Share

Kabanata 6: The Target

THIRD PERSON POV

Sa mahaba at matuwid na kalsada na makikita mo sa pasay, ay nakahilera ang apat na itim na mga sasakyang SUV.

Sa loob ng ikatlong nakahanay na sasakyan ay makikita mo ang isang lalaking may katandaan na at umuusok ang ilong nito dahil sa sobrang galit.

"Diba sinabi ko sa inyo na nagmamadali ako! Tingnan niyo ang nangyari! Naabutan tayo ng traffic! Paano kung malate ako ngayon sa meeting ko?! Anong gagawin ko sa inyo?! Mga walang silbi!" nanggagalaiting sigaw nito sa mga tauhang kasama niya sa loob.

Hindi pa nakuntento ay pinagsasapak niya pa ang mga ito kasali na ang kanyang driver.

Natigilan lamang ito nang mapansin niyang may kumatok sa mismong bintana ng kanyang sasakyan. Nakita nila mula sa loob ng sassakyang lulan nila ang isang batang babae na may dala dalang sampaguita sa mga kamay.

"Hmm..mukhang bumabawi ang swerte sa akin ngayon ah. Kayo, ibaba niyo ang bintana," utos niya sa mga tauhang kasama niya.

Nagkatinginan naman ang mga ito bago ibinaba ang bintana ng sasakyan sa backseat.

"Hello, Ineng. Magkano lahat ng dala mong sampaguita?" tanong nito sa batang babae na walang kamuwang muwang.

"200 po lahat, Sir," inosenteng sagot nito sa kanya.

Naglakbay ang mga mata niya sa batang katawan nito.

"Bibilhin ko lahat neng. Kumain ka na ba?"

Nakita niyang mukhang nasiyahan ang batang babae sa sinabi niyang bibilhin niya nga ang lahat ng mga paninda nito. Mabilis itong nagpasalamat sa kanya at ngumiti.

"Talaga po? Maraming salamat po. At oo nga po pala hindi pa po ako kumakain, mamaya na po kapag nakauwi na po ako sa amin. Naghihintay po kasi talaga si inay sa akin para sabay na po kaming kumain," sagot nito sa kanya.

Pansin niyang may sinusulyapan ang batang babae sa likurang bahagi ng sasakyan nila. Sinundan niya ito nang tingin at nakita niya ang isang lalaki na nakasuot nang pawang itim na kasuotan. May mask din itong suot at sa kabilang kamay ay may hawak itong isang box ng mga sari saring sigarilyo. Papalapit ito sa sasakyan nila habang kinakatok ang bawat bintana ng mga sasakyang nadadaanan nito para mag-alok ng sigarilyong itinitinda.

Hindi niya ito binigyang pansin at muling nilingon ang batang naghihintay sa harapan ng kotse niya.

"Sumama ka sa akin ineng, papakainin kita sa jollibee. Gusto mo ba?" alok niya sa batang babae.

"Pero po kasi-"

"Kapag hindi ka sumama sa akin ay hindi ko bibilhin ang mga paninda mo sige ka," pananakot pa niya rito.

"Naku! Huwag naman pong ganon, Sir," nababahalang anas ng bata at tuluyan nang pumayag.

Ngunit natigilan siya ng mapansing nakalapit na pala iyong lalaking nagtitinda ng sigarilyo sa kanila. Napansin niya kanina na bumili rin ang mga tauhan niyang nakasakay sa kabilang sasakyan dito.

"Sir, sigarilyo po. Baka gusto niyo?" tanong ng lalaki habang sumisilip sa loob ng kanyang sasakyan.

"Ano ba?! Kita mong abala ang boss namin. Umalis ka na kung ayaw mong masaktan!" bulyaw ng bodyguard nito.

Marahan namang itinaas ng matandang boss ang kanyang isang kamay. Ipinaparating sa kanyang mga tauhan na tumahimik at baka matakot pa ang batang babaeng nasa labas.

Atat na atat na siyang maangkin ito. Talagang gustong gusto niya ang mga batang nasa ganitong edad pa dahil bukod sa sariwa pa ang katawan ay iba rin ang ligayang ibinibigay nito sa kanya sa twuing inaangkin niya na ito. Gustong gusto niya iyong umiiyak at nagmamakaawa dahil mas lalo lamang siyang ginaganahan kapag ganoon.

"Isang pakete ng black teens pagkatapos niyan ay umalis ka na," utos niya sa lalaking nagtitinda ng sigarilyo.

"Sige po," matigas na sagot nito sa kanya at dinampot ang isang pakete ng sigarilyong nasa box na mismong lagayan nito.

"Umalis ka na," bruskong bulong niya sa batang babaeng nasa tabi niya.

Mukhang natakot naman ito sa kanya dahil napaatras ito ng dalawang beses.

Humilig siya sa bintanang nakabukas dahilan para hindi makita ng mga nasa labas ang loob ng sasakyan at para hindi rin mapansin ng mga iba pang alalay nito ang totoong gagawin niya.

"Ano ba?! Bilisan mo!" nagmamadaling sigaw ng matanda sa kanya ng mapansin nitong nawawala na sa paningin niya ang batang babae.

Muling naging aburido ang utak nito dahil sa matagal na galaw ng lalaki.

"Heto na po, Sir," sabay abot niya sa sigarilyong hinihingi nito kasama ng kanyang baril na nakatago sa ilalim ng kanyang lagayan ng mga sigarilyo.

Walang pag-alinlangan ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng sasakyan nito at pinaputukan ang dalawang kasama ng matanda. Inuna niya ang driver kasunod ang bodyguard nito.

Nakasilencer ang gamit niyang baril kaya hindi talaga malalaman ng mga iba pa nitong mga bantay ang totoong nangyayari ngayon sa kanilang amo.

Huli niyang tinutukan ang matanda na agad namang natakot at nagmamakaawang huwag niya itong patayin.

"Mababayaran mo na rin ang mga atraso mo sa mga batang walang kamuwang muwang mong ginahasa at pinatay, Mr. Queco. Ikamusta mo na lang ako kay satanas," mariing bigkas niya bago ikinalabit ang gatilyo ng hawak niyang baril.

Deretso niya itong pinatamaan sa ulo at kitang kita niya kung paano humandusay ang patay na katawan nito sa upuan ng sasakyan.

Nakamulat pa ang mga mata nito na animo'y gulat pa sa nangyaring biglaang kamatayan.

Muli niyang itinago ang kanyang baril sa box ng lagayan ng mga sigarilyo.

"Kuya bakit ang tagal mo diyan? Bibilhin pa po ni Sir ang mga paninda ko," takang tanong ng bata sa kanya.

Inabutan naman niya ito ng limang libo na sobrang ikinagulat nito.

"Heto na raw ang bayad. Akin na ang mga bulaklak at ako na ang magbibigay sa kanya. Umalis ka na rin at umuwi na sa inyo," sabi niya rito.

"Maraming salamat po kuya, Sir!" natutuwang sabi ng bata at mabilis na inabot sa kanya ang mga bulaklak ng sampaguita saka ito nagmamadaling umalis.

Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na sumusungaw na ang ulo ng iba pa nitong mga tauhan. Marahil ay nagtataka na ang mga ito.

"Heto na po ang bulaklak niyo sir! Maraming salamat din po sa pagbili niyo sa paninda ko!" malakas na sabi niya at kunwari iniaabot ang bulaklak na hawak. Pero ang totoo pala ay inilagay niya ito sa dibdib ng walang buhay na matanda.

"Magkaroon ka sana ng tahimik na buhay," mahinang anas niya at itinaas ng konti ang bintana nito saka umalis sa lugar na iyon.

Naglakad siya ng ilang minuto bago sumakay sa nakaparada niyang bigbike. Kung nagkataon na hindi traffic ngayon ay baka naging madali lang sa kanya na patayin ito. Hindi na niya sana pa kinakailangan pang magbalatkayo bilang isang magtitinda ng sigarilyo.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at itinipa ang mga katagang "M. S." na ang ibig sabihin ay mission succeed.

Ipinaandar niya ang kanyang motor at pinatakbo ng mabilis paalis sa lugar na iyon. Kasabay ng kanyang pag-alis ang sigawan ng mga tao sa paligid na nagsasabing may pinatay daw sa loob ng sasakyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status