Inalok ng kasal ni Glazer si Maureen hindi bilang asawa kundi bilang slave ninto upang maging kabayaran sa tulong na ibibigay niya sa ama ninto,ngunit ang kasal ay paraan lamang ni Glazer upang makaganti sa ama ni Maureen,nais niyang si Maureen ang magbayad ng lahat ng kasalanan ng ama ninto sa kanya,kaya't gagawin niyang lahat upang maiparamdam kay Maureen ang ganti ng pagkapoot niya,pahihirapan niya ito, hangga't maramdaman ninto ang sakit at pagdurusa na naranasan din niya ng dahil sa ama ninto. Ngunit lumipas ang panahon na nasasaktan na rin siya sa ginagawa niya kay Maureen at may parte sa puso niya na sumisigaw na mahal na rin niya ito at handa na siyang iparamdam dito ang kanyang pagmamahal ngunit sa paanong paraan dahil sa panahong iyon ay puno na ng pagkapoot ang puso ni Maureen para sa kanya at handa na siya nintong talikuran.
View MoreMiss. Ikaw iyong nurse na laging nag-aasikaso sa papa ko? Nakangising tanong ni Maurine.Hah! Sinong papa mo, tanong na naguguluhan ni Eunice.Iyong pong naka admit sa hospital na pagmamay-ari po ng lalaking iyon, sabay turo ng hintuturo ni Maurine sa stage kung saan nakatayo sina Olga at Glazer, sinadya niya talagang ituro si Glazer para malaman niya kung anong magiging reaksyon ni Eunice ng mga oras na iyon.Ah! Hindi ko maalala kung sino ang tinutukoy mong papa, marami kasi akong inaasikasong pasyente sa ospital kaya hindi ko sila matandaan lahat, sagot na mahina ni Eunice habang nakatoon ang mga mata niyang maluha luha sa direksyon ng itinuturong stage ng kausap niyang babae.Dahil sa impluwensya ng alak, napangiti si Maurine sa hitsura ng kausap niyang babae bakas kasi sa mukha ninto ang kalungkutan at halata na pinipigilan lang ang luhang kanina pa namumuo sa mga mata ninto.Miss, parang malungkot ka yata at mukhang nag-iisa ka lang na dumalo sa party na ito, tanong na kunwari
Hindi naman po ma’am Olga makapal ang mukha ko, para hindi ako mahiya, sagot ni Maureen sa mahinang boses. Wow! Talaga hindi makapal ang mukha mo ?at may kunwari kapang nahihiya ka! Tanong ni Olga kay Maureen na may halong pangungutsa sa tono ng boses ninto. Napayuko nalang ang ulo ni Maureen at hindi na niya sinagot ang tanong na iyon ni Olga, nahihiya na kase siya sa mga taong nandoon dahil nasa kanila na halos nakatinngin ang mga ito, na wari’y nanonood ng isang eksina sa pelikula, at nasisiyahan sa palabas. Humakbang bahagya si Olga at tinawag ang waiter na nag-iikot sa venue kumuha siya ng isang basong alak at pinapuno pa niya ng husto ang laman ng baso sa waiter, pagkatapos niyang kumuha ng alak ay lumapit siya ng husto sa harapan ni Maureen. Sabay sabi niyang Sure ka! Hindi makapal ang mukha mo? Hindi po talaga ma’am, mangiyak ngiyak ng sagot ni Maureen kay Olga habang naka yuko pa rin siya, Halos gusto nalang niyang maglaho ng mga oras na iyon para mawala na siya sa harap
Cheers…cheers…..hahahahahahaHagalpak na tawa ni Eunice, sa kainuman nintong lalaki na si Anthon De Duke.Si Anthon De Duke ay kanyang kababata, Sabay silang lumaki at nag-aral sa isang paaralan noong elementary hanggang high school ngunit ng tumungtong na sila sa college ay lumipad ito sa ibang bansa upang doon mag-aral, kaya’t nawalan na siya ng balita dito, ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ngayong gabi ay muli silang nagkita ng kanyang kababata sa bar na kanyang pinuntahan para uminom.Magkamustahan silang magkababata at nagkuwentuhan tungkol sa kanilang mga pinag daanan nintong mga nakalipas na mga taon na hindi sila magkita, hindi ni Eunice maiwasan na mapaiyak habang nakukuwento sa kanyang kababata ng mga pinagdadaanan niya ngayon at nalaman din niya na pareho sila ni Anthon ng pinagdadaanan sa pag-ibig dahil ang pinakamamahal nintong babae sa mahabang panahon ay ginaganap din ang engagement party ng gabing iyon kaya sa subrang kalungkutan ninto ay nagpasya siyang magpakalun
Miss. Ikaw iyong nurse na laging nag-aasikaso sa papa ko? Nakangising tanong ni Maurine.Hah! Sinong papa mo, tanong na naguguluhan ni Eunice.Iyong pong naka admit sa hospital na pagmamay-ari po ng lalaking iyon, sabay turo ng hintuturo ni Maurine sa stage kung saan nakatayo sina Olga at Glazer, sinadya niya talagang ituro si Glazer para malaman niya kung anong magiging reaksyon ni Eunice ng mga oras na iyon.Ah! Hindi ko maalala kung sino ang tinutukoy mong papa, marami kasi akong inaasikasong pasyente sa ospital kaya hindi ko sila matandaan lahat, sagot na mahina ni Eunice habang nakatoon ang mga mata niyang maluha luha sa direksyon ng itinuturong stage ng kausap niyang babae.Dahil sa impluwensya ng alak, napangiti si Maurine sa hitsura ng kausap niyang babae bakas kasi sa mukha ninto ang kalungkutan at halata na pinipigilan lang ang luhang kanina pa namumuo sa mga mata ninto.Miss, parang malungkot ka yata at mukhang nag-iisa ka lang na dumalo sa party na ito, tanong na kunwari
Natulala ng bahagya si Glazer ng makita niya si Eunice sa nakaupo sa bandang sulok , parang biglang nakaramdam siya ng pamimigat ng kanyang dibdib dahil sa nakita niyang hitsura ni Eunice, bakas kasi sa mukha ninto ang hindi maipaliwanag na kalungkutan, kahit na natatakpan ng make-up ang mukha ninto ay bakas pa rin sa mga mata ninto na galing ito sa patinding pagluha. Mabigat ang kanyang mga paa na inihakbang niya ang mga ito papunta sa kinaroroonan ni Eunice at habang humahakbang siya ay hindi niya mapigilan ang mga mata niyang mapaluha ng bahagya, pakiramdam niya ay lalong sumisikip ang pagpintig ng puso dahil sa nakikita niyang hitsura ni Eunice na subrang nasasaktan sa sandaling iyon.Ngunit bago pa umabot ang mga paa niya sa kinaroroonan ni Eunice ay may humawak na sa kanyang braso.Darling saan kaba pupunta? tanong ni Olga humawak sa braso ni Glazer, para pigilan ito sa paghakbang.Bigla naman napahinto sa paghakbang si Glazer at hinarap niya si Olga. May kakausapin lang ako sa
Nang matapos kumain sila Glazer ay agad iniligpit ni Maureen ang pinagkainan at nagmamadaling himugasan niya ang mga pinggan. Binigyan lang kasi siya ni Glazer ng 30 minutes para mag-asikaso sa kusina at mag-ayos ng sarili niya. Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay tinungo na niya ang maid quarter, pagpasok niya sa maid quarter ay tumuloy na agad siya sa banyo at naligo , pagkatapos niyang maligo ay nagmamadaling binuksan niya ang cabinet at naghanap siya ng damit na pwedeng suotin niya, napili niyang isuot ang floral dress na iniregalo pa sa kanya ni Trixia noong nag 18th birthday siya, simple lang ang pagkakayari ng floral dress na iyon hanggang tuhod lang niya at humahapit sa hubog ng katawan niya ang pagkakayari ninto na lalong nag palutang sa magandang hubog ng katawan niya, ipinares niya ang kulay beige niyang 2 inch na sandal sa suot niyang dress, naglagay din siya simpleng make-up. Nang matapos na siyang mag-ayos ng sarili niya ay pinagmasdan ni M
Anong ginagawa mo dito Jade? tanong ni Glazer na may pagkainis sa tono ng boses ninto.ehemm….kuya Glazer ikaw pala, hinahanap ko kasi si manang Chaling. sagot ni Jade na may ngiti sa mga labi ninto.Hindi ko tinatanong kung sino ang hinahanap mo! ang tinatanong ko kung bakit ka nandito sa bahay ko?Grabe ka naman kuya Glazer hindi kaba natutuwa na nandito ako ngayon sa bahay mo?, akala ko pa naman sasalubungin mo ako ng yakap mo pagnakita mo ako nandito sa bahay mo dahil ang tagal na nating hindi nagkita tapos ngayon parang baliktad ang nangyari sa naiisip ko na pag welcome mo sakin dahil parang hindi ako welcome sa bahay mo at mukhang hindi ka pa natutuwa na nandito ako ngayon, nakaktampo ka naman kuya Glazer.Bakit ka nga kasi nandito ngayon? hindi ka manlang nag-abiso na pupunta ka dito ngayon sa bahay ko? para naman sana napaghandaan ko ang pagdating mo. nakasimangot na sagot ni Glaze
Anong ginagawa ninyong dalawa galit na buyaw ni Olga ng makalapit sa kanila.Ginagamot ko lang ang paso ng maid ko. walang ganang sagot ni Glazer kay Olga.Bakit hindi ba kaya ng maid mo na magpahid ng gamot sa sarili niya at ikaw pa talaga ang nag papahid ng cream sa dibdib niya?. salita ni Olga kay Glazer habang nanlilisik ang mga mata ninto.Ano bang problema mo Olga? doctor ako malamang na gagamotin ko siya.Pwede mo naman na sabihin lang sa kanya kung paano niya gagamotin ang paso niya ha! hindi iyong ikaw pa ang gumagawa niyan, lalo tuloy akong nagdududa kung maid mo nga lang ba! talaga ang babaeng iyan?.Pwede ba Olga manahimik ka nalang at itikom mo ang bibig mo dahil hindi ka nakakatulong lalo kalang nakakagulo sa ginagawa ko, saka maid ko siya kaya pananagutan ko kung anong mangyari sa kanya kaya dapat lang na gamotin ko siya ngayon saka common sense nalang Olga dahil ang panggagamot k
Nagdadalawang-isip si Maureen kung tutuloy pa ba siya sa sala o hindi na dahil baka lalo lang siyang makagulo sa pagtatalo ng mga ito pagnakita siya, saka hindi rin naman niya dapat pakinggan ang pinagtatalunan ng mga ito lalo na’t isa lamang siyang hamak na katunlong ni Glayzer kaya’t napagdesisyonan nalang niyang bumalik muna siya sa maid Quarter. Ngunit ng akmang tatalikod na siya para umalis sa kinatatayuan niya ay narinig niya ang isang malakas na sigaw ng babaeng kausap ni Glazer.Buwesit…………………! Who is that girl? At ang lakas ng loob na makinig sa may usapan ng may usapan!. Sigaw ni Olga na umalingawngaw sa loob ng kabahayan.Natigilan naman si Glazer sa pagsasalita at napalingon siya sa direksyon ng tinitingnan ni Olga. Medyo natameme siya ng makita niya ang nakatalikod na si Maureen. Kanina pa kaya ito nakikinig sa pi