Share

Kabanata 2: Ang First year na si Zandro

CONTINUATION OF THIRD PERSON POV

"My parents are already dead, Eury. So you won't be able to meet them anymore. They died in a car accident. The car they were riding has exploded and so even their bodies were never been seen," Zandro lied to Eury.

Nang lingunin niya si Eury ay nakita niyang umiiyak na ito. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito nang mahigpit at doon sa kanya nagpatuloy sa pag-iyak.

"W-what the heck are you doing?" he asked.

Umiiyak naman itong sumagot sa kanya.

"K-kasi naaawa at nasasaktan ako para sa iyo. Ang bata bata mo pa para mawalan ng mga magulang,  Zandro," iyak na sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.

"Kaya pala napakatahimik at napakasuplado mo kasi mahirap ang mga pinagdadaanan mo. Sabay na nawala ang parents mo, kung ako ang nasa posisyon mo ay iiyak talaga ako araw-araw. Sobrang sakit kaya mawalan ng mahal sa buhay."

Sa mga sinabi nito sa kanya ay para siyang natauhan. Kailan nga ba siya huling umiyak para sa mga magulang niyang nagpaalis sa kanya. Halos hindi na niya maalala pa dahil ang pagngungulilang naramdaman niya para sa mga ito ay matagal nang napalitan nang galit at poot.

"Zandro....sorry..sorry..kung nagtanong ako sa iyo nang ganon. Ipinaalala ko pa tuloy sa iyo ang pagkawala nila. Waaaaahhh sorry," palahaw ni Eury.

Hindi maintindihan ni Zandro ang kanyang sarili sa mga oras na ito. Ang nararamdaman lang niya ay unti unting bumabalik ang mga masasayang alaala niya kasama ang Mommy at Daddy niya. Kung saan ramdam pa niya ang pagmamahal ng mga ito para sa kanya.

Nagulat siya nang magsimulang magsituluan ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. It took a lot of seconds for him to realize that he's crying right now. Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Eury.

How can this little girl make him cry again?

EURY POV

"EURY!"

Napatingin ako kay Gail na isa sa mga kaklase ko. Kararating lang niya dito sa room namin at mukhang pagod na pagod siya galing sa pagkakatakbo niya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"NAKIKIPAG AWAY NA NAMAN SI ZANDRO SA LIKOD NG GYM!"

Nabitiwan ko ang librong hawak ko at kaagad na napatayo. Na naman?! Mabilis akong kumilos at patakbong lumabas ng classroom.

Ilang beses na ba siyang nakipag away sa linggong ito? Sa tingin ko ay ito na ang pang apat na beses. Kung magpapatuloy pa ito ay baka tuluyan na siyang masuspende sa paaralang ito. Ni hindi pa nga tuluyang nagsisimula ang klase namin para sa taong ito ay nasasangkot na kaagad siya sa kahit anumang klase nang gulo dito sa loob ng school.

Dati rati naman ay hindi siya ganyan. Nang nasa elementary pa kami ay ako parati ang nagliligtas sa kanya mula sa mga nambubully sa kanya. Pero ngayong high school na kami at noong simula nang sabihin ko sa kanya na matuto siyang lumaban ay palagi na lang siyang nasasangkot sa anumang klaseng gulo rito sa school.

Halos liparin ko na ang hagdanan papuntang first floor dahil sa pagmamadali.

"Excuse me!" sigaw ko sa mga estudyanteng nakaharang sa corridor ng school.

Nang malapit na ako sa pintuang papuntang likuran ng gym ay may nabangga pa akong lalaki.

"Pasensya na!" sigaw ko muli rito nang hindi manlang humihinto sa pagtakbo.

Agad kong binuksan ang pintuan at pahangos na lumabas. Kaagad kong nakita si Zandro kasama ang tatlo pang mga lalaki.

"Sino ka ba ha?" galit na tanong noong lalaking may pasa sa mukha.

Teka si Zandro ba ang may gawa nun sa kanya?

"Zandro Vandrick Torricelli, first year section 1. At walang kahit na sino man sa inyo ang pwedeng sumira ng tulog ko," sagot ni Zandro na mukhang inaantok pa yata dahil sa namumungay niyang mga mata.

"Aba't matapang ang first year na ito ahh!" sigaw ng isa pang lalaki.

Nagulat ako at napatakip sa bibig nang suntukin niya si Zandro sa mukha. Napaatras lamang si Zandro nang kaunti at pagkatapos ay isang kamay niyang hinablot ang kwelyo ng lalaki.

"Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa iyo?" mahinahon niyang bigkas at sinikmuraan iyong lalaking hawak niya. Napaubo ito sa sakit at napayuko sa lupa.

"Sino pang susunod?" baling niya sa dalawa pang natitira.

Umatras lamang ang mga ito dahil sa takot.

"Ikaw ba ang nanipa?" tanong niya sa isa sa mga lalaki.

"H-hindi. Hindi ako iyon," natatakot na sagot nito sa kanya.

"ZANDRO TAMA NA!" hindi ko na napigilan pang sumigaw.

Mabilis siyang lumingon sa akin at nagulat pa nang makita ako.

Pansin ko ang kaunting galos sa mukha niya pati na sa braso. Sabog ang may kahabaan niyang buhok na humaharang sa makinis niyang mukha at magulo rin ang kanyang unipormeng suot.

"Eury," mahinang anas niya.

"Tama na," hikbi ko na ikinatigil niya.

Nakatitig lamang ako sa kanya. Bakit? Bakit ka nagkakaganyan Zandro? Bakit? Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha sa pisngi ko.

"Tsk! Pasalamat kayo," anas niya at dinampot ang backpack niyang nasa sahig saka naglakad palapit sa akin.

Huminto siya sa aking harapan at tinitigan ako. Dati rati ay ako ang matangkad sa aming dalawa at ako rin ang nakikipag away ngunit ngayon ay iba na ang sitwasyon. Siya na ang gumagawa non. Marahan niyang pinalis ang luha na nasa  aking kanang pisngi.

"Tss! Napaka iyakin mo talaga," bigkas niya saka hinawakan ang aking kamay.

"Let's get inside."

Habang naglalakad kami papasok sa loob ng school ay nakarinig kami ng pagpito.

"Naku naman talaga," mariing bulong ko sa sarili.

Sabay naming nilingon ang may gawa non at nakita namin si Sir Diego. Hindi pa namin siya masyadong kilala pero sa loob ng isang linggong pagbalik balik ni Zandro sa disiplinary office ay siya palagi ang nakakahuli kay Zandro.

"TORRICELLI! IKAW NA NAMAN! SA DISCIPLINARY OFFICE!"

Sinasabi ko na nga ba. Sinamahan ko na lang si Zandro na magpunta sa disciplinary office.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng office at hinihintay si Zandro. Ito na ang pang apat na beses na ipinatawag siya dahil sa gulo. Sana lang ay hindi siya masuspende. Napatayo ako nang bumukas ang pintuan at lumabas mula doon si Zandro. Agad ko siyang nilapitan.

"Anong sabi? Mapapatalsik ka ba? Sumagot ka!"

Bored niya akong nilingon.

"Gusto mo yatang ma suspende ako ahh."

Hindi ko napigilan ang sariling batukan siya.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ha!"

Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at inakbayan ako.

"Hindi nila ako isususpende. Gwapo ako ehh," mayabang niyang sagot at ginulo ang buhok ko.

Engot!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status