Pagdating sa ospital ay mabilis akong inasikaso ng mga nurse na naroon. Nilinisan ang sugat ko at ginamot.
"Take this three times a day," ani doktor habang iniaabot sa akin ang reseta ng gamot.
Mula sa kinauupuan ko ay sinulyapan ko si Mateo sa may pintuan at nakaupo sa hilera ng mga upuan sa hallway ng ospital. Mariin siyang nakapikit at nakasandal ang ulo sa pader.
"Doc, pwede ko din po ba ipa-check-up ang kasama ko. May lagnat po kasi siya." Kahit pa nagamot na ang sugat ko ay hindi pa rin ako mapapakali hanggang hindi maayos ang pakiramdam ni Mateo.
He helped me. I should do the same for him.
Kakalimutan ko na lamang ang paghalik niya sa akin nang isang gabi. Sigurado naman ako na hindi niya iyon sinasadya.
Tinawag siya ng nurse na naroon. Tatanggi pa sana siya subalit nang samaan ko siya ng tingin ay tila ito isang bata na mabilis na sumunod.
Ayon sa doktor, over fatigue lamang daw iyon dulot ng kulang sa tulog at pagpapagod sa t
Hindi ko na matandaan kung paano ako mabilis na nakapagpaalam kay Isha at Mateo sa apartment nang pumasok sila sa loob kasama ang isang sanggol na nasa stroller.Wala na akong pakialam kung magtatanong pa si Isha kay Mateo kung bakit ako naroon. Ang gumugulo sa isipan ko ngayon ay ang pagtawag ng 'dada' ng sanggol, na kasama niya, kay Mateo.Anak niya ba ito? May anak na ba sila?Nabuntis niya ba ito kaya iniwanan niya ako bago pa kami magpakasal?Naglakad ako nang naglakad sa kabila ng iniindang hapdi sa paa, hindi alam kung saan patungo. Hindi ko napadalhan ng mensahe si Kuya Joel, dahil hindi ko rin alam kung saan magpapasundo.Hanggang sa isang sasakyan ang huminto sa aking tabi. Bumukas ang bintana nito."Sandra?" Si Troy.Nakahinga ako nang maluwag at kahit 'di niya naman ako inaalok ay sumakay na ako sa kotse niya. Tahimik niya akong inihatid dahil siguro'y naramdaman niyang may malalim ang aking iniisip.They had a baby
"Lesie, schedule ko?" Tila ayaw pa'ng sabihin ng aking sekretary at kaibigan ang schedule ko para sa linggong ito.Tinaasan ko siya nang dalawang kilay kaya bumuntong hininga siya bago nagsalita."A whole week meeting with the clients." Iyon lang naman pala ang sasabihin niya ay nagpapa-suspense pa.Kinagatan niya muna ang tsokolateng nasa kan'yang kamay, mula pa iyon sa garapon ng chocolates na gawa ni Mateo."Hindi ako makakasama but Mateo will go with you." Napatigil ako sa pagsusulat nang idagdag pa iyon ni Lesie sa sinabi niya.Iniiwasan ko na nga ang lalaki tapos ay makakasama ko pa sa mga client meeting ngayong linggo."How about Mr. Morales?" Mas gugustuhin ko pa yatang makasama si Mr. Morales ngayon kaysa kay Mateo."Sure ka gusto mo makasama 'yon?" tila nanunuyang tanong nito. Mr. Morales was good but he kept on interrupting in meetings outside the office. Hindi tuloy ako makapagdesisyon ng tama kapag siya ang kasama ko.
"Leave kayo pareho ni Mateo. Saan kayo pupunta?" tanong ng chismosa kong kaibigan.Tinanggap ko ang pagdalo sa binyag ng anak ni Mateo at Isha, na si baby Paupau, bilang ninang."Binyag ng anak nila ni Isha. Kinuha akong ninang."Mabilis na nanlaki ang mata ni Lesie at umupo sa harapan ng aking lamesa."'Di nga? May anak na sila? Pero sa personal info na ibinigay niya sa HR ay single daw siya. Baka hindi kasal." Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko.Nagkibit-balikat na lamang ako. Kung hindi lamang malas ang pagtanggi sa imbitasyon ng binyag ay tumanggi na ako. Maaari naman akong magpadala ng representative ngunit ayokong isipin nilang bitter ako para hindi personal na dumalo doon."Dadalo ka ba talaga?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lesie nang tingnan ko itong muli.Alam kong nag-aalala siya sa imbitasyon na iyon ni Mateo. Tumango ako. Hindi ko na maramdaman kung ano nga ba ang tunay na emosyong mayroon ang puso ko.Hin
Suot ang puting white formal sleeveless top na nakatuck-in sa itim na pantalon ay nagtungo na ako sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag.Mula sa sasakyan ay pinagmamasdan ko ang mga taong naroon. Wala akong kakilala maliban kay Mateo at Isha na wala pa doon."Tama ba itong ginagawa ko?" tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin.I am wearing a light make-up na bumagay sa event ngayong araw.Maya-maya pa'y isang pamilyar na kotse na ang dumating, kotse ni Mateo.Bumaba na ako kasabay ng pagbaba niya doon at ni Isha sa shotgun seat. Parang gusto ko na lamang bumalik sa loob ng sasakyan ko at pinagsisihan na pumunta pa ako dito."Sandra!" Ang nakangiting mukha ni Isha ang sumalubong sa akin habang sa kan'yang likod ay si Mateo.Mayroon silang kasamang katulong na siyang may karga sa bata.Bumeso sa akin si Isha at ngiti naman ang ibinigay ko kay Mateo."Thank God you came!" Tinawag nito
Mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan nakakaya ko na ang humakbang palayo sa lugar kung saan ako iniwan noon ni Mateo ay unti-unti naman akong hinihila nito pabalik."Lesie, could you please check Mateo's background?" Hindi ko na kayang sarilinin ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko simula pa kagabi."Bakit?" Lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo. Nagtataka sa biglaan kong utos."Hindi si Mateo ang ama ng anak ni Isha. Wala rin silang relasyon. Naguguluhan lang ako dahil sabi niya sa akin ay si Isha ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon. He lied and I think there's something wrong about it."Karapatan kong malaman ang rason ni Mateo noon pero kung ayaw niyang sabihin ang totoo ay karapatan niya iyon.Gusto ko lamang mapanatag ang aking loob sa pamamagitan ng pagsagot sa sariling katanungan, kahit alam kong ikakasakit ko pa ito.Kinabukasan ay inilapag kaagad ni Lesie ang papel na naglalaman ng personal information ni Mat
Ang malawak na lupain na nabili sa kabilang bayan ang bumungad sa aking umaga. Nagsisimula nang tumubo ang mga punlang itinanim ng masisipag naming magsasaka."This will be a great start for Hacienda Miraflor, Sandra." Ang boses ni Troy mula sa aking likod ang tuluyang nagpasilay ng ngiti sa aking labi.Nagsisimula nang magtayo ng mga kubong pahingahan ang ilang magsasaka sa tabi ng taniman.Ang mga cacao na maaani mula rito ay ibabyahe na lamang patungo sa hacienda kung nasaan ang bodega, na ngayon ay mas pinapalaki ko pa.Mas mahigpit na din ang seguridad doon upang huwag nang maulit ang insidente noon."Ikaw kailan ka magsisimula ulit?" tanong niya sa akin."Huh?" Kahit alam ko ang ibig niyang sabihin ay nagulat pa din ako, dahil ito ang unang pagkakataon na may nagtanong ng ganoon sa akin."Nevermind. I'm not pressuring you. Pero kung ako ang tatanungin, liligawan na kita ngayon kahit hindi ka pa nakakapagdesisyon," aniya.
Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay kinakatok na ako ni manang sa kwarto."Yes po manang?" Magulo pa ang aking buhok at si manang ay katulad kong tila kakagising lang din."Nasa labas na po si Sir Mateo." Tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa may salas.Mag-aalas-sais pa lamang ng umaga. Hindi niya sa akin sinabi ang eksaktong oras ng meeting. Wala din akong ideya kung saan at sino ang kakatagpuin namin na kliyente.Nagbilin ako kay manang na papasukin na ito dahil wala naman si tatay. Hinayaan ko munang magbakasyon ito sa mga kamag-anak namin at kaibigan niya sa probinsya.Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos kong maglagay ng kaunting kolorete sa mukha at magsuot ng dalawang pulgada kong takong na pang-opisina ay bumaba na ako.Naabutan ko doon si Mateo na masayang kinkausap ni manang.Tumayo siya nang makita ako."Good morning," bati niya.Binati ko siya pabalik. "Late na ba tayo?"T
Malaki ang pasasalamat ko na mayroon pa'ng signal sa gitna ng dagat. Tinawagan ko kaagad si Lesie."Lesie, can you book a boat, a yacht or whatever that can travel by sea to Isla Benito?" bungad ko dito."Ang haba naman ng magandang umaga mo. Gan'yan ba kapag kasama ang ex?" pang-aasar nito.Alam niya na magkasama kami ni Mateo?Tiningnan ko si Mateo nang maramdaman ang paninitig nito. Inirapan ko siya. Hindi ko gusto ang wala niyang pasabing pagpunta namin sa isla at pananatili doon ng ilang araw."How did you know?" tanong ko sa kabilang linya. Nasa tabi ko lang si Mateo at wala akong pakialam kung marinig niya man ang usapan namin o hindi."Mr. Morales, told me that you and your ex will be in an out of town meeting for a week." Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabing iyon ni Lesie.Sa akin dapat nanggagaling ang bagay na iyon at hindi kay Mr. Morales."No, I am going back later. Magpadala ka ng barko, bangka. Ba