Share

Kabanata 3: Only Her

EURY POV

Habang naglalakad kami pabalik ng room namin ay pansin ko ang mga bulong bulongan sa hallway.

"Diba siya iyon?"

"Tingnan mo, siya iyong gwapong first year na mahilig sa gulo. Grabe ang tangkad niya."

"Diba si Zandro 'yan?"

"Ang gwapo niya."

Sinulyapan ko si Zandro na nasa aking likuran. Seryoso ang mukha niyang may band-aid at parang wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Kung tutuusin gwapo naman talaga siya. Makinis ang mukha, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. At mas kaagaw agaw pansin rin ang mga mata niyang kulay asul na nababagay sa makakapal niyang kilay.

May buhok rin siyang mala jungkook yung dating. Ewan ko ba kung ginagaya niya iyon pero sa pagkakaalam ko ay ganyan na talaga ang buhok niya. At habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong tumitingkad ang pagkakulay itim sa buhok niya. Dati rati ay may pagkapusyaw iyon pero ngayon nagiging itim na siya habang tumatagal sa paningin ko.

Nasa ganoon akong pag iisip nang may biglang isang lalaki ang humarang sa dinadaanan ko. Tiningnan ko ang I.d. niya at nabasa ko doon na 2nd year siya.

"Ikaw nga," utal niya at tinitigan ako nang malapitan. Bigla tuloy akong nailang sa ginagawa niya.

"Grabe ang ganda mo lalo sa malapitan," dagdag pa niya.

"Teka, sino ka ba?" hindi ko na napigilan pang magtanong kasi naman napaka weird niya.

"Ikaw nga! Ikaw iyong hinahanap kong studyante sa Arendelle Elementary School," masayang sabi niya.

Ano daw? Hinahanap niya ako? At bakit alam niya kung saan ako nag-aral ng elementary?

"K-kilala mo ba ako?"

"Oo. Unang kita ko pa lang sa iyo  ay alam ko na-"

Natigil siya sa pagsasalita ng pumagitna bigla si Zandro sa aming dalawa.

"Pwede bang tumabi ka diyan sa dinadaanan namin," seryoso niyang sabi dito.

Halos hanggang balikat niya lang iyong lalaki dahil sa sobrang tangkad niya. Nagulat yata iyong lalaki kaya napaatras ito ng wala sa oras.

"O-ok," nauutal niyang sagot kay Zandro.

Hinawakan ni Zandro ang aking kamay at pinagsiklop niya ang aming mga palad saka niya ako hinila paalis doon.

"Wooohhh. Kita niyo iyon?"

"May relasyon ba sila?"

"Ang swerte naman ng babae?"

"Bagay sila."

"Hindi sila bagay."

Mas lalo tuloy lumakas ang mga bulong bulongan sa paligid. Ehh! Napaka chismosa niyong lahat!

"Do you know him?"

"Huh?"

Napalingon ako kay Zandro nang magtanong siya bigla. Ako ba ang kinakausap niya? Nasa tapat na kami ng room namin nang tumigil siya sa paglalakad.

"I'm asking you if you know that guy, Eury."

"Hindi ahh! Hindi ko nga iyon kilala ehh," deretso kong sagot sa kanya.

"Good," he said while nodding and went inside the room.

Lahat ng mga babaeng classmates namin ay sabay na napalingon sa kanya.

"Uyy si Zandro."

"Papasok na siya?"

Deretso siyang naupo sa assigned seat niya at  tumingin sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip niya.

Lahat ng mga kaklase namin ay hindi makapaniwalang pumasok siya at naririto siya ngayon sa loob ng room. Kadalasan kasi ay hindi talaga siya pumapasok, natutulog lang siya doon sa likod ng gym at kung minsan ay sa rooftop.

"Bakit mo ba ginawa iyon?" Tanong ko sa kanya at naupo na rin sa tabi niya.

"Sila iyong nauna," sagot niya.

Nagkatinginan naman ang mga kaklase ko sa isa't isa dahil sa sinagot niyang iyon.

"Kahit na, dapat umiwas ka sa gulo."

"Ikaw ang nagsabi sa akin  na lumaban sa mga bullies."

"Oo nga, pero hindi ko naman sinabing-"

Nabitin sa ere ang iba ko pa sanang sasabihin nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng room namin at pumasok ang apat na lalaki.

"Nandito ba si Zandro?!"

Napatingala ako sa katabi ko nang bigla siyang tumayo.

"Teka." Pigil ko sa kanya.

"What do you want from me?" he growl.

"Umakyat ka sa rooftop mamayang hapon. Naiintindihan mo ba," sabi ng lalaking mukhang leader ng grupo nila.

"Naku paniguradong gulo na naman iyan, Eury," bulong ni Lanie sa likuran ko.

"Hindi ako sumusunod sa kahit na sino lang." Zandro smirk.

"Matapang ka nga talagang uhugin ka."

Hindi ko na talaga natiis pa at pabagsak kong hinampas ang mesa kaya lahat sila ay natigilan.

"Eury." Zandro murmurs.

"Sobra na... sobra na talaga! Kanina pa ako napipikon sa inyo! Bakit ba hindi niyo magawang tigilan itong kasama ko!" galit na sigaw ko sa kanila.

Nagulat naman sila dahil doon.

"Isang linggo pa lang mula nang magsimula ang klase at ni hindi niyo manlang siya tinitigilan sa panggugulo! Mga seniors na kayo pero kung makaasta kayo ay para na kayong kung sino man sa school na ito. Hindi ba kayo nahihiya! Dapat kayo ang magsilbing role model sa aming mga first year! Hindi iyong kayo pa mismo ang nagsisimula ng gulo!" galit na bigkas ko.

Punong puno na ako sa mga ito.

"Eury-"

*PAK!*

Rinig na rinig ko ang pagsinghap nilang lahat. Ang iba pa nga ay napanganga sa ginawa ko.

"Eury," tawag niya ulit sa akin.

"Palagi mo na lang akong binibigyan nang sakit sa ulo. At palagi mo na lang akong pinag-aalala. Hindi mo alam ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig kong nakikipag away ka na naman. Nakakainis ka!"

Mabilis kong hinablot ang bag ko na nasa upuan at deretsong lumabas ng room. Kung hindi siya titigil sa kakasangkot niya sa gulo ay magtratransfer na talaga ako. Ayaw kong pumasok sa isang paaralan na kasama siya. Mahahati lamang ang mga iniisip ko sa tuwing nakikipag rambulan siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status