Share

Chapter 63

Mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan nakakaya ko na ang humakbang palayo sa lugar kung saan ako iniwan noon ni Mateo ay unti-unti naman akong hinihila nito pabalik.

"Lesie, could you please check Mateo's background?" Hindi ko na kayang sarilinin ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko simula pa kagabi.

"Bakit?" Lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo. Nagtataka sa biglaan kong utos.

"Hindi si Mateo ang ama ng anak ni Isha. Wala rin silang relasyon. Naguguluhan lang ako dahil sabi niya sa akin ay si Isha ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon. He lied and I think there's something wrong about it." 

Karapatan kong malaman ang rason ni Mateo noon pero kung ayaw niyang sabihin ang totoo ay karapatan niya iyon.

Gusto ko lamang mapanatag ang aking loob sa pamamagitan ng pagsagot sa sariling katanungan, kahit alam kong ikakasakit ko pa ito.

Kinabukasan ay inilapag kaagad ni Lesie ang papel na naglalaman ng personal information ni Mat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status