I was awake the whole ride. Napakagandang tingnan ng karagatan na aming dinaraanan. Banayad ito at sinabayan pa ng magandang sikat ng araw.
"Welcome to Isla Benito!" Ang masayang pagbati ng tatlong lalaking nakasuot ng puting collar shirt na may logong Benito's Resort ang sumalubong sa amin ni Mateo pagkababa ng barko.
Kinuha ng dalawang lalaki ang bagahe mula kay Mateo at ang isa naman ay iginiya kami pasakay ng kulay asul na van. Mayroon din itong tatak na Benito Island.
"Salamat," sabay namin sabi ni Mateo nang makasakay sa loob ng van.
Nasa tabi ng driver si Mateo samantalang ako nama'y sa likuran nila nakaupo. Ang dalawa pang lalaki ay nasa likod ko din.
"Tiyak po na mag-e-enjoy kayo ni Ma'am Beautiful dito sa isla," ani driver na isa sa mga sumalubong sa amin kanina.
Napangiti ako.
"Cassandra po," pagpapakilala ko. May katandaan na din kasi ito kumpara sa dalawang lalaki na nasa likod namin na mukhang mga estudyante pa.
Dala ng labis na pagod ay mabilis akong nakatulog. Nagising na tuloy ako sa alanganin na oras, alas-tres nang madaling araw. Saka ko lamang din napansin na kaya pala malamig sa kwarto kahit naka-off ang aircon ay dahil sa bahagya pa’ng nakabukas ang pintuan patungong terasa.Lumapit ako doon kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Tila ako naenganyong lumabas.Mula sa railings ng terasa ay sumandal ako at pinagmasdan ang tanawin mula doon. Walang ibang nakikita doon bukod sa matataas na punong-kahoy, kung saan nagmumula ang malamig na ihip ng hangin.Napakatahimik ng madaling araw. Sariwa pa ang simoy ng hangin, talaga naman masarap matulog sa probinsya.Ang mapanatag na oras ay nabulabog nang sunod-sunod akong makarinig ng alulong. Nang dumating kami kanina ni Mateo ay wala akong maalalang may asong tumahol o sumalubong sa amin. Pero kung may umaalulong ngayon ay baka marami silang alagang aso at nasa likod lamang itong parte ng mansyon kanina ka
Wala akong galit sa mga aso, sa katunayan nga ay mababait ito at nakakatuwang alagaan pero sa lalaking nakikipaghabulan sa kanila ngayon ay matindi ang inis na nararamdaman ko.“Come ‘on Sandra!” aya pa nito sa akin.Binigyan ko siya ng ngiting aso.Kanina niya pa ako niyayang magpakain ng aso at makipaglaro dito pero hindi ko pinapaunlakan. Sumunod lamang ako nang dumating na ang mag-asawa.“Nakatulog naman ba kayo?” tanong ng mag-asawa.“Opo, kaya lang pagdating ng alas-tres nang maaga ay ginising po ako ni Sandra,” kaswal na kwento ni Mateo kaya pinanlakihan ko siya ng mata.“Bakit?” nagtatakang tanong ng ginang.“Kasi po- ”“Hindi ko po kasi maisara ang pintuan sa terasa. Malamig na po kasi.” Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Mateo.May mapaglarong ngiti ang mukha nito.“Malamig talaga ang simoy ng hangin doon dahil nasa tapat
Ginabi na kami sa daan pauwi ng mansyon. Maaga pa lamang ay sarado na ang ilang kabahayan na aming dinaraanan. Napakatahimik ng lugar.Pagdating sa mansyon ay may nakahain ng hapunan sa hapag kainan.“Tataba po yata ako dito Ginang Lorie,” biro ko.Tumawa ang mag-asawa maliban kay Mateo na nanatiling blanko ang mukha.Simula nang matapos ang tawag ko kanina kay Troy at Lesie ay hindi niya na ako kinulit. Nagsasalita na lamang siya kapag kausap ang mag-asawang Benito.“Bukas ay bibisitahin naman natin ang dalawa pa’ng lupain.” Bahagya akong nabigla sa sinabi ni Ginoong Alfredo, kung gayon ay hindi lamang isa bagkus ay tatlong lupain ang pagtataniman ng mga cacao. Siguradong malaking tulong ito sa mga taga-rito at sa Hacienda Miraflor na din.Katulad ng aking inaasahan ay masarap ang pagkain na inihain sa amin. Mabilis akong nabusog at dinapuan ng antok, pero nilalabanan ko iyon dahil nakakahiyang humikab ulit ako
Maliwanag ang kabuuan ng kwartong tinutuluyan ko. Nakatalukbong din ako ng kumot at nakasuot ng earphones. Natatakot akong makarinig ng kahit anumang ingay katulad ng alulong, kaya mabuti nang makinig na lamang ng musika.Ilang minuto na siguro akong pabaling-baling sa kama ngunit hindi pa rin ako nakakatulog. Marahil ay dahil sa liwanag at musikang pinapakinggan ko.Sana'y kasi akong tahimik at malamlam ang ilaw o 'di kaya'y madilim kapag matutulog.Pinalitan ko ang pinapakinggan sa nakakaantok na kanta. Unti-unti naman itong umepekto sa akin, subalit mabilis akong napabangon nang may maramdamang mahinang pagkalabit sa aking balikat.Sisigaw sana ako sa takot kaya lang ay mukha ni Mateo ang sumalubong sa akin pagtanggal ko ng kumot, na tumatakip sa aking buong katawan."Ano'ng ginagawa mo dito?" Nahihilakbot kong tanong.Para akong aatakehin sa puso sa pambibigla ni Mateo."Sorry. Pumasok na ako dahil hindi ka nagbubukas kanina
Hi! Kumusta kayo? I hope you guys are having a good day today. Gusto ko mag-thank you sa mga mambabasa na patuloy na nagbibigay ng gems. Maraming salamat. Nawa'y napapakilig kayo ni Mateo at Sandra. As much as possible gusto ko gawing affordable ang bawat chapters at worth it. Sana napapasaya kayo ng akda ko. My next update will be on November, next month. Focus muna po ako ngayon sa pag-re-review for my board exam. Wish me luck and please include me in your prayers 😊 Yours Truly, Rina P.S hindi na-i-pa-publish. Need daw ng more than 100 words. Baka pwede na. Haha 😂
Katulad ng sinabi ng mag-asawang Benito ay nagtungo kami sa dalawa pa'ng lupain na pagtataniman ng mga cacao.Halos isang oras ang layo nito sa mansyon, kaya naman habang nasa byahe ay naipapaliwanag ko na sa kanila ang ilang mga bagay tungkol sa negosyo."We'll going to visit Hacienda Miraflor one of these days," nakangiting saad ni Ginoong Alfredo.Marami silang tanong tungkol sa hacienda, kaya hindi maiwasan na mailwento ko sa kanila ang tungkol sa pag-ibig ni Arman sa akin, na naging dahilan upang mailipat sa pangalan ko ang buong ari-arian nito.Hindi ko na dinetalye pa iyon dahil naiilang ako kay Mateo. Kapatid niya si Arman at hindi ko maiwasan ang isipin na hindi ko sinasadyang magkaroon ng relasyon sa kanilang dalawa."Matapos mamatay ni Arman ay hindi ka na umibig muli?" tanong ni Ginang Lorie, na nakaupo sa tabi ng asawa nito. Kami ni Mateo ay nasa likod nila at sa unahan naman si Manong Elmer at isang babae na ayon sa mag-asawa ay sekre
Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang nagpawala ng takot ko sa aswang kagabi, ang payo ba ni Mateo o ang cold treatment niya? Kanina pa ako gising ngunit masyado pang maaga kaya inubos ko na lamang ang aking oras sa pagtingin sa kabuuan ng kwarto. Napakalaki nito at iisipin mong master's bedroom pero ayon sa mag-asawa ay kwarto ito ng panganay nilang anak. Maswerte ang kanilang mga anak dahil mayroon silang mabuting mga magulang, kompletong pamilya at masaganang buhay. Matapos ang ilan minuto pa'ng pagmumuni-muni ay napagpasyahan ko nang bumangon. Hindi ko alam kung mayroon pa ba kaming lakad ngayon kasama ang mag-asawa, pero ayon sa kanila ay nais nila kaming ipasyal sa isla. Dumiretso sa banyo upang maligo. Bago sana kami mamasyal ay gusto ko munang tapusin ang mga gawain sa opisina na ipinapa-send sa akin ni Lesie. Para na nga siyang boss kung makapag-utos at ako naman ang kan'yang sekretarya. Ang problema ko lang ay pap
Alas-tres na nang hapon nang makarating kami sa resort.Benito Island Resort. Iyan ang nakasulat sa malaking karatula sa ibabaw ng malaking bukas na gate.May ilang mga sasakyan doon na para sa turista katulad ng sumundo sa amin noon ni Mateo sa pantalan.Mayroong mga kubo at tatlong palapag na hotel building kung saan maaaring manatili ang mga bisita.Mabagal lamang akong maglakad sa maliit na batong inaapakan ko sapagkat pinagmamasdan ko ang buong resort."Maligayang pagdating po sa Benito Resort, Miss Cassandra and Mr. Mateo. Ako nga po pala si Jasmine, ang mag-a-assist sa buong stay ninyo dito sa resort." Ang tinig ng isang isang maganda at matangkad na babae, na lumapit sa amin, ang nagnakaw ng atensyon ko.Wala sana akong balak na matulala sa kan'ya kun'di nabigla ako sa halos lumantad nang pisngi ng kan'yang dibdib sa masikip nitong uniporme.Mayaman ang mag-asawang Benito, pero bakit naman tila matipid sa damit ang babaeng ito