Share

Chapter 62

Suot ang puting white formal sleeveless top na nakatuck-in sa itim na pantalon ay nagtungo na ako sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag.

Mula sa sasakyan ay pinagmamasdan ko ang mga taong naroon. Wala akong kakilala maliban kay Mateo at Isha na wala pa doon.

"Tama ba itong ginagawa ko?" tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin.

I am wearing a light make-up na bumagay sa event ngayong araw.

Maya-maya pa'y isang pamilyar na kotse na ang dumating, kotse ni Mateo.

Bumaba na ako kasabay ng pagbaba niya doon at ni Isha sa shotgun seat. Parang gusto ko na lamang bumalik sa loob ng sasakyan ko at pinagsisihan na pumunta pa ako dito.

"Sandra!" Ang nakangiting mukha ni Isha ang sumalubong sa akin habang sa kan'yang likod ay si Mateo.

Mayroon silang kasamang katulong na siyang may karga sa bata.

Bumeso sa akin si Isha at ngiti naman ang ibinigay ko kay Mateo.

"Thank God you came!" Tinawag nito

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status