Share

Chapter 61

"Leave kayo pareho ni Mateo. Saan kayo pupunta?" tanong ng chismosa kong kaibigan.

Tinanggap ko ang pagdalo sa binyag ng anak ni Mateo at Isha, na si baby Paupau, bilang ninang.

"Binyag ng anak nila ni Isha. Kinuha akong ninang."

Mabilis na nanlaki ang mata ni Lesie at umupo sa harapan ng aking lamesa.

"'Di nga? May anak na sila? Pero sa personal info na ibinigay niya sa HR ay single daw siya. Baka hindi kasal." Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Kung hindi lamang malas ang pagtanggi sa imbitasyon ng binyag ay tumanggi na ako. Maaari naman akong magpadala ng representative ngunit ayokong isipin nilang bitter ako para hindi personal na dumalo doon.

"Dadalo ka ba talaga?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lesie nang tingnan ko itong muli.

Alam kong nag-aalala siya sa imbitasyon na iyon ni Mateo. Tumango ako. Hindi ko na maramdaman kung ano nga ba ang tunay na emosyong mayroon ang puso ko.

Hin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status