Ang malawak na lupain na nabili sa kabilang bayan ang bumungad sa aking umaga. Nagsisimula nang tumubo ang mga punlang itinanim ng masisipag naming magsasaka.
"This will be a great start for Hacienda Miraflor, Sandra." Ang boses ni Troy mula sa aking likod ang tuluyang nagpasilay ng ngiti sa aking labi.
Nagsisimula nang magtayo ng mga kubong pahingahan ang ilang magsasaka sa tabi ng taniman.
Ang mga cacao na maaani mula rito ay ibabyahe na lamang patungo sa hacienda kung nasaan ang bodega, na ngayon ay mas pinapalaki ko pa.
Mas mahigpit na din ang seguridad doon upang huwag nang maulit ang insidente noon.
"Ikaw kailan ka magsisimula ulit?" tanong niya sa akin.
"Huh?" Kahit alam ko ang ibig niyang sabihin ay nagulat pa din ako, dahil ito ang unang pagkakataon na may nagtanong ng ganoon sa akin.
"Nevermind. I'm not pressuring you. Pero kung ako ang tatanungin, liligawan na kita ngayon kahit hindi ka pa nakakapagdesisyon," aniya.
Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay kinakatok na ako ni manang sa kwarto."Yes po manang?" Magulo pa ang aking buhok at si manang ay katulad kong tila kakagising lang din."Nasa labas na po si Sir Mateo." Tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa may salas.Mag-aalas-sais pa lamang ng umaga. Hindi niya sa akin sinabi ang eksaktong oras ng meeting. Wala din akong ideya kung saan at sino ang kakatagpuin namin na kliyente.Nagbilin ako kay manang na papasukin na ito dahil wala naman si tatay. Hinayaan ko munang magbakasyon ito sa mga kamag-anak namin at kaibigan niya sa probinsya.Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos kong maglagay ng kaunting kolorete sa mukha at magsuot ng dalawang pulgada kong takong na pang-opisina ay bumaba na ako.Naabutan ko doon si Mateo na masayang kinkausap ni manang.Tumayo siya nang makita ako."Good morning," bati niya.Binati ko siya pabalik. "Late na ba tayo?"T
Malaki ang pasasalamat ko na mayroon pa'ng signal sa gitna ng dagat. Tinawagan ko kaagad si Lesie."Lesie, can you book a boat, a yacht or whatever that can travel by sea to Isla Benito?" bungad ko dito."Ang haba naman ng magandang umaga mo. Gan'yan ba kapag kasama ang ex?" pang-aasar nito.Alam niya na magkasama kami ni Mateo?Tiningnan ko si Mateo nang maramdaman ang paninitig nito. Inirapan ko siya. Hindi ko gusto ang wala niyang pasabing pagpunta namin sa isla at pananatili doon ng ilang araw."How did you know?" tanong ko sa kabilang linya. Nasa tabi ko lang si Mateo at wala akong pakialam kung marinig niya man ang usapan namin o hindi."Mr. Morales, told me that you and your ex will be in an out of town meeting for a week." Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabing iyon ni Lesie.Sa akin dapat nanggagaling ang bagay na iyon at hindi kay Mr. Morales."No, I am going back later. Magpadala ka ng barko, bangka. Ba
I was awake the whole ride. Napakagandang tingnan ng karagatan na aming dinaraanan. Banayad ito at sinabayan pa ng magandang sikat ng araw."Welcome to Isla Benito!" Ang masayang pagbati ng tatlong lalaking nakasuot ng puting collar shirt na may logong Benito's Resort ang sumalubong sa amin ni Mateo pagkababa ng barko.Kinuha ng dalawang lalaki ang bagahe mula kay Mateo at ang isa naman ay iginiya kami pasakay ng kulay asul na van. Mayroon din itong tatak na Benito Island."Salamat," sabay namin sabi ni Mateo nang makasakay sa loob ng van.Nasa tabi ng driver si Mateo samantalang ako nama'y sa likuran nila nakaupo. Ang dalawa pang lalaki ay nasa likod ko din."Tiyak po na mag-e-enjoy kayo ni Ma'am Beautiful dito sa isla," ani driver na isa sa mga sumalubong sa amin kanina.Napangiti ako."Cassandra po," pagpapakilala ko. May katandaan na din kasi ito kumpara sa dalawang lalaki na nasa likod namin na mukhang mga estudyante pa.
Dala ng labis na pagod ay mabilis akong nakatulog. Nagising na tuloy ako sa alanganin na oras, alas-tres nang madaling araw. Saka ko lamang din napansin na kaya pala malamig sa kwarto kahit naka-off ang aircon ay dahil sa bahagya pa’ng nakabukas ang pintuan patungong terasa.Lumapit ako doon kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Tila ako naenganyong lumabas.Mula sa railings ng terasa ay sumandal ako at pinagmasdan ang tanawin mula doon. Walang ibang nakikita doon bukod sa matataas na punong-kahoy, kung saan nagmumula ang malamig na ihip ng hangin.Napakatahimik ng madaling araw. Sariwa pa ang simoy ng hangin, talaga naman masarap matulog sa probinsya.Ang mapanatag na oras ay nabulabog nang sunod-sunod akong makarinig ng alulong. Nang dumating kami kanina ni Mateo ay wala akong maalalang may asong tumahol o sumalubong sa amin. Pero kung may umaalulong ngayon ay baka marami silang alagang aso at nasa likod lamang itong parte ng mansyon kanina ka
Wala akong galit sa mga aso, sa katunayan nga ay mababait ito at nakakatuwang alagaan pero sa lalaking nakikipaghabulan sa kanila ngayon ay matindi ang inis na nararamdaman ko.“Come ‘on Sandra!” aya pa nito sa akin.Binigyan ko siya ng ngiting aso.Kanina niya pa ako niyayang magpakain ng aso at makipaglaro dito pero hindi ko pinapaunlakan. Sumunod lamang ako nang dumating na ang mag-asawa.“Nakatulog naman ba kayo?” tanong ng mag-asawa.“Opo, kaya lang pagdating ng alas-tres nang maaga ay ginising po ako ni Sandra,” kaswal na kwento ni Mateo kaya pinanlakihan ko siya ng mata.“Bakit?” nagtatakang tanong ng ginang.“Kasi po- ”“Hindi ko po kasi maisara ang pintuan sa terasa. Malamig na po kasi.” Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Mateo.May mapaglarong ngiti ang mukha nito.“Malamig talaga ang simoy ng hangin doon dahil nasa tapat
Ginabi na kami sa daan pauwi ng mansyon. Maaga pa lamang ay sarado na ang ilang kabahayan na aming dinaraanan. Napakatahimik ng lugar.Pagdating sa mansyon ay may nakahain ng hapunan sa hapag kainan.“Tataba po yata ako dito Ginang Lorie,” biro ko.Tumawa ang mag-asawa maliban kay Mateo na nanatiling blanko ang mukha.Simula nang matapos ang tawag ko kanina kay Troy at Lesie ay hindi niya na ako kinulit. Nagsasalita na lamang siya kapag kausap ang mag-asawang Benito.“Bukas ay bibisitahin naman natin ang dalawa pa’ng lupain.” Bahagya akong nabigla sa sinabi ni Ginoong Alfredo, kung gayon ay hindi lamang isa bagkus ay tatlong lupain ang pagtataniman ng mga cacao. Siguradong malaking tulong ito sa mga taga-rito at sa Hacienda Miraflor na din.Katulad ng aking inaasahan ay masarap ang pagkain na inihain sa amin. Mabilis akong nabusog at dinapuan ng antok, pero nilalabanan ko iyon dahil nakakahiyang humikab ulit ako
Maliwanag ang kabuuan ng kwartong tinutuluyan ko. Nakatalukbong din ako ng kumot at nakasuot ng earphones. Natatakot akong makarinig ng kahit anumang ingay katulad ng alulong, kaya mabuti nang makinig na lamang ng musika.Ilang minuto na siguro akong pabaling-baling sa kama ngunit hindi pa rin ako nakakatulog. Marahil ay dahil sa liwanag at musikang pinapakinggan ko.Sana'y kasi akong tahimik at malamlam ang ilaw o 'di kaya'y madilim kapag matutulog.Pinalitan ko ang pinapakinggan sa nakakaantok na kanta. Unti-unti naman itong umepekto sa akin, subalit mabilis akong napabangon nang may maramdamang mahinang pagkalabit sa aking balikat.Sisigaw sana ako sa takot kaya lang ay mukha ni Mateo ang sumalubong sa akin pagtanggal ko ng kumot, na tumatakip sa aking buong katawan."Ano'ng ginagawa mo dito?" Nahihilakbot kong tanong.Para akong aatakehin sa puso sa pambibigla ni Mateo."Sorry. Pumasok na ako dahil hindi ka nagbubukas kanina
Hi! Kumusta kayo? I hope you guys are having a good day today. Gusto ko mag-thank you sa mga mambabasa na patuloy na nagbibigay ng gems. Maraming salamat. Nawa'y napapakilig kayo ni Mateo at Sandra. As much as possible gusto ko gawing affordable ang bawat chapters at worth it. Sana napapasaya kayo ng akda ko. My next update will be on November, next month. Focus muna po ako ngayon sa pag-re-review for my board exam. Wish me luck and please include me in your prayers 😊 Yours Truly, Rina P.S hindi na-i-pa-publish. Need daw ng more than 100 words. Baka pwede na. Haha 😂