Share

Kabanata 1: Eurydice Solarte

EURY POV

"Walang mama, kawawa ka naman."

"Wala ding papa ehh ahahaha. Kawawang kano."

Umiiyak lang siya doon habang nakayuko.

"Huyy!"

Napatigil sila sa ginagawa at napatingin sa akin. Nilapitan ko si Zandro. Sobrang kawawa niya.

"Bakit niyo siya inaaway ha?! Isusumbong ko kayo kay Ma'am."

"Totoo naman ahh! Narinig ko mula sa principal office na uncle niya lang ang bumubuhay sa kanya."

"Kawawang kano," tapos nagtawanan pa silang tatlo.

"Ehh ano naman ngayon kung wala siyang Mommy at Daddy. Pwede niya namang maging Mommy ang Mommy ko saka Daddy," sigaw ko sa kanilang tatlo.

"Ahh oo nga pala! Kasi kano ka rin ahahaha half kano ahahaha."

Dahil sa galit ko ay kinuha ko ang  pepper spray mula sa aking bag at pinagspray sa kanila.

"Aray! Ang mata koo!" iyak nila at tumakbo paalis.

"Buti nga sa inyo!!" sigaw ko at nilingon si Zandro. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon.

"Uyy tahan na. Wala na sila ouh."

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa pag-iyak.

"Uyy, tahan na sabi ehh," alo ko ulit sa kanya.

"Gusto mo ng ice cream?" alok ko sa kanya para tumahan lang siya sa kaiiyak niya.

Yumuko ako sa tabi niya at sinilip ang tinatakpan niyang mukha.

"Ang sabi ni mommy sa akin pag umiyak ka idaan mo sa pagkain ng ice cream kasi it helps to freshen you up. Ano gusto mo? Hmm," ngiti ko sa kanya.

Tumahimik lamang siya at dahan dahang nag-angat nang tingin sa akin saka ako tinitigan sa aking mga mata.

"Tara na!" sabi ko sabay hila ko sa kanya at dinala siya sa nagtitinda ng sorbetes.

"Dalawa po kuya."

( Fast Forward )

Nakaupo ako ngayon sa harapan ng principal habang sina mommy at daddy naman ay seryosong nakatingin sa akin.

"Eury, hija, sinong nagbigay sa iyo ng pepper spray?" tanong sa akin ng Principal.

"Si Mommy po," mabilis kong sagot sa kanya.

Nilingon ko si  Mommy at nakita ko kung paano niya ako pinanlakihan ng mga mata habang si Daddy naman ay napapabuntunghininga na lang sa tabi niya.

Napatingin si Mrs. Principal kay Mommy at seryoso itong kinausap.

"Mrs. Solarte," panimula niya.

"Naku, pasensya na po Ma'am, but actually ang rason po kung bakit ko siya binigyan nun ay dahil para magamit niya for emergency purposes. Wala po naman sigurong masama sa ganon," paliwanag ni Mommy sabay sulyap sa akin.

Napayuko ako.

"I get your point Mrs. Solarte, but pepper spray is not suitable for a 6 year old to use."

"Pasensya na po ulit Ma'am," paumanhin ni Daddy at inilahad ang kamay sa harapan ko. Napatitig naman ako don.

"Eury."

"Pero Daddy hindi ko naman ginustong gamitin 'yon sa kanila. They force me do it dahil binubully nila si Zandro," sabi ko sa kanila nang nakanguso.

Nagkatinginan silang tatlo.

"Ok Eury, we get your point now but can Daddy get that spray? Hindi para sa mga bata iyan."

"Ok po," sabay abot ko sa spray sa nakalahad niyang kamay.

"I hope this wouldn't happened again Eury."

"Opo."

Pagkalabas namin ng Principal office ay nakita ko agad si Zandro kasama ang isang matikas na lalaki. Halos tingalain ko na nga ito dahil sa sobrang tangkad.

"Your uncle?" bulong ko kay Zandro.

"Tss. No."

Ganon? Hindi niya uncle?

"Miss Eury."

Napatingin ako dito nang tawagin niya ako at sa namimilog na mga matang napatitig ako sa kanya. Tinawag niya akong Miss. Eeeeeihhh?!

Yumuko siya sa aking harapan upang maglebel kaming dalawa at nagulat ako nang makita ko ang mga mata niya na puno ng paggalang sa akin.

"Maraming salamat sa pagtulong mo kay Zandro, Miss Eury," sabi niya sa akin.

"Ahh wala po iyon," sagot ko sa kanya at tumawa.

Nakatayo lamang si Zandro sa gilid namin habang nakatingin sa labas. Agad kong hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya pati na ng uncle niya.

"Mauna na po kami sa labas uncle," paalam ko at hindi na hinintay ang isasagot niya. Mabilis kaming umalis ni Zandro doon.

"Wait! Where are we going?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Inilahad ko ang kamay ko at nginitian siya ng sobrang tamis.

"For now on your my bestfriend."

"Tss. I don't want you to be my friend."

Nagulat ako doon at agad nakaramdam nang pagkainis sa kanya.

"A-ano? Aba't tinulungan kaya kita kanina. Na guidance pa ako dahil sa iyo," naiinis na bigkas ko sa kanya.

Walang gana niya lang akong tiningnan.

"I didn't ask for your help."

Agad ko siyang binatukan.

"Nakakainis ka! Hindi ka nga manlang marunong mag thank you sa akin," naiiyak kong sabi.

Ehh kasi naman first time kong nag alok ng friendship sa taong kakilala ko lang tapos ganyan pa siya kung umasta.

Bigla siyang tumingkayad sa harapan ko at hinalikan ako sa noo. Nagulat ako don.

"Thank you," he whispered and walked away.

Nalilito ko lang siyang sinundan nang tingin.

Bakit niya iyon ginawa? Bakit niya ako hinalikan?

Napahawak ako sa aking noo. Ang sabi ni Mommy sa akin kapag may humalik daw sa noo ko ibig sabihin nirerespeto ako nang taong 'yon.

THIRD PERSON POV

Simula nang mangayari ang bagay na iyon sa pagitan nila Zandro at Eury ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Palaging binubully sa eskwelahan nila ang batang si Zandro kaya naging tagapagtanggol niya naman si Eury.

Sabay silang kumakain sa recess time nila at maging sa kanilang lunch break ay magkasama din silang dalawa. Idagdag mo pa na magkatabi rin ang upuan nila sa loob ng classroom kaya mas lalong lumalim ang relasyon nang pagkakaibigan nilang dalawa.

"Alam mo matagal na akong may gustong itanong sa iyo, Zandro. Pero hindi ko lang magawa dahil baka magalit ka sa akin o mailang at baka iwasan mo pa ako."

Minsang sabi ni Eury kay Zandro. Nasa bahay sila ngayon nila Eury at naglalaro ng mga bola. Halos nasa grade 6 na sila pareho.

"What is it? You can asked me anything, Eury," sabi ni Zandro habang naglalaro.

"Nasaan ba ang mga parents mo? I mean ang Daddy at Mommy mo? Bakit napapansin ko si uncle Leonard na lang parati ang kasama mo? Malapit na tayong grumaduate sa elementary pero hindi ko pa rin nakikilala ang mga parents mo," tanong ni Eury sa batang si Zandro.

Nakita niyang natigilan ito at natahimik ng ilang sandali.

"T-teka, ok ka lang ba? Nagalit o na offend ba kita, Zandro?"

Marahan lamang itong umiling sa kanya at ngumiti nang mapait.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status