Share

Chapter 68

Dala ng labis na pagod ay mabilis akong nakatulog. Nagising na tuloy ako sa alanganin na oras, alas-tres nang madaling araw. Saka ko lamang din napansin na kaya pala malamig sa kwarto kahit naka-off ang aircon ay dahil sa bahagya pa’ng nakabukas ang pintuan patungong terasa.

Lumapit ako doon kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Tila ako naenganyong lumabas.

Mula sa railings ng terasa ay sumandal ako at pinagmasdan ang tanawin mula doon. Walang ibang nakikita doon bukod sa matataas na punong-kahoy, kung saan nagmumula ang malamig na ihip ng hangin.

Napakatahimik ng madaling araw. Sariwa pa ang simoy ng hangin, talaga naman masarap matulog sa probinsya.

Ang mapanatag na oras ay nabulabog nang sunod-sunod akong makarinig ng alulong. Nang dumating kami kanina ni Mateo ay wala akong maalalang may asong tumahol o sumalubong sa amin. Pero kung may umaalulong ngayon ay baka marami silang alagang aso at nasa likod lamang itong parte ng mansyon kanina ka

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status