat niya pa rin sa bibig niya iyong stick ng popcycle.

"Doon ka sa kabila humiga."

"Hmm." He respond while busy tapping with his cellphone.

Hindi ko tuloy maiwasang sulyapan ang nilalaro niya. It was an army game. Hindi ko maintindihan. Pero napangiti ako nang makitang lumitaw ang mga katagang 'your'e dead' sa screen.

"Hah! So much for a genius like you. That was a good one." Tumatawa kong utal.

"Tsk! Ang likot mo kasi," reklamo niya na mas lalong ikinatawa ko pa.

"Hindi ako malikot. Sadyang hindi ka lang marunong."

He just stared at me for a moment and faced his phone again. Titingnan ko pa sana ang laro niya nang may biglang mag appear sa screen niya.

'Lexius calling.'

Agad siyang napatayo at nag excuse. Lexius? Sino yon?

ZANDRO POV

"What else do you need now?" I answered the caller.

[ I'm in your house right now, My lord. ]

"What! Hindi ba't sinabi ko na sa inyong lahat na hindi ako sang ayon sa mga gusto niyong mangyari!" mariing bigkas ko at napalingon kay Eury na nasa loob ng sala.

[ It was your father's command, My lord. We are only following his orders. ]

Agad uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"The hell with my father! Sino bang pinaglilingkuran mo, Lexius?! Hindi ba't ako! Now do what exactly I say!" I hung up the call angrily and looked at Eury.

He's really making a moved now. I clenched my fist tightly. Kahit kailan ay hindi ko iiwanan ang babaeng nagparamdam sa akin ng pagmamahal. Hindi kailan man. Kahit kalabanin ko pa ang sarili kong ama.

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya agad niya akong nginitian at kinawayan mula sa loob ng sala. She's my life. Sa kanya ako nakadepende.

All of my decisions are all depends on her. Kung wala siya wala ako. Kung walang Eury wala ring Zandro. Siya ang mundo ko at hindi niya iyon alam. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag vibrate ito.

From: Lexius

Name: Justin jake Queco

Age: 34 years old

Nationality: Half chinese half pilipino

Status: Politician

Place: National main road in pasay

Time: 7:30 pm

Need: Expired

Napasulyap ako sa relong suot ko. It's already 6:30 pm. Napabuntunghininga ako at pumasok ulit sa loob ng bahay nila Eury.

"I need to go," sabay kuha ko sa itim kong coat na nasa rack at isinukbit ito sa kaliwang balikat ko.

Kita kong nagulat si Eury sa sinabi kong iyon kaya agad siyang napatayo at nilapitan ako.

"Now? Already? But were not done yet taking our dinner. Hindi ka dito kakain?" Eury asked while staring at me.

"Sa bahay na lang ako kakain."

"Pero-"

Agad ko siyang hinalikan sa noo niya at niyakap nang mahigpit na ikinatigil naman niya.

"Zandro," tawag niya sa pangalan ko at tinitigan ako gamit ang mga nagtatanong niyang mga mata.

Marahan kong ginulo ang buhok niya at nginitian siya.

"See you at school tomorrow." I said and went out.

Hindi ko na hinintay pa ang iba pa niyang sasabihin. Agad kong sinenyasan ang guard nila na buksan ang gate saka ako pumasok sa sasakyang dala ko. Mabilis namang bumukas ang gate. Agad kong tinawagan si Leonard.

[ Yes, My lord. ]

"Ihanda mo ang motorbike ko may lakad ako," bigkas ko at deretsong pinatakbo ang sasakyang dala pauwi sa bahay.

Malayo pa lang ay bumukas na ang gate ng mansion. Mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko sa garahe at pumasok sa loob.

"Good evening, My lord," sabay-sabay na bati ng mga katulong.

Hindi ko sila pinansin at deretso lamang akong umakyat sa ikalawang palapag at pumasok sa aking silid. Mabilis akong nagpalit ng damit na purong itim. Pinindot ko ang secret passageway na mabilis namang bumukas.

"Eye password," sabi ng nakainstall na security device.

Mabilis nitong iniscan ang aking mga mata at ilang sandali pa ang bumukas na nga ito.

"Scan completed."

Pumasok ako doon at mula sa tagong lugar na ito ay nakita kong nakahanda na ang aking itim na bigbike. Mula sa gilid non ay nakatayo si butler Leonard.

"We have already downloaded all of the informations, Sire. The target will be in the exact location in less than 30 minutes from now," he explained while I'm busy wearing my helmet.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako pa ang kailangang gumawa nito. Sa dami-dami ng kanyang mga tauhan ay ako pa talaga na anak niya mismo ang gagawa," naiinis na pakli ko sa kanya.

Marahan lamang siyang yumuko sa akin.

"Kailangan niyo pong matuto sa mga ganitong bagay, young Master. Bilang anak ng isang makapangyarihang pinuno ng angkang Torricelli ay nararapat lang na matutunan at malaman ninyo ang mga pamamaraan kung paano pumatay o magpatumba ng mga kalaban. Kayo po ang hahalili sa ama ninyo pagdating ng takdang panahon kaya sana maintindihan niyo po," mahabang paliwanag niya sa akin.

Ilang ulit ko na itong narinig sa kanya pero hindi pa rin siya nagsasawang sabihin iyon sa akin nang paulit ulit.

Marahan akong sumampa sa aking bigbike at pinaandar ito.

"Mag-iingat po kayo, young Master," paalala na naman niya na ikinangisi ko sa ilalim ng suot kong helmet.

"Hindi mo na kailangang sabihin iyan dahil talagang mag-iingat ako, Leonard. May babaeng naghihintay sa akin sa pagpasok ko bukas ng eskwelahan," sabi ko sa kanya at mabilis na pinaandar ang motor na dala ko palabas ng secret tunnel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status